13

147 12 9
                                    

Vote. Comment. And enjoy reading
Chasing Love
-Elay Biares

 And enjoy reading Chasing Love -Elay Biares

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sana di na matapos

Sobrang saya ko ngayong araw kaya naman ay natatakot na ako dahil alam kong mayroon itong magiging kapalit. Matatapos ang saya at mapapalitan ng hinagpis.

Natatakot din ako na baka ngayon gusto niya pa ako pero kinabukasan ay marerealize niyang hindi pala talaga kami bagay sa isa't isa.

Araw ng linggo. Magsisismba kami ngayon nina lolo at lola. I wore a simple white dress na pinaresan ko ng flat shoes. Naka half bun naman ang buhok ko. I smiled when I saw myself in the mirror.

"Haynaku! Ikaw bata ang bagal mo talagang kumilos! Daliaan mo na riyan at baka mahuli tayo sa misa! Nakakahiya naman sa kasabay natin, aba!" sigaw ni lola mula sa labas ng kwarto. Ang bilis talaga mainip.

Kasabay? Wala naman kaming kasabay lagi kapag nagsisimba ah! Hindi kaya..? Tsk! Impossible, kung ano ano na lang talaga napasok sa utak ko.

Lumabas na ako ng aking kwarto at baka ma high blood pa si lola. Sisigaw na naman yon. Pagkalabas ko ay una kong nakita si Lola na masayang nakikipag usap kay lola Feli. Kung andito si Lola Feli ibig bang sabihin ay andito din yung lima? Andito si Kai!?

Iginala ko ang aking tingin at hinanap ang imahe ni Kai. Kahapon ko lang siya huling nakita pero nang makita ko ulit siya ngayon ay para bang isang taon ko siyang hindi nakita. Ang gwapo niya ngayon.

Naka long sleeves niya na puti pero nagmistula itong 3/4 dahil naka tupi ito hanggang siko. Naka ayos din ang kanyang may kahabaang buhok kaya ang linis tignan ng mukha niya. 

"Easy. Baka matunaw." namalayan ko na lang ulit ang aking sarili ng tinapik ni lolo ang aking balikat. Tumagal ata ang pagtitig ko kay Kai, buti na lang at hindi niya ako napansin.

Umalis na kami sa bahay at nagtungo sa simbahan. May sasakyan na dala sina Lola Feli na kasya kaming lahat. Magkakatabi sina lolo, lola at lola Feli. Nasa bandang likod kaming anim ng van. Puno ng kantyawan hanggang sa nakarating kami sa simbahan.

Napalingon sa amin ang ibang tao. Ang iba naman ay nagpatuloy lang sa pagpasok sa simbahan. Karamihan ay puno ng paghanga ang mata habang nakatingin sa lima. Mapanghusga naman kapag sa akin.

"Stephanie. Ayos ka lang ba? Masama ba pakiramdam mo?" napaigtad ako ng hawakan ni Kai ang aking nuo at pinakiramdaman ito. "Wala ka namang lagnat. Ayos ka lang ba talaga? Nag aalala na ako sayo." namula ang pisngi ko dahil sa katotohanang nag aalala siya sa akin. 

"Ayos lang ako, Kai." inalis ko na ang kamay niya at saka sumunod kanila lolo at lola papasok sa simbahan. Sa gilid ko ay nakita ko siyang humabol sa akin at pinantayan ang lakad ko. Awtomatikong bumilis ang tibok ng puso ko.

Si Kai lang ang nakakapagparamdam sa akin ng ganito. Siya lang yung kayang maalis agad yung mga lungkot na nararamdaman ko. Siya lang yung nakakapagpabilis ng tibok ng puso ko.

Sana walang magbago. Sana lagi siyang nasa tabi ko. Sana hindi siya magsawa sa akin. Sana hindi siya mapagod. Kasi kapag nagkataon na mapgod siya. Para na rin akong nawalan ng buhay.

"Mga kapatid matuto tayong pahalagahan ang mga tao habang nasa tabi pa natin.. Wag nating hintayin na iwan muna nila tayo bago natin makita ang halaga nila"

Hindi ako makapag focus sa misa dahil katabi ko si Kai at dahil sa din naiirita ako sa mga babaeng nasa harap namin at pasimpleng natingin kay Kai. Sarap dukutin ng mga mata.

"Ang gwapo niya sa malapitan."

"Mamaya pag labas kuhanan mo kami ng picture ah."

"Hingiin mo na din ang number."

Mga piste! Nasa simbahan pa sila lumandi mga hindi na nahiya. Simbahan ito hindi park!

"Kung sakaling nakita nyo na ang para sa inyo... Wag niyo nang pakawalan pa... Kasi kayo lang din ang masasaktan kapag hinayaan mo siyang iwan ka." napatingin ako kay Kai na siya ring nakatingin sa akin. "Hawak mo na, wag mo nang pakawalan pa." Nasa akin na siya. Kaya akin lang siya. Ako ang nililigawan niya. Gusto namin ang isa't isa. Kai, tiis ka lang, sasagutin din kita pero wag ka sanang mag sawa agad.

Natapos ang misa at lumabas na kami ng simabahan. Mataan ko yung mga babaeng nag uusap kanina kaya naman ay ipinulupot ko ang mga kamay ko sa braso niya. Natigilan si Kai sa aking ginawa at saka tumingin sa kamay ko naka pulupot pa din sakanya. Hindi nakaligtas sa mata ko ang ngiting sumilay sa mga labi niya.

"Ay may girlfriend na pala."

"Sayang naman si pogi. Sa pangit pa napunta." mukha mo pangit! Hindi sayang si Kai noh! Kasi nasa akin siya.

Hanggang sa nakalabas ng simbahan ay nakapulupot ako sakanya. Hindi din mawala ang ngiti sa labi niya. Nang mapansin kong malayo na kami dun sa mga babae ay bibitaw na sana ako. Kaso hinigpitan ni Kai ang pagkakahawak ng kamay ko. Parang sinasabi nito na wag akong bibitaw dahil hindi niya kakayanin.

"Woah! Nagsimba lang nag improve agad kayong dalawa ah!" kantyaw sa amin ni Yeonjun. Namula ang pisngi ko na mas ikinatawa nila. Tumalim lang ang mata ni lola sa akin at ngumisi naman si lolo.

Yumuko ako ng bahagya ganun din si Kai. Parehas namumula ang aming pisngi dahil sa mga pinsan niyang walang tigil sa pang aasar sa amin.

Natigilan ako ng may narinig akong click ng camera kaya naman ay nag angat ako ng tingin at nakita si lola Feli na hawak ang cellphone niya habang nakangisi pa!

"Bagay talaga kayong dalawa. Oh halika na! Nagugutom na kaming mga lola niyo." binalingan niya si lola at saka may binulong. Tumango naman si lola kay lola Feli. Mukhang may plano silang dalawa ah! Dahil na rin sa uri ng ngiti ni lola Feli.

Sumakay kami sa van at saka nagtungo sa bahay ng mga Villanueva. Dito daw kami kakain ng pananghalian. Ito ang gusto ni lola Feli para naman daw makapag usap sila ni Lola ng kung ano ano.

Masayang natapos ang tanghalian namin. Nasa garden naman sina lolo at lola kasama si lola Feli na ayaw pakawalan si lola.

Andito naman kami sa Pool area dahil maliligo na anman ang magpipinsan. Naalala ko pa kung pano sila nagtatawanan dito tapos biglang dumating si Kaycee. Yung lipstick sa labi ni Kai. Kumirot ang puso ko dahil sa aking naiisip.

"Ang lalim na naman ng iniisip mo. Mind telling me?" binalingan ko ng tingin si Kai na naka upo sa tabi ko. Umiling ako sakanya at saka bumalik ang tingin sa pool kung nasaan ang mga pinsan niya.

"Hey! Lovebirds! Tara na!" umiling ako kay Soobin. Wala akong damit! Ayoko namang umuwi ng basa noh! Hindi rin humalo sakanila si Kai at tinabihan lang ako dito.

Sana ganito na lang lagi. Yung nakikita ko silang masaya, kasi masaya na din ako dun. Yung walang problema. Sana lagi na lang masaya. Yung wala nang luha na lalabas sa aming mga mata. Sana nasa tabi ko lang lagi si Kai. Sana hindi siya mag sawa. Sana di na ito pa matapos.

Chasing Love (Villanueva Series #1)Where stories live. Discover now