11

148 13 9
                                    

Vote. Comment. And enjoy reading
Chasing Love
-Elay Biares

 And enjoy reading Chasing Love-Elay Biares

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Gusto kita

Dinala ako ng magpipinsan dun sa punong tinambayan naming noong inaway din ako ni Kaycee sa cafeteria. Ang mukha ni Kai ang umaapoy sa galit. Galit din ang mukha ni Yeonjun pero hindi naman ganon kahalata.

"I told you to be careful Stephanie." frustrated na sabi ni Kai. Eto ba yung sinabihan niya akong mag ingat? Teka nga. Naguguluhan ako!!

"Bakit ba kasi masyado kang mabait at inosente Stephanie? Ni hindi ka man lang nagtaka na yung taong nang bubully sayo ay nagsorry bigla." inis na sabi sakin ni Yeonjun. Teka may alam ba sila sa nangyari. Pero sinadya ba talaga ni Kaycee yun? Gusto niya ba talaga akong saktan? Mas napahagulgol ako ng iyak kaya lumapit sakin si Kai para yakapin ako.

"Tama nga ang kutob ko na mangyayari ito." sabi naman ni Soobin na tila malalim ang iniisip.

Natigilan ako sandali. May alam sila sa nangyayari!? Kaya ba ganun ang inaakto nila kapag nasa paligid lang si Kaycee? Kaya ba bigla bigla nagbabago ang ihip ng hangin kapag kasama namin siya? May alam sila! Pero hindi nila sinabi sa akin.

Nanag mahimasmasan na ako ay hindi na kami pumasok sa last subject at dahil Villanueva sila ay hinayaan kami nung guard na lumabas.

Tahimik lang ako habang ipinagtahi tahi ko ang mga nangyayari. Inaway muna ako ni Kaycee sa cafeteria bago siya mag sorry sakin noon. Kaya pala ang sama niyang makatingin sa akin. Kaya pala ganun na lang siya makitungo sa akin. Kaya pala. Kasi may plano siya. Pero bakit? Bakit niya yun ginawa sakin? Hindi naman kasi sa nambibintang pero siya siguro ang nagpapakalat ng kung ano anong balita tungkol sa akin. Siya lang ang kilala kong may malaking galit sa akin. Ang sakit lang isipin na yung taong itinuring mong kapatid mismo ang gagawa sayo ng ganito.

"Okay kana ba?" tiningala ko si Kai. May dala siyang mga damit at tuwalya. Okay lang nga ba ako? Impossible niloloko ko lang ang sarili ko kapag sinabi kong oo. Narinig ko siyang bumuntong hininga kaya naman ginawaran ko siya ng ngiti. Yung nga lang hilaw iyon tignan.

Inabot niya sa akin yung damit at tuwalya. Andito kami sa kwarto niya. Iginaya niya naman ako kung asan ang banyo. Pagbukas ng pinto ay salamin agad ang sasalubong sayo kaya naman kitang kita ko ang mapula kong pisngi gawa ng sampal ni Kaycee. Buhaghag naman ang buhok ko at may mga kalmot ako.

"Teka lang ah. Puro pang lalaki kasi ang gamit dito. Papadala lang ako ng pang babae." aalis na sana si Kai para kumuha ng sinasabi niya pero pinigilan ko siya.

"Kahit hindi na. Ayos lang naman sa akin eh." nag aalangan niya akong tinignan. Pumasok na ako ng tuluyan sa banyo at isinara ang pinto.

Malaki ang banyo niya. Mas malaki pa nga sa kwarto ko eh. Hinubad ko ang mga damit ko at saka pumasok dun sa may shower. May bath tub din siya kaso mukhang aksaya iyon sa tubig. Kung ano ang sabon at shampoo niya yun na lang din ang ginamit ko. Kumapit din sakin ang amoy ng bath soap niya. Kaamoy ko na siya.

Nang matapos akong maligo ay nagbihis ako nung damit na ibinigay niya sa akin. May underware ito na kasama at halatang bago pa. Simpleng tshirt at pajama lang ito. Hindi siya mukhang pang babae. At malaki pa sa akin. Siguro kay Kai ito. Nang matapos akong mag ayos ay lumabas din ako ng banyo. Mahapdi ang braso ko dahil sa kalmot ni Kaycee sa akin.

Wala si Kai sa kwarto kaya naman napagdesisyunan ko ding bumaba dahil baka nasa sala lang sila. Hindi naman ako nagkamali. Andun silang lima. Mga naka bihis na ng pambahay na damit. May first aid kit na nakalagay dun sa mesa na nasa tapat nila. Nagpatuloy ako sa pagbaba hanggang sa nakarating ako sa kinaroroonan nila.

"Akin na ang braso mo Stephanie. Gamutin na natin at baka ma infection pa." tumango ako kay Kai at saka inabot nag braso kong may kalmot ni Kaycee. Hindi ako makapag salita ng maayos dahil laman pa rin ng utak ko kung bakit ito nagawa ni Kaycee. Ano kayang dahilan niya?

"Bakit nyo ito ginagawa?" wala sa sarili kong bulaslas. Bakit ko ba iyon natanong?

"Ginagawa ang alin, Stephanie?" kunot noong tanong sa akin ni Soobin. Masyado nila akong pinoprotektahan. Ganito ba talaga sila sa mga kaibigan nila?

"Masyado kayong mabait sakin kahit malayo ang agwat ng estado ng buhay natin." tila hindi nila sineryoso ang sinabi ko sakanila dahil nagawa pang tumawa ni Yeonjun at Soobin. Napangiti naman sina Taehyun at Beomgyu.

"Kaibigan ka namin Stephanie. Sapat na ang rason na yon para gawin namin ito sayo." seryosong ani ni Taehyun sakin. Siguro nga ganun lang yon. Sana hindi sila magbago.

"Kami yun ang rason naman ah! Malay ko ba sa isa dyan. Baka may mas malalim pa siyang rason kesa sa amin." pa inosenteng sabi ni Yeonjun na ikinahagalpak ng tawa nung tatlo. Sinong isa? At anong rason ba?

Umalis silang apat at pumunta sa kanya kanyang kwarto. Nagpatuloy naman si Kai sa paggamot sa sugat ko. Sino kaya ang tinutukoy ni Yeonjun? Si Kai ba? Stephanie, nasambunutan ka lang naging assumera kana.

"Kai, may alam ka ba sa sinabi ni Yeonjun kanina? Kilala mo ba yung isang tinutukoy nila?" napatigil siya sa ginagawa at gumuhit ang gulat sa mukha. May nasabi ba akong mali? Wala naman ah. Nagtatanong lang naman ako.

"Wala. Dont mind them." napanguso ako sa sagot niya sa akin. Siguro may alam siya sa sinabi ni Yeonjun ayaw niya lang talaga sabihin sakin. Tumingin siya sa akin at napabuntong hininga ng makita ang itsura ko. "Fine. Sasabihin ko na sayo sa isang kundisyon." nagliwanag ang mukha ko dahil sasabihin niya na din sa akin. Kaso may kundisyon. Hindi naman siguro malalim yung kundisyon na iyon diba?

"Ano yun?" curious talaga ako. Bahala na kung ano yung rason na iyon. Gusto ko lang naman malaman eh.

"Wag mo akong lalayuan." seryoso niyang ani. Napatingin ako sa maamo niyang mukha. Wag siyang lalayuan? Bakit ko naman siya lalayuan? Naguguluhan na ako ah. Pero tumango na lang ako sakanya. Niligpit niya ang first aid kit at saka binitbit ang bag ko. "Ihahatid muna kita pauwi." tumayo na din ako at sumunod sakanya.

Gaya ng laging nangyayari kapag kaming dalawa lang ay hindi na naman mapakali ang puso ko. Iba talaga ang epekto niya sa akin. Tahimik kaming naglalakad pero nabibingi naman ako dahil sa ingay ng puso ko. Nakarating na kami sa tapat ng bahay at nangati na ang lalamunan kong malaman kung ano man ang dahilan na yon.

,"Ah, Kai." napatingin siya sa akin kaya naman huminga muna ako ng malalim. "Ano na yung sasabihin mo dapat sakin? Yung tinutukoy ni Yeonjun." gaya din ng reaksyon niya kanina ay natigilan lang siya at napatingin sa akin. Bakit ba bigla na lang siya nagkakaganyan?

"Ganto kasi yon. Ako ang tinutukoy nila." hindi niya mapakaling sabi sakin. Kung saan saan napapadpad ang mata niya at iniiwasan nun ang mga mata ko. Siya? Siya ang tinutukoy ni Yeonjun?

"Ano naman ang rason mo? Sabi kasi nila baka daw may malalim kang rason." napalunok siya nang tignan niya ako. Ano bang nangyayari sakanya? Oh baka naman ayaw niya lang sabihin sakin ang rason niya? "Okay lang kung ayaw mong sabihin sa-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang bigla nga akong pinutol.

"Gusto kita." dalawang salita. Pero ang laki ng epekto sakin. Halos magdiwang ang mga lamang loob ko. Nang hihina naman ang tuhod ko. Dalawang salita lang yun pero ganito ang epekto. What more kung yung 3 letter word ang sinabi niya. Hindi ako nakasagot agad at namalayan ko na lang na nasa loob na pala ako ng bahay.

Chasing Love (Villanueva Series #1)Where stories live. Discover now