16.

160 11 8
                                    

Vote. Comment. And enjoy reading
Chasing Love
-Elay Biares

 And enjoy reading Chasing Love -Elay Biares

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

New chapter

Isang linggo na ang lumipas. Isang linggo na puno ng sakit. Pero alam ko namang kakayanin ko. Pagsubok lang ito. Pagsubok na kaya kong lampasan.

"Anak, nakapag empake kana ba?"

Tama ang hinala nyo. Gusto akong isama ni mama sa Maynila upang makapag patuloy sa pag aaral. Nung una ay tumanggi ako. Pero di naglaon, napag isip isip ko na mas magiging maganda ang kinabukasan ko.

"Opo."

Kahapon pa ako natapos mag empake. Ang plano ko ngayon ay pumunta sa mga Villanueva upang magpaalam. Pati na din magpasalamat sa lahat ng mga naitulong nila sa amin.

Nagbihis ako ng aking nakasanayan. Nag ayos ng kaunti at saka lumabas ng bahay. Bukas ang alis namin pa Maynila. Kaya eto na yung chance na makapag paalam sakanila.

Habang papunta ako doon ay nakasalubong ko si Kai. Yung lalaking gusto ko. Kaso iiwan ko. Wala naman akong magagawa doon.

"Kai/Steph" nais kong tumawa kasabay nya ngunit di ko magawa. Dahil ba alam kong iiwan ko sya? At bukas hindi ko na masisilayan ang mga ngiti nya?

Siguro susulitin ko muna ang araw na ito. Dahil alam kong impossible na mangyari ulit ito.

"Oy Steph, ang seryoso naman ata ng mukha mo ngayon. Isang ngiti naman dyan oh." Hindi ko kaya. Hindi ko kayang ngumiti. Ngingiti ako? Para saan? Anong dahilan?

Sinubukan kong gumihit ng isang pilit na ngiti sa aking labi. Sana'y dalubhasa ako sa mga ganitong bagay. Sa pagpepeke ng aking emosyon. Kung sa ganon, hindi sila mag aalala sa akin.

Hindi ko alam kung saan magsisimula. Hindi ko alam kung pano ako makakapagpaalam sakanila. Iniisip ko pa lang nasasaktan na ako. Sila ang naging pinaka malapit sa akin kahit na sandaling panahon lang ang aming pagsasama. Sila ang tunay kong kaibigan.

Nakarating kami sa mansyon ng mga Villanueva ngunit nanatiling tikom ang bibig ko. Ayokong masira ang ngiti na naka paskil sa kanilang mga labi.

"Stephanie, ija. Okay ka na ba? Kapag may kailangan ka andito lang si lola ha?"

I tried not to cry. Pero isang yakap lang nawasak ako bigla. Gumuho sandali ang pader na itinayo ko. Nasira ang pangako ko.

Umiyak ako ng umiyak hanggang sa naramdaman ko ang pagod sa aking mata. Naka tulog ako sa kanyang bisig. At nang magising ako ay gabi na. Oras na para mag paalam. Oras na para iwan sila. 

Bumalik ako sa bahay kung saan nag hihintay ang nanay ko. Sinigurado kong wala akong naiwan bago pumanhik sa kwarto at natulog.

Bukas ay panibagong kabanata. Kailangan ko na atang maghanda.

I blink twice. Naalala ko na naman. Those memories. Those pains. It was happened 10 years ago. But I can still feel the pain.

In those 10 years, andami kong nalaman at natuklasan. May pamilya si mama. Mayroon silang isang anak na lalaki. After a year, nakilala ko ang papa ko. He has a son that is older than me. Si Kuya Manuel. Anak ako sa labas.

But I never felt like im a legitimate daughter. They welcomed me. They make me feel loved. Sa 10 years na yon. Hindi naman ako gaanong nahirapan mag adjust.

I am currently here in Canada, where my father lives. May kaibigan naman ako sa Pilipinas, at meron din dito. Party buddies ko si Marjorie at Aiza. Marjorie lives here in Canada while si Aiza ay sa Pilipinas. Kaso dahil nga spoiled brat si Aiza, sumasama sya sakin dito sa Canada, just to party.

"Hey, Stephanie. You're the one who'll pay beer pong." tinuro ako ni Marjorie. Like what the hell? Wala sa plano kong malasing ngayong araw.

Sa totoo lang, namimiss ko sila Kai. Walang araw na hindi ko siya iniisip. May girlfriend na kaya siya? Oh c'mon Stephanie, 10 years na ang nakalipas simula nung umalis ka ng walang paalam. Of course may girlfriend na yon.

Kasama ko na, pinakawalan ko pa. Wala na akong narinig tungkol sakanya simula nang umalis ako. Wala din kaming konesyon. Iniwan ko kasi sa bahay yung cellphone na binigay nya kung saan nandun ang pwede naming connection sa isa't isa.

"Shot! Shot! Shot!" oh god! Di ko na kaya. Umiikot ikot na ang paningin ko yet di pa din tapos ang laro. 

"Steph, you kay?" umiling ako kay Marjorie. I have a low tolerance when it comes to alcoholic beverages. Hindi naman ako kagaya nila Marj at Aiza, na kahit madami na ang naiinom ay nakatayo pa din. 

Pinalitan na ako ni Marj sa Beer pong. Habang inalalayan naman ako ni Aiza. These two! Bakit hindi pa din sila nalalasing?

Pagka upo ko ay umalis agad si Aiza. Minutes later tapos na din maglaro si Marjorie. And just like what I've expected. Marjorie is kissing random guy. While Aiza? Nevermind, she's making out with someone. Ako? Wala, naka upo lang. 

"Hey, Stephanie. Your hottie brother is outside. Ask him if he needs a Girlfriend. Im one call away." I nodded in response.

"Stephanie!" namulat ko agad ang mata ko nang marinig ko ang malamig na boses ni Kuya Manuel. Lagot na. Kahit nahihilo, dali dali akong tumayo para lumapit sakanya. Marjorie stop kissing with the guy- whom I don't know. So does, Aiza.

"Hi my dear brother. HAHAHAHAHA" umiling si Kuya at saka pinasan ako. Na parang sako. Uh-oh. Someone is going to scold me. 

Pagka sakay na pagka sakay namin sa kotse ay tentenenen. Heto na po.

"Ano bang nangyayari sayo Stephanie? I told you to hang out sometimes. Pero wag naman yunng ganito. Pano kung abusihin nila ang pagiging lasing mo? Fuck! I think mas mauuna akong tumanda kay Daddy." hihi looks like someone is frustrated right now. Stress na stress na ang lolo nyo.

10 years had past. At ang laki na ng pinagbago ko. Im not the same girl anymore. Madami akong natutunan. At mas lalo akong namulat sa mundo kung saan dati akong bulag.

Nadapa ako, pero natuto pa din akong  tumayo. Nagkamali, pero handa akong gawin iyong tama. Kasi sa bandang huli. Sarili ko lang ang meron ako. Walang mananatli sa tabi ko, maliban sa sarili ko.

Im tired on depending on someone. Im tired on waiting for someone. This time, ako na ito. Di ko na kailangan ng tulong ng iba.

Tumahimik na si Kuya nang mapansin na hindi ako naapektuhan sa sermon nya. Sa toto lang, I miss my old life. I miss the old me. Kaso, walang sinoman ang pwedeng magbalik ng nakaraan.

What happened in the past, will stay in the past. Kung sino ako noon, iba na ako ngayon. Pero isa lang ata ang hindi nagbabago. Hinahanap hanap pa din ng sistema ko si Kai.

This is a new chapter of my life. Dapat kung ano ang meron ako noon, iba na ngayon. New chapter. New life. New me.

Chasing Love (Villanueva Series #1)Where stories live. Discover now