9

142 13 6
                                    

Vote. Comment. And enjoy reading
Chasing Love
-Elay Biares

 And enjoy reading Chasing Love -Elay Biares

Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.

Lipstick

Sasabog na ata ako sa kilig dahil sa pagbanat ni Kai sakin kanina. Hindi ko kasi ito inaasahan. Ang inaasahan ko ay yung maiinis siya dahil sinabihan ko siya ng baliw.  Naka upo lang ako habang naliligo silang lima. Ang saya nila tignan ngayon.

"Sir may bisita po kayo." Nagkatinginan silang magpipinsan at saka rin ibinalik ang tingin sa kanilang katulong tinanguan nila ito kaya naman umalis na ito agad. Nagtataka pa rin sila kung sino yung bisitang tinutukoy ng kanilang katulong.

"Stephanie, baka naman lola mo iyon at hinahanap kana." ani ni Yeonjun. Hindi. Hindi iyan si lola. Mag aalala yun pero alam niya namang andito lang ako at alam niyang safe ako dito. Natigil kami sa pag iisip sa kung sino ang bisita na tinitukoy kanina ng biglang may sumulpot dito sa pool area dala ang matinis niyang boses.

"Hi everyone!" it was Kaycee. Naka suot siya ng shorts short at hanging blouse na sleeveless. Napawi agad ang emosyon sa mukha nilang lima. Heto na naman sila. Mga weirdo na naman. Hindi naman kasi nila sinasabi sa akin yung dahilan.

"Bihis na ako. Wala na akong gana." biglang sabi ni Kai nang tumabi na ng tuluyan sa akin si Kaycee. Pag ahon ni Kai ay biglang kuminang ang kanyang mga mata.

"Holy shit! What a wonderful sight!" bulong niya na narinig ko naman. Sa isang iglap ay halos umusok na ang aking ilong. Bakit kaya hindi ko gusto ang pinagsasasabi niyang ganyan?

Lumihis ang aking tingin at hindi na binalingan si Kaycee dahil sa pagka irita. Sakto namang pagkalingon ko ay ang pag angat ni Kai paalis sa pool. His muscles moved at kitang kita ko ngayon ang abs niya. Jusmiyo! Ang birhen kong mata!!! Gustuhin ko mang umiwas ng tingin ay napako ang tingin ko sakanya. Para siyang si adonis. Pwede ko bang hawakan yang abs niya? Jusko!! Nagiging mahalay kana Stephanie Ellaine!!

Napalingon bigla sa gawi ko si Kai at ngumisi na para bang sinasabi na nahuli niya akong nakatitig sakanya. Lumapit siya sa gawi ko na ikinatigil ko. Sa aking gilid nakikita ko ang mata ni Kaycee na sisiklab sa galit. Tumigil si Kai kakalakad ng tuluyan na itong nakalapit sa akin. Yumuko siya kaya palapit ng palapit ang mukha niya sa akin. Napalunok ako at pilit na pinapakalma ang puso ko.

"I saw it. I saw how you stare at me. And I like it, so damn much." bulong niya with husky voice. Wooh!! Hangin! Kailangan ko ng hangin! Napalunok ako ulit at nakahinga ng maluwag nang lumayo na siya sa akin. Kinuha niya lang ang tuwalya sa likod ko. Tumalikod na siya at saka naglakad papasok ng bahay nila.

Binalingan ko si Kaycee na sobrang talim ang tingin sa akin. Inis siyang tumayo at tuloy tuloy na pumasok sa bahay ng mga Villanueva. Hindi ko alam kung saan siya pupunta pero may daan naman don papunta sa main door ng bahay.

Muling nagtawanan ang magpipinsan dahil may ginawang kalokohan si Yeonjun kay Soobin. Bumalik yung awrang nakasanayan ko hanggang sa bumalik din si Kai at hindi ko na ulit napansin si Kaycee na pumasok. Umuwi na siguro.

Mukhang wala sa mood si Kai nang makapunta siya dito sa tabi ko. Pinagmasdan ko siyang maigi at don ko napansin yung pula sa labi niya. Babae ako kaya alam ko kung ano iyon. Lipstick. May stain ng lipstick ang labi niya.

D-did they kiss? Kumirot ang puso ko dahil sa sarili kong iniisip. Naka impossible naman kasing katas ng prutas o ewan. Tinitigan ko siyang maiigi nang tuluyan siyang naka upo sa tabi ko. Hindi nga ako pwedeng magkamali ganyan din ang lipstick na suot ni Kaycee kanina. May kung anong kumurot sa puso ko dahil sa mga iniisip ko. Eh ano naman ngayon kung naghalikan sila? Sino nga ba naman ako sa buhay ni Kai? Teka, n-nagseselos ba ako?

"Ano yon?" may ngisi sa kanyang labi habang tinatanong ito. Napansin na niya siguro na nakatitig ako sakanya. Mula sa kanyang mata ay bumaba ang tingin ko sa labi niya. "Do you want a kiss?" napalunok ako dahil sa tanong niya at mabilis akong umiling. Paano niya naman nasabing gusto ko ng halik? Tss, si Kaycee baka gusto pa ng halik galing sakanya. "Then what is it?" nanunuya niyang sabi sa akin.

"May ano.. May ano yung ano mo." bakit ka naman naman na uutal Stephanie? Nahihiya ka ba? Haynaku!

"May ano yung ano ko?" natatawa niyang tanong aa akin. Inaasar niya ba ako? Alangan naman kasing sabihin ko ng direkta na nag iwan ng marka yung halikan nila kanina ni Kaycee? Pero kailangan mo ding sabihin Stephanie para matanggal na niya na yung pula na kinaiinisan mo. Pero di naman ako naiinis ah! Sige makipagtalo ka sa sarili mong konsensya.

"May pula sa labi mo." mabilis na nawala ang emosyon sa mukha niya at inis na pinunasan ang kanyang labi. Dapat pala ako na lang nagtanggal nun! Hala nalandi kana Stephanie ah! 

Napatingin sa amin ang mga pinsan niya na nagtataka. Nagsi ahon ang mga ito at tinapik ang balikat ni Kai. Tumango lang si Kai at wala nang sinambit na kahit anong salita sa mga pinsan niya. Maya maya pa ay tumayo na ito at naglahad ng kamay sakin.

"Tara na. Ihahatid na kita." tinggap ko ang kamay niya para makatayo. Nang magtama ang mga palad namin ay nakaramdam ako ng kuryente na dumalyo sa akin. Meralco ba siya?

Naglakad kami papasok ng bahay para kunin ang bag ko doon sa sala nila. Napadaan kami sa mga katulong na hindi nalalayo ang edad sa amin na kinikilig.

"Bagay talaga sila."

"Haynaku! Kung ako sakanya babakuran ko na si Sir."

"Sana maging sila noh?"

Namula ang aking pisngi sa aking narinig. Nakatingin ang mga ito sa aming dalawa ni Kai. Ako nga ba ang tinutukoy nila o nakita nila si Kaycee nung naghahalikan sila ni Kai? Agad kong nalasahan ang tabang dahil sa mga pinag iisip ko.

Pagkadating namin sa sala ay kukunin ko na sana ang back pack ko pero inunahan niya ako. Kinuha niya ito at saka isinabit sa kanyang balikat. Lumabas kami ng bahay nila. Napatingin naman samin ang mga trabahante nila nang makadaan kami. Puno ng paghanga ang kanilang mga mata habang nakatingin sa amin kaya naman ay nahihiya akong yumuko para di masalubong ang kanilang tingin.

Nakalabas na kami doon at tinatahak na ang daan papunta sa bahay. Tahimik kaming dalawa at walang ni isa ang sumubok na sirain ang katahimikan na iyon. Malakas ang kabog ng dibdib ko. Ganito ito lagi kapag malapit lang sakin si Kai. Kailangan ko na bang magpatingin sa doktor? Kaso wala kaming pera pangpa check up.

Nakarating kami sa tapat ng bahay na wala man lang nagbalak na magsalita. Ang awkward naman kasi. Nakita ko ang pruweba na naghalikan sila ni Kaycee. Oh ano naman ngayon Stephanie? Nagseselos ka naman? Ano ba naman yan! Hindi ako nag seselos. Hindi ako nagseselos, kay?

"About what you saw–" hindi ko na siya pinatapos at dinugtungan ko agad ang gusto niyang sabihin.

"Oo na. Kunwari na lamg ay wala akong makita. Ililihim ko na lang yung nakita ko." binigyan ko siya ng hilaw na ngiti. Bigla na lang siyang natigilan at parang nalanta na lang bigla. "Sige na umuwi kana. Baka hinihintay kana ng mga pinsan mo." kumaway ako sakanya saka pumasok sa loob ng bahay. Gaya ng lagi kong nakasanayan, walang tao.

Pumasok ako sa kwarto ko at doon tumulo ang luha ko. Bakit ba ako naiyak? Bakit ako nasasaktan? Ano bang problema ko? Wala naman akong karapatang magselos diba?

Chasing Love (Villanueva Series #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt