15

145 10 1
                                    

Vote. Comment. And enjoy Reading Chasing Love
-Elay Biares

 And enjoy Reading Chasing Love -Elay Biares

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.


Huling iyak

Oras pa lang ang lumipas mula nang nakita namin si lolo na duguan at wala nang buhay. Mugto ang mata ko habang nahagulgol naman ng iyak si lola sa tabi ko.

Isinugod ng mga Villanueva si lolo sa ospital kahit na alam naming wala na talagang chance na mabuhay siya.

Dahil nga oras pa lang ang lumipas ay hindi pa din namin tanggap na wala na talaga si lolo. Na hindi na naman ulit maririnig ang tawa nya. Hindi na namin makikita ang mga ngiti nya. Yung init ng yakap nya. Wala na. Wala na talaga siya. 

"Stephanie, yung lolo mo.. H-hindi ito totoo diba? G-isingin mo nga ako. P-anaginip lang ito eh." I sob while hearing lola. Ang sakit sakit. Parang may kutsilyo na natusok sa puso ko.

Kung alam mo lang 'la na yan din ang iniisip ko. Na panaginip lang ang lahat. Na isa itong bangungot. Na hindi ito totoo. Kaso 'la sinasampal na tayo ng katotohanan. Yung kabaong ni lolo ang nasa harap natin.

Tumayo si lola at saka lumapit sa kabaong ni lolo kaya sinamahan ko din sya. Natatakot dahil baka atakihin sya sa puso. Hindi ko na kakayanin pa kapag pati sya ay nawala.

"Hoy. Bumangon kana dyan. Mangingisda ka pa. Di pa nga nakakapagtapos ng high school natin natulog kana agad" pagka usap ni lola sa harap ng walang buhay na katawan ni lolo. "Akala ko ba sabay tayo? Pangako mo iyon diba?" hindi na kinaya ng puso ko kaya't napaiyak na din ako habang yakap ko si lola.

"Lo, diba sabi mo ikaw magsasabit ng medalya ko? Gising kana lo. Yayaman pa tayo eh. Papatayuan ko pa kayo ni lola ng palasyo diba?" pinunasan ko ang luha sa aking mata ngunit mayroon pa ding patuloy na umaagos doon.

Bumalik si lola sa aming upuan at saka muling tumingin sa kawalan. Para syang nakikipag titigan sa hangin. Mas lalo akong napaiyak habang pinagmamasdan si lola.

Halatang mahal na mahal niya si lolo kahit na lagi silang nag aasaran. Halatang sa sobrang pagmamahal nya kay lolo hindi nya matatanggap na wala na ito. Kahit naman ako. Hindi ko kayang tanggapin. Pero wala naman akong magagawa doon. Nangyayari ang natakdang mangyari.

Hating gabi, wala nang tao bukod sa amin ni lola. Babalik daw bukas ang iba. Kaya heto pa din kami ni lola nakikipag titigan sa hangin. Nalipad ang utak sa kawalan.

Tumayo ako at saka pumunta sa kusina upang mag timpla ng kape. Sumaglit ako sa kwarto nina lolo at lola. Muling kumirot ang puso ko. Lumapit ako sa litrato nina lolo at lola kung saan ay parehas silang nakangiti.

Naamoy ko si lolo dito. Kaya mas lalo akong naiyak. Miss ko na siya. Yung tawa ni lolo. Yung mga ngiti nya. Ang sermon nya. Lahat lahat. Mamimiss ko iyon.

Muli akong bumalik sa kusina para kunin ang kape ko. Nang pabalik nako sa upuan ay narinig kong may kausap si lola. May nakita akong babae sa harap ni lola, nakayuko na tila malaki ang naging kasalanan nya kay lola.

"Jusko naman Senaya! Ilang taon na ang lumipas ngunit ngayon ka lang nagparamdam? Nalimutan mo na ata na may anak ka na nasa puder namin ng tatay mo!"

Dala ng gulat ay nabitawan ko ang hawak kong tasa. Anak? Ako ba ang tinutukoy ni lola? Siya na ba ang mama ko? Siya na ba ang babaeng matagal ko nang hinihintay?

Napatingin sa gawi ko sina lola pati na din yung babaeng tinawag nyang Senaya.

"Ma, sya na ba si Stephanie?" lumapit ito sa akin at saka hinaplos ng marahan ang aking pisngi. "Ang laki mo na, anak." may luhang tumulo sa kanyang mga mata. Kumislap ito na tila ba na masaya siyang nakita akong muli.

Ma? Bakit ngayon ka lang? Bakit ngayon ka lang bumalik? Bakit ngayon ka lang nagpakita muli? Bakit?

Maraming tanong ang nabuo ng isip ko pero hindi ko ito kayang banggitin sakanya. Walang salita ang makalabas sa bibig ko. Nagmistula akong isabg pipi sa harap niya.

Inalis ko ang kamay nya at saka tumakbo palabas ng bahay. Umupo ako sa duyan na gawa ni lolo para sa akin. Nakaharap ito sa dagat kahit medyo malayo.

Dun ako umiyak nang umiyak. Umiyak ako dahil sa sakit ng pagkawala ni lolo. At sa galit kung bakit ngayon lang bumalik ang nanay ko. Yung iyak na tila ba walang bukas. Yung iyak na nawalan na ng pag asa.

"Ma! Mama!! Ma gumising ka!"

Napatigil ako sa pagiyak ng marinig ko ang sigaw nung Senaya. Dali dali akong bumalik sa loob ng bahay. Tumakbo ako papalapit kay lola at saka inagaw sya sa mama ko.

"La! La gising! La!" niyakap ko si lola havang naiyak. "La naman gumising kana! La hindi magandang biro ito! La, parang awa mo na!" humagulgol ako ng todo. "La wag mo akong iwan. Di ko kaya na wala kayo la."

Iyak ko lang ang naririnig sa oras na ito. Ang pag iyak ko nang sakit na nararamdaman ko. Yung sakit na parang kalahati sa pagkatao ko yung nawala.

Kinaumagahan. Bumalik ang mga tao at bakas sa mukha nila ang gulat. Sino bang hindi? Nung unang punta nila ay isa lang pero ngayon dalawa na ang paglalamayan nila.

Andito lang ako sa dalampasigan malapit sa bahay at hindi ako nagtangkang pumasok sa loob. Di ko pa kaya. Dahil di ko pa din tanggap. Sobrang sakit nung nangyari ngayon.

Muli akong umiyak nang maalala ko ang masasayang ginawa namin dito noon nung bata pa ako.

Yung alaala na kung saan ay sinasabayan nila ang mga kalokohan ko. Yung naghahabulan kami sa dalampasigan. Yung pagbuo ng sand castle.

Muling tumulo ang luha sa mga mata ko. Yun na lang eh. Hanggang alaala na lang ang lahat. Alaala na alam kong hindi ko na muling mababalik.

Umiyak ako ng umiyak na parang wala nang bukas. Lolo, lola, alam kong ayaw nyong naiyak ako. Kaya ipapangako ko sainyo sa abot ng makakaya ko. Ito na ang magiging huling iyak ko.

Chasing Love (Villanueva Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora