Magkadugo 5

77.9K 2.3K 427
                                    


Chapter 5
Umalis Kana

Bawat araw palagi kong nakikitang nag aaway si mama at papa. Palaging wala si kuya kung umaga at may gig sa gabi kaya hindi niya ito alam.

Palagi rin niyang dinadalaw si ate Anna. Nagpapagaling ito sa bahay nila. Bawal ito sa mausok, kaya minsan lang makalabas.

Alas otso nang gabi nasa sahig ako at nakatakip sa magkabilang tainga ang kamay.

"Bakit Alfonso?! Bakit?! Hindi ka ba naawa sa pamilyang ito? Mahal na mahal kita Alfonso! Huwag!"

Naririndi ako sa sigaw ni mama habang pinipigilan si papa. Tumayo ako at sumilip sa pinto at nakitang buhat buhat ni papa ang dalawang maleta.

Iiwan na niya kami. Dinudurog ang puso ko na makita ang ina na nakalambitin sa hita ng ama. Paano ba nangyari ito? Nasan na iyong perpekto at tahimik na pamilya namin noon?

"Ano ba Mona! Bitawan mo'ko!"

"Alfonso hindi! Huwag mo kaming iwan!"

Tinakbo ko ang ina at hinila sa pagkakayakap kay papa. Sinamaan ko ng tingin ang ama kahit puno ng luha ang aking mga mata.

"Umalis kana! Huwag na huwag ka nang bumalik! Sa oras na lumabas ka ng pamamahay na ito wala ka nang babalikan papa!"

Hindi ito makapagsalita.

"At ito ang huling pagkakataon na tatawagin kitang papa. Dahil simula ngayon wala na akong ama."

Namumuot ang puso ko ng maalala ang mga nakalipas na gabing sinasaktan niya si mama at ang madalas na pag away nila kuya dahil doon. Lumayo ang loob ko sa kanya.

"Ara! huwag kang magsalita ng ganyan!"

"Hindi ma! Dapat lang! para atleast, kahit sa salita makaganti tayo diba? kasi kulang na kulang pa ang ilang libong mura sa pambabae niya mama. Kung hindi ka naawa sa sarili mo maawa ka sa amin."

Tinalikuran ko sila. Parang gusto ko nalang umalis at kalimutan ang mga nangyari. Parang isang masamang panaginip na gusto kong magising.

Kinabukasan hindi maaga akong nagising. Ramdam ko ang mabigat at namamaga kong mata. Nabungaran ko si ate Anna sa sala.

Napangiti ako. "Hello ate! Sinong kasama mo?"

Ngumiti siya sa akin. "Ang kuya mo. Nag-uusap sila ni mama mo ngayon e."

Natahimik ako at tila alam rin ni ate. Mukhang hindi lang siya kundi ang buong barangay namin.

"Ara, kung may gusto kang sabihin puwede mo akong kausapin ha? Nandito lang ako."

"Salamat ate, pinipilit ko maging matibay para kay mama."

"Dapat lang kasi alam mo kayo kayo lang rin ang makakatulong sa isa't isa. Basta kung kailangan mo ng kausap nandito lang ako."

Mula sa itaas nakita kong bumaba si mama at kuya. Si kuya malamig lang ekspresyon niya at tila hindi apektado sa paglayas ng ama namin. Pero alam ko na galit siya pero piniling maging tahimik.

Hindi kasi masusolbar ang isang problema kung dadagdagan pa ng isang problema.

"Ara." Umupo sila mama at kuya sa harapan namin ni ate.

"Sasama ka sa kuya mo sa probinsya."

Nangunot ang noo ko.

"Ikaw ma?"

Nagkatinginan sila kuya. Si kuya nakatingin lang sa akin. Hindi ko matantiya ang iniisip niya.

"Mananatili muna ako dito. Ang daming gagawin sa school ngayon bago magpasukan. Tsaka, sandali lang kayo doon at kailangan mo pang mag enrol sa Unibersidad na pinapasukan ni kuya mo. Kaya kailangan kong magtrabaho."

MAGKADUGO (COMPLETED) SOON TO PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon