Magkadugo 10

80.2K 2.7K 1.2K
                                    

Chapter 10
Akin Ka Ara

"Saan ka magka-college kung 'ganon?" Tanong ni Saymon sa kabilang linya.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa ibaba. Nagkakape si ate at kuya.

"Kung saan si kuya nag-aaral."

"Sa Monreal Catholic College?"

"Yep!"

Narinig ko ang pagpitik ng mga daliri nito. "Sakto, malapit sa amin! Mahahatid sundo kita."

"Di na kailangan no.."

"Ara seryoso ako sa panliligaw saiyo.."

Binalik tanaw ko ang kinaroroonan nila kuya. Nakatingin na ito sa akin habang sumisimsim ito sa kanyang kape.

"Tingnan natin Saymon.."

Kinabahan ako bigla at itinago ang aking cellphone. 'Di alam ni kuya na nakikipagtext na ulit ako kay Saymon. Tsaka ,nadagdag ko na rin dito ang ibang cellphone number ng mga classmates ko.

Bumaba ako at nakita si lola Lourdes na naglalapag ng bilo bilo sa mesa.

"Wow, magtitinda kayo lola?" Nillagay nito sa dalawang basket.

"Oo, may palabas ngayon sa plaza. Magtitinda ako doon ng palamig at pagkain."

"Sama ako lola!"

Ngumuso ito at tiningnan ako. "Sigurado ka? Baka mabagot ka doon."

"Hindi po! Sandali lang magbibihis ako lola.."

Nagbihis ako ng puting t shirt at short. Nakabihis narin si lola pagbaba ko. Hindi ko na inabala pa sila ate at kuya.

Mainit sa plaza pagdating namin. Inayos namin ni lola ang aming puwesto sa lilim ng puno. Inaayos ko ang malapad na payong habang si lola at nag aarrange ng mga biscuit, bilo bilo, puto mga mineral water at marami pang iba.

Inayos ko sa di-kalakihang cooler ang mga mineral at softdrinks. Nang may tumawag sa akin.

"Oh Lando! Ikaw pala yan!"

Si lola habang nakaupo na sa kahoy na upuan. Halong lalaki at babae ang grupo nila Lando.

"Opo lola! Manonood kami ng parada! Pabili naman po.."

Ngumiti ako at binigay sa kanila ang kanilang binili. Nagbigay ito ng five hundred pesos.

"Wala pa kaming barya e." Napangiwi pa ako.

" Hindi keep the change na."

"Nakakahiya naman hijo."

"Hindi lola, diyan na po iyan.."

Marami kaming naibenta ni lola maghapon. Halos wala naring laman ang cooler at ang mesa.

"Wow! Ang dami na nating pera lola!"

"Ayan two hundred oh.." Tiningnan ko lang ang perang nakabitin sa kamay ni lola. Tinulak ko iyon pabalik sa kanya.

"Lola huwag na. May pera pa ako tsaka mas kailangan niyo yan sa gamot niyo."

Ngumiti ito at hinaplos ang aking pisngi.
"Mana ka talaga sa kuya mo Ara.."

Umiwas ako nang banggitin niya si kuya. Ang pag iwas ko ang siyang pagkita ko kay Lando na nasa harapan namin ni lola.
Kumakamot ito sa kanyang batok at tila nahihiya.

"Uh, lola Lourdes,puwede po bang ipasyal muna si Ara lola?"

Napataas ang dalawa kong kilay.

"Aba'y oo naman! basta naman iuwi mo ang apo ko ng walang galos at buo. Pero nasa kanya parin ang desisyon hijo kung sasama siya saiyo.."

MAGKADUGO (COMPLETED) SOON TO PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon