Magkadugo 24

68.1K 2.2K 486
                                    

Chapter 24
My First

Mag isa akong nakatayo sa waiting shed. Tulala, hindi maproseso ng aking utak ang mga nangyayari. Handa ba akong isuko ang nararamdaman?

Kung magpaparaya ako, hindi ko masisira si kuya. Wala akong maaagrabyado. Kung hindi ako magpaparaya sa nararamdaman,marami akong masasaktan at mapapahamak. Alam kong masasaktan ako ng sobra, hindi lang ako kundi si kuya.

Ano bang dapat kong gawin? Ba't ang hirap mamuhay sa mundong ito?

Humakbang ako palabas ng waiting shed at napag isipang maglakad lakad. Gusto kong mapag isa at yakapin ang kalungkutan na nararamdaman.

Bumuhos ang patak ng ulan sa aking balat. Napatingala ako sa makulimlim na kalangitan. Imbes, ay mapait akong ngumiti sa kalangitan.

"Bakit ka nagpapaulan?" Napapitlag ako ng marinig ang isang boses sa aking likod.

"Sky!"

"Tss.." umirap ito at hinila ako pabalik sa shed. Kapwa na kami basa ng ulan.

Namangha ako sa pagsisinuplado nito sakin. Kaya hindi ako makapagsalita. Nakatulala lamang ako.

Pumara ito ng isang trycicle.

"Teka, saan mo'ko dadalhin?"

Tiningnan lang ako nito. Hinubad niya ang kanyang polo at binato sakin.
Ang rude niya talaga!

"Suotin mo.."

"Pero, saan tayo pupunta?"

Hindi ito sumagot na inirapan ko nalang. "Nasaan sina Niko at Andre?"

"Nakauwi na."

"E' ba't nandito kapa?"

"Tss..ang dami mong tanong."

Gawd! Sanay naman ako na tahimik siya. Pero di ko alam na ganito siya katipid magsalita talaga kapag kakausapin! Nakakausap ko naman siya at nagsasagot siya ng matipid, sanay naman ako. Pero, iba talaga kapag dalawa nalang kayo ang mag usap. Parang gusto mo nalang siyang ihagis sa labas kasi walang kwentang kausap.

Tumaas ang kilay ko ng huminto ang traysikel sa isang Ice Cream Parlor.

"Mag iice cream tayo?!" naeexcite na ako at hinarap siya.

"Obvious Ara..obvious.."

This time ako naman ang umirap at "Tsss..."

Nilalantakan ko ang ice cream na mango flavor habang siya ay chocolate flavor.

"Wa'g kang paapekto sa usap usapan. Mag focus ka sa pag aaral." biglang sabi nito na hindi tumitingin.

Hindi ako nagsalita.

"Narinig ko kayo kanina ng kaibigan ni Santi."

Humina ang pagkain ko ng ice cream.

"Mag focus kalang sa pag-aaral. Minsan kailangan rin natin pairalin ang utak kaysa puso."

Humugot ako ng hininga.

"Hindi kapa kasi nagmahal kaya mo yan nasasabi Sky."

He smirked. "Trust me, ngayong lang ako nagmahal at hindi ko alam kung paano mamahalin ang tanong hindi akin.."

Hinatid ako ni Sky sa bahay hindi na siya nag atubiling pumasok. Pagkapasok ko ng bahay ay nakita ko si papa na nagluluto.

Pawis na pawis ito at halatang nahihirapan sa pagprito. Hindi siya sanay sa trabahong pambahay, kaya mahiwaga sakin ang makita siyang nagluluto.

MAGKADUGO (COMPLETED) SOON TO PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon