Magkadugo 8

79.8K 2.7K 775
                                    

Chapter 8
Kweba

Matayog na ang sikat ng araw nang magising ako. Nakaukit parin sa aking isipan ang mga nangyari kagabi. Pagkatapos 'non natulog lang siya na parang walang nangyari.

Napabalikwas ng biglang may kumatok ng malakas sa pinto. Wala narin si kuya Santi. Sanay magising 'yon ng maaga.

"Ara! gumising kana! Manonood tayo ng basketball!"

Narinig kong sigaw ng aking pinsan kaya kahit tamad napilitan akong bumangon at maligo.

Sa mesa nadatnan ko ang aking dalawang pinsan na kumakain na.

"Oh Ara, nauna ka palang nauwi kagabi?"

"Oo e. Nahanap ko si kuya Santi."

"Pagkatapos niyong gumala samahan niyo ako sa batis ha? Maglalaba tayo doon." sabi ni lola Lourdes.

Nakagawian na ng mga tao dito ang maglaba at maligo sa batis. Ang batis dito ay napakalinaw at malinis.

"E di'ba lola maraming ahas doon?"

Humalakhak si lola at nilapag sa mesa ang aming milo at may kasamang pandesal. Sinawsaw ko sa milo ang pandesal at kinain.

Nakakamis to!

"Anong ahas?! Ang mga ahas ay iyang mga kapit bahay natin." humalakhak pa ito. "Asawa na nga ng isa e aahasin pa rin. Grabeng makamandag ngayon ang mga ahas!"

Napakamot sa ulo si Lara ,mukhang di makuha ang ibig sabihin ni lola.

Biglang natahimik nang pumasok si kuya Santi. May buhat na isang sako bigas. Wala itong damit pang itaas. Kumikinang ang abs nito dahil sa pawis. Bawat galaw niya ang isang pag-igtingan ng mga muscles nito.

Napaiwas ako ng tingin ng maalala ko 'yong kagabi. Kinakabahan ako sa sariling tibok ng puso ko. Mukhang naging abnormal na yata to.

"Saan ko 'to ilalagay lola?"

"Lapag molang diyan Lior! At mag almusal kana."

Nilapag niya ang sako ng bigas. Bigla kong naamoy ang kanyang natural na bango. Natanto ko na nasa likod ko siya.

"Kuya, manonood kami ng basketball niyo."

"Sino kasama niyo?" Humawak ito sa likod ng silya ko. Kinuha nito sa aking kamay ang pandesal na may kagat ko at nagsawsaw sa milo ko.

Napalunok ako ng kinain niya iyon.

Shit....

"Kami po ni Lara, at Ara kuya.." Si Kathlyn ang sumagot.

"Sige , basta huwag kayong malikot doon ah."

"Yes kuya Santi!"

Silang dalawa lang ang sumagot habang ako nasa milo ang tingin at hindi makamove on.

Sumakay kami sa trysikel papuntang gym nila dito. Medyo may kalayuan pero nag-enjoy ako kakatingin sa mga bundok at kalabaw.

Nakalambitin sa aking braso sina Lara at Kathlyn habang papasok kami ng gym. Si kuya Santi nasa likod namin at sumsununod. Hindi ko siya kayang kausapin muna.

Papasok ng gym ay may tindahan sa gilid ng gate. Bigla akong nauhaw nang makakita ng coke doon.

"Gusto mo niyan?" Si kuya na nasa likod ko. Hindi ko namalayan na tumagal ang titig ko sa coke.

Umiling ako. "Huwag na kuya. Kailangan natin magtipid."

Umiling ito at nilabas ang pitaka. Oo nga pala, may kinikita ito sa pag gigig sa Bistro.
Kahit maliit , nakita ko paring nasa loob ng wallet niya ang picture ni ate Anna.

MAGKADUGO (COMPLETED) SOON TO PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon