Magkadugo 20

69.2K 2K 290
                                    


Chapter 20
Mama


Matapos maaberya sa gilid ng madilim na daan, naayos ni kuya ang sasakyan niya. Kumain kami ng ramen sa isang mamahalin na Restaurant.

Napatingin tingin ako sa paligid ng magarbong resto. "Kuya, masyadong mahal naman dito."

Nasa harapan ko siya at nakataas ang kilay. Nagsisinuplado na naman ito sa tuwing kakausapin ko siya.

Napatingin tuloy ako sa limang plastik ng napkin sa gilid ko. Pagkatapos kaming bumili sinamahan niya ako sa comfort room magpalit ng napkin. Syempre sa labas lang siya.

Base sa mukha nito hindi parin ito maka move on sa tampons. Galit talaga siya sa tampons!

"Kuya, di'ba ililibre mo pa yung mga kaibigan mo mamaya?" tanong ko ulit ng hindi ito sumagot.

"Ililibre ko nga sila, ikaw pa kaya?" He sigh. "Just eat ,Ara."

Nagsimula na akong kumain ng ramen, at masasabi kong masarap at maraming sahog 'to.

"Kailangan mo parin magtipid kuya,"

"Sanay akong magtipid, Ara. Pero, kapag sayo ,gagastusan kita kung anuman ang gusto mong bilhin."

Maraming priority ang kumakatok para kay kuya. Hindi ko pa alam kung ano ang mga plano niya. He's graduate with honor,alam kong maraming hospital ang gusto siyang kunin.

He's brilliant and smart. Kahit may pagka matigas ang ulo ,umiinom at naninigarilyo, hindi niya pinapabayaan ang pag aaral niya.

He's responsible too.

Huminga ako ng malalim pagkatapos uminom ng tubig. "Graduate kana. Ano na yung nga plano mo kuya?"

"I need some more experience, Ara. Marami pa akong pag aaralan. Pero dito lang sa Manila ang plano ko."

"Paano kung may offer ka abroad?" Tanong ko.

Umiwas ito ng tingin sakin. "Dito lang ako."

Nanahimik narin ako matapos kong marinig iyon. Ayoko siyang pangunahan. Nandito ako para suportahan siya kaya kung ano ang gusto niya ,susuportahan ko siya.

Days pass like a wind. Maraming nagbago,mas naging busy si kuya sa pinapasukang hospital. Minsan nalang siya sumasama sa lakad ng barkada niya. Minsan narin gumagala ang mg barkada niya dahil kapwa busy ang mga ito. At ako, inabala ko ang sarili sa pag-aaral.

Tulad sa mga nagbago, nagbago rin ang pakikitungo ni papa kay mama. Akala ko ayos na sila,pansamantala lamang pala ang pag-aayos na iyon.

May mga gabi na naglalasing na naman si papa. May mga gabing nagbabasag ito ng gamit at si mama ay naririnig kong umiiyak.

"Ayoko nang marinig ang pa ulit ulit na paliwanag mo Mona!"

"Alfonso naman!"

Tinakpan ko ang tenga at tumakbo papasok sa aking kwarto. Hindi ko sinasabi ang tungkol dito kay kuya dahil alam kong busy siya sa trabaho. Unang sahud ni kuya ay nagdagdag siya ng hulugan na van sa pinarerentahan ni papa. Malaki rin ang naitulong ni kuya kay mama at papa. At ayoko nang dagdagan ang hidwaan ni papa at kuya. Dahil alam kong magagalit na naman si kuya kay papa.

Umiiyak akong humiga sa kama at siya ring pag tunog ng aking cellphone. Pinunasan ko ang luha ng makita ang pangalan ni kuya.

"H-Hello?" sagot ko.

Tahimik siya sa kabilang linya. May mga ingay akong narinig mula sa mga kasama niya doon.

"I'm just checking on you. Are you okay?" He asked.

MAGKADUGO (COMPLETED) SOON TO PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon