Magkadugo 28

66.4K 2.3K 829
                                    

Chapter 28
Kuya


Ang aking mahabang buhok ay naging makinang at kulot. Ang aking kutis ay mas naging matingkad pa. Ang aking kurba ay mas humubog pa. Ang aking taas ay hindi ko inaasahan. Ito ay isa sa mga nagbago sakin. Lumipas ang anim na taon maraming nagbago.

Ang aming bahay ay pinabago ko. Ang aming bakuran ay puno na nang iba't-ibang kulay at uri ng bulaklak. Ang bakanteng lupa sa likuran ay pinalagyan ko ng swimming pool at dalawang sun loungers. Ang aming bahay ay mas naging matibay na kongkreto. Kulay puti ang pintura sa ibaba at makinis na tiles ang sahig. ANg ikalawang palapag ay pinalagyan ko ng veranda at ang kalahati ay purong babasaging dingding,natatakpan lamang ng makapal na kurtina.

Hindi man kasing mahal at ganda tulad ng iba, proud parin ako dahil sa sariling sikap ko ito nanggaling.

Ang pera sa bank account ko ay mas dumabong at dumami. Sa tingin ko, hindi ko pa muna iyon magagalaw. I am earning now, at sakto lang sa pangangailangan ko.

"It's a done deal then?, Miss Sandoval?" naglahad ng kamay sakin si Mr. Imago.

Ngumisi ako sa kanya at tinanggap ang nakalahad na kamay. "Yes sir! Thank you so much for trusting my work po."

"Your paintings is good Ms. Sandoval, it's beautiful like you..."

I chuckled. "Oh! Thanks!"

Malapad ang ngiti ko dahil may isa na naman akong obra na naipabili. Mr. Imago ay isa sa mga regular costumer ko ng aking mga paintings. Bukod sa kanya, meron ring mga may ari ng hotels, resorts at mga bagong lipat na bahay.

May sarili akong studio na pinagawa ko sa ikalawang palapag ng aming bahay. Hindi naman iyon kalakihan pero doon ko nilalagak ang mga paintings ko. Doon ko nilagay ang painting ko na "mga anghel" ang "the moon and ocean" at iba pa na may kahulugan para sakin. May mga gustong bumili ng mga iyon sa malalaking halaga pero 'di ko pinatulan.

I miss papa and kuya so much. It's been six years...babalik pa kaya siya? Aasa pa ba ako? Hindi naako magtataka kung babalik sila dito mula Amerika na may sarili na siyang pamilya.

I am twenty three and kuya Santi is Twenty nine years old now, imposibleng wala pa siyang asawa ngayon!

Kumirot ang puso ko at binalik ang mga litrato sa gilid ng kama. I am wearing my silk robe while drinking a brown liquor in my wine flute. Dahan dahan akong lumapit sa vanity mirror at tiningnan ang sarili ko.

Ano na kaya ang mukha ni kuya ngayon? Seryoso at arogante parin ba? Ano na kaya ang mga nagbago?

Huminga ako ng malalim ng mahulog sa malalim na pag iisip. Nang matapos ko ang speech ko noon sa Unibersidad. Parang hangin na mabilis kumalat iyon sa social media. My face and my speech was anywhere in socmed. Maraming nagbigay pugay sakin..naimbitahan ako sa isang morning show pero tinanggihan ko. Maraming network ang nag imbita pero lahat...maayos kong tinanggihan.

Ang aming pamilya ay nanatiling tikom ang bibig. Hindi ako nakarinig ng paninisi kundi puro pag alala lamang. Minsan ko narin nakasalamuha ang mga pinsan ko dahil may sari-sariling buhay narin ang mga ito.

Naistorbo ang aking pag-iisip ng tumunog ang aking cellphone. I fish and answer the call.

"Hello Viv?" maingay sa kabilang linya. Siguro, nasa club na naman ang aking pinsan.

"Ano na Ara? Mag mamadre kana ba talaga? Tatandang dalaga? Lumabas ka naman diyan sa lungga mo.."

Narinig ko pa itong humagikhik.
I chuckled. "Twenty three palang ako Vivoree, matandang dalaga agad?"

MAGKADUGO (COMPLETED) SOON TO PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon