Magkadugo 7

81.5K 2.6K 1K
                                    


Chapter 7
Nagkahalikan

Fiesta sa amin ngayon. Naririnig ko mula dito ang ingay ng sound system. Kagabi ang ingay-ingay ng mga kakilala ni lola dito. Nag-aasikaso sila ng mga ihahandang pagkain.

Maagang nagising si kuya Santi. Tumulong ito sa pagkatay ng baboy para sa handaan. Eto ako ngayon at tumutulong sa mga katulong ni lola sa paghanda. Karamihan sa mga tumutulong ay kasing edad ni lola o di kaya'y kasing edad ni mama.

"Ara 'yong kapeng barako ang itimpla mo ha? huwag yang kopiko black. Mas gusto nila dito ang orig."

"Opo lola!" Nasa anim na tasa ang tinimplahan ko ng kape. Iyong iba ay nauna nang ibigay nila Lara at Kathlyn.

Sa labas ng bahay nakikita kong may malaking kawali. Nagluluto sila ng menudo. Sa kabila naman ay malaking kawali rin at may lamang palabok.

Pawis na pawis ako na nilapag ang mga kape sa mesa. Nasa lilim iyon ng puno.

Dumapo agad ang tingin ko kay kuya Santi. Pawisan ito at nakahubad-baro. Nagdidisposito ito ng malaking kahoy sa nilulutong menudo.

"Nandito na po ang kape ninyo!" Tawag pansin ko sa kanila at ngumiti. Agaran ang paglapit ng mga gustong magkape.

Umupo ako sa mesa at kumuha ng biscuit. Naramdaman ko ang pag galaw ng upuan sa harap ko. Si kuya Santi pala kumuha ng kape.

"Kuya diba bawal ka sa kape?"

Nangunot ang noo nito at sumimsim sa tasa ng kape.

"Sino nagsabi?"

"Si mama kasi sumasakit 'raw yong batok mo.."

Ngumisi ito at dinilaan ang labi. Nakita kong hinabol ng dila nito ang natapon na kape sa gilid ng labi.

"Parang kape ka... kahit bawal....ang sarap."

Tila nalaglag 'yong puso ko sa sahig. Ang tibok ng puso ko ay rinig na rinig ko talaga!

Napakurap-kurap ako at iniwas ang tingin. Nabingi yata ako...

Hindi ko nakayanan...unti unti akong tumayo. "Ah, may aasikasuhin pala ako sa loob k-kuya.."

Kahit sa malayo rinig ko ang halakhak niya tila nang-uuyam sa aking tainga.

Winaksi ko sa isipan 'yong mga sinabi ni kuya. Ganon talaga siya mula noon. Mahilig siyang bumanat nang pasimple.

Palagi ko siyang nakikitang nagvivideo call kay ate Anna. Isang buwan lang naman kami dito kailangan ko narin mag enrol kasi.

"Ara!" Tinawag ako ni Lara.

"Oh, bakit?"

"Nakausap ko si Lindsay kahapon. Hiningi 'yong number ni kuya Santi. Naku, tiyak akong magpapapansin iyon kay kuya sa diskohan mamaya."

Umiling-iling ako at tumawa. Marami palang nakakakilala dito kay Kuya. Sikat dito si kuya lalo na't sumasali siya sa liga dito noon.

"May girlfriend na si kuya oy!"

"Maganda si Lindsay ,Ara. Alam mo..sa Manila nag-aaral iyon."

"Kayo talaga! Hayaan niyo na si kuya. Yakang yaka na niya ang mga ganyan." Labas ilong yata ang pagkakasabi ko.

Alas onse na. Tradisyon na dito sa kanila ang pagdayo ng mga katig-barangay at kumain. Halos mapuno ang bahay ni lola. Kahit sa labas ang daming tao!

"Ara! Punta tayo mamaya sa diskohan ha? Sama natin si kuya Santi. Kasi di papayag si mama kapag hindi natin kasama si kuya."

Ngumiti ako at tumango kay Kathlyn. "Oo ba!"

MAGKADUGO (COMPLETED) SOON TO PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon