Magkadugo 15

78.2K 2.5K 824
                                    

Chapter 15
Mine

Si lola Lourdes ang ay kapatid ng aming lola. Habang tatlong magkakapatid sila ni mama na puro babae. Ang panganay na si tita Chimen at pangalawa si tita Carmen at bunso si mama. Si Kathlyn ,Lara at Lance ay nasa probinsya ni lola.

Papalubog na ang araw at humupa na ang alon ng dagat na nasa aming harapan. Kulay kahel na ang kalangitan pero hindi pa natatapos ang kasiyahan ng aming pamilya.

Nag iinuman na ang mga pinsan namin at ang anak ng asawa ngayon ni tita Carmen. Mukhang magkasundo si Niko , Andre at kuya sa sulok. Pa naka nakang kinakausap nila ang anak ni tita Carmen sa bagong asawa na si Sky at Spike. Si Vivoree naman ay nasa aking tabi.

"Ngayon lang kayo namin papayagan uminom Ara at Vivoree dahil nandito kami." si papa nang maglapag siya ng isang bucket ng inumin sa mesa namin.

"Wow tito, minsanan lang to pero isang bucket?" Si Vivoree at pumalakpak pa.

"No Vivoree , kumuha lang kayo diyan at babantayan kayo ni Santi." Napangiwi ako sa sinabi ni tita Chimen.

Umiling si Vivoree. "Oh god, if I know kung para kay kuya Santi lang hindi makakalapat ang labi namin sa nguso ng beer na yan lalo ka na Ara." Tinuro pa ako nito.

Kinuha ko ang malamig na bote galing sa bucket. Sinipat ko si kuya at nakitang ininom nito ang beer at nasa akin ang madiin na tingin. Umiwas ako at uminom na rin. Napatawa ako ng makitang masayang nagkakantahan si mama at mga kapatid niya ganon rin ang mga asawa nila tita at papa.

Kanina rin inabot na sa akin ni kuya ang aking cellphone. Tanging numero ni mama , papa at sa kanya ang nakaregistered sa aking cellphone.

"Ara punta tayo sa puwesto nila kuya Niko at kuya Andre. Mukha kasing masaya kausap si Sky at Spike. Magsi selfie tayo."

Kinuha nito ang cellphone. Mahilig itong si Vivoree mag post sa facebook ng kaganapan sa buhay niya. Lahat yata ng ginagawa niya nakapost e'.

Nagkibit balikat nalang ako ng hinila na niya ako papunta sa mesa nila kuya. Bahagyang umayos si kuya ng upo at tinulak si Niko.

"Umusod ka si Ara na dito."

"Possessive brother mode ka na naman ba Santi?" Panunuya ni Andre na naninigarilyo.

"Hoy! Bakit nagsusunog baga kayo ha? Makita kayo mamaya nila mama at tita lagot kayo!" Inaayos na ni Vivoree ang buhok niya at tinatapat ang camera sa amin.

"Malaki na kami Viv kayo ang wa'g magloko ni Ara mga bata pa kayo."

Halos maubo ako sa narinig mula kay Kuya.

"Oh yeah, hindi ko rin alam ang feelings na makita ang pinsan kong babaeng naninigarilyo and worst may ka make out na lalaki. I will break his damn head." si Niko at uminom narin. Nakikinig lamang si Sky at Spike pero nasa akin ang tingin ni Sky.

Naramdaman kong nasa likod ko na ang braso ni Kuya bahagya nang umaakbay.

"Come on guys! Groupie tayo! Enough na sa pagiging praning niyo."

Tinutok ni Vivoree ang camera sa amin kaya tumingin kaming lahat doon. Naramdaman ko nalang na umakbay na si kuya sa akin kasabay ng dugundong ng dibdib ko.

Alam ko sa mata ng mga pinsan namin walang malisya pero sakin meron! Lalo na nang gumapang ang kamay nito sa hita ko! Pasimple ko iyong tinampal at uminom sa beer ng matapos na ang walang hanggan na groupie namin.

Napairap na naman ako ng kumuha rin si kuya ng sigarilyo sa mesa. Sinindihan niya iyon at umangat ang isang kilay niya sa akin.

"Akala ko magdodoktor ka ba't panag sigarilyo ka?" Matabang na sabi ko dito.

MAGKADUGO (COMPLETED) SOON TO PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon