Magkadugo 29

71.1K 2.5K 719
                                    

Chapter 29
Fight Together



Nanginginig ang aking katawan ng hampasin niya ang bubong ng sasakyan. Pumikit siya ng mariin, tila pinapakalma ang sarili.

"Get in," he said breathlessly.

Pumasok ako sa nakabukas na pintuan ng Benz niya. Namangha ako sa loob ng kanyang sasakyan. Purong black ang loob ng kotse niya at lalaking lalaki ang amoy. Sobrang tinted rin ng salamin nito.

Pate ang pagpasok niya sa kanyang kotse ay nagpakaba sakin ng husto. After six years, walang nagbago. Tumitibok parin ang puso ko sa tuwing nandiyan siya. Parang kakawala ito sa aking dibdib anumang oras.

Bawat ilaw ng poste ang madaanan ay napapasadahan ng ilaw ang kanyang mukha. Tumindig ang balahibo ko habang tinitingnan ang tangos ng kanyang ilong. Ang mapupula niyang labi at ang nakadepina niyang panga. Ang makapal niyang kilay na nagpapadagdag sa pagiging suplado niya.

"K-Kamusta?" halos mahimatay ako ng naitanong ko iyon.

"Fine,ikaw?" paos niyang tanong pabalik. Tiningnan ako nito na magkasalubong ang kilay bago umiwas ulit.

"Uh, mabuti. Si papa?" nagdadalawang isip ko kung ano ba dapat ang aking dapat gawin,lalo na't hindi maganda ang aming huling pagkikita. I pushed him away and here I am...sisingsisi sa aking mga ginawa at nangungulila.

"Susunod siya.."

Bumaba ang tingin ko sa kamay nitong nasa steering wheel. His fingers and arms looks so strong. Dumagdag pa ang kulay ginto nitong relo na tanging kolorete niya sa katawan. Gusto kong haplusin ang mga ugat sa braso niya tulad ng dati pero marami nang nagbago. Hindi dapat ako umasta na hindi ko siya sinaktan noon.

"Kamusta siya? Miss na miss ko na siya."

Umigting ang panga nito pero hindi ako binalingan.

"Ang tagal na rin.." Dagdag ko.

"Susunod siya at mag uusap tayo ngayon..."

Parang nabombahan ang puso ko. Pasimple akong kumapit sa bintana para makahawak ng sobra. Parang hihimatayin na yata ako. Pinaghalong lungkot, galak, tuwa at takot ang nararamdaman ko ngayon.

"T-tungkol saan?" maliit na boses kong tanong.

"Sa atin.." Sagot niya na tila ba simpleng bagay lang itong usapan namin para sa kanya habang ako halos himatayin na. Darn!

Tumango tango ako at hindi makatingin sa kanya. Matinis ang kanyang kotse at magara itong nagparking sa labas ng bahay. Hindi na ako nag atubiling hintayin siya, lumabas na agad ako ng kotse at nilapitan ang gate. Nakita kong tiningala niya ang bahay at bumuntong hininga.

Sa loob ng bahay....hindi ako magkamayaw kung ano ang uunahin. Busy siya sa pagmamasid sa mga paintings ko. Maraming nagbago sa bahay kaya alam kong naninibago rin sya.

"Ano ang gusto mong k-kainin?" tanong ko.

Sinulyapan ako nito at umiling.
"Mas lalo kang humusay sa pagpinta." Komento niya. Binalikan niya ako ng tingin hindi ko maiwasang mabalisa ng hinagod ako nito ng tingin.

Pumunta siyang kusina kaya sumunod ako sa kanya.Binuksan nya ang fridge at nangunot ang noo ng makakita ng beer in can ang halos lamang nito.

"Madalas ka uminom?"

"Uh, medyo." sagot ko at umupo sa upuan.

Tumango siya at kumuha doon. Binuksan niya iyon at nilagok. Humilig siya sa counter at tinignan ako ulit.

Hingang malalim Ara.

"Uh, girlfriend mo yung kanina?" walang hiyang tanong ko. Medyo madilim ang ilaw dito sa kusina. Nakikipagpaligsahan kung gaano ka intimida si kuya , ganon rin ang ilaw dito.

MAGKADUGO (COMPLETED) SOON TO PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon