Magkadugo 17

69.5K 2.1K 505
                                    

Chapter 17
Vanish

Kinabukasan umuwi na kami. Marami kaming dalang remembrance at iba pa. Minsanan lang kasi magkita sila mama at mga kapatid niya dahil sa malayo ang mga probinsya nila.

Hiningi rin ni Andre at Niko ang aking cellphone number.

Umaga ng martes maaga ako sa eskwelahan. Kagabi, magdamag kaming magkausap ni kuya sa cellphone hanggang inantok nalang ako at nakatulog.

Aaminin ko na may parte sa akin na masaya pero nalalamangan ng kaba. Mahirap rin itago lalo na dahil iisang eskwelahan lang kami ni kuya.

"Ara!"

Napatingin ako sa aking likuran. Si Saymon pala.

"Nagbakasyon kayo?"

Tumango ako, "Oo e."

"Nakita ko kasi sa mga post mo."

Magkasabay kaming naglalakad hanggang sa makarating na kami sa aking building.

"May basketball kami mamaya. Punta ka?"

"Uh, sige! Anong oras?"

"Sa hapon susunduin ba kita?"

Umiling ako sa kanya. "Wa'g na. Ako nalang pupunta."

Alam kong hindi parin sumusuko si Saymon sa panliligaw sa akin. Ayoko siyang paasahin.

Ngumiti ito at tumango. Tinungo ko naman ang aming building. May mga nakakasalamuha narin ako ng first day of school palang nung kelan. Hindi mahirap makipagsabayan at makipagkaibigan. Maraming gustong kumaibigan sakin, ang iba ka klase ko noong highschool.

Pinili ko itong kurso dahil mahilig ako sa kahit anong designs. Kahit simpleng bagay nagagawa kong buhayin ang katangian nito. Simula pa ng bata ako, creative na ako sa mga bagay bagay.

Students in the Bachelor of Fine Arts (BFA) program engage in a wide range of course work or studio courses ,exploring mediums like, photography, paintings, sculpture, and graphic design.

Binibihasa nila yung simpleng pananaw natin para bigyang kaalamang patingkarin ang isang bagay o trabaho.

Paglaki ko, gusto kong maging isang commercial artist, Interior designer o graphic designer. Kahit isa lang sa mga pangarap ko ang matupad , sana.

Sa loob ng classroom busy na sila sa kani-kanilang gawain.

"Uh hello." may bumati sa akin na kaklase. Ngayon niya lang ako pinansin mula ng pasukan.

"Kuya mo si Santi di'ba?" hindi ko siya schoolmate noon. Siguro, galing siya sa ibang school.

Nilagay ko ang bag sa aking likod,umupo ,at hinarap siya. Ngumiti ako sa kanya.

"Oo, bakit?"

Kimi itong tumawa at sinukbit ang ilang hibla ng buhok sa tenga.

"Ang guwapo guwapo niya pala, lalo na kung naka doctor's gown sya. Ang hunk ng katawan. Nung una di ko alam na magkapatid kayo ,mabuti nalang napuna kong magkahawig kayo."

"Uh, ganun ba? Alam mo, babaero iyon. Wa'g kang magpapabiktima sa kuya ko na yun. Mapapahiya kalang."

Ngumiwi ito sa sinabi ko. "Ang harsh pala 'nya? Halata naman sa mukha niya. Ang cold. By the way ,high way, I'm Sophy."

"I'm-"

"Dianara Sandoval." siya na mismo ang dumugtong sa isasagot ko. Ngumiti nalang ako at tumango. May iilan pang kumausap sakin bago dumating yung teacher namin.

MAGKADUGO (COMPLETED) SOON TO PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon