Magkadugo 25

68.1K 1.9K 336
                                    

Chapter 25

Naalimpungatan ako sa isang marahan na paghaplos haplos sa aking pisngi at buhok. I can't help but to smile bitterly.

Kinuha ko ang kamay nito at hinawakan,pinanatili ito sa aking pisngi at dinama ang init na hatid bg kanyang palad.

"Mag uumaga na.." kuya whispered.

Napapikit ako ng mariin ng maramdaman ang init ng labi niya na humalik sa aking noo.

"I'm tired kuya." nahalata ko ang pagkapaos ng aking boses.

Humalakhak ito at niyakap ako ng mariin. Nakabihis na ako at maging siya. Parang ayoko nang matapos ito. Gusto kong makapiling siya katulad ngayon, kaming dalawa lang at tahimik. Malayo sa mga taong mapanghusga.

"Kuya..."

"Hmmmm?" Malambing na sabi nito at pinagpatuloy ang pag haplos saking buhok. Nakahilig rin ako sa kanyang dibdib.

"Ba't di mo tanggapin ang offer sayo?"

Bumuntong hininga ito. "Sapat na sakin to Ara. Ayos na sakin na ganito lang. Ang gusto kong ayusin ay tayo."

Kumudlit ang sakit sa aking puso.

"Yung malaya kitang mapakasalanan sa maraming tao. Yung malaya tayong ipakita sa lahat na tayo."

Paos at seryoso ang boses ni kuya Santi. Batid ko rin ang lungkot at pagkadesidido sa boses niya.

"Ang hirap k-kuya..."

Binaon niya ang mukha sa aking leeg. "Yeah..fucking hard."

Pumikit ako ng mariin.

"Pero walang sukuan Ara..promise me." bulong nito.

"P-Promise kuya.." halos hindi iyon kumawala saking bibig.

Malamig ang simoy ng hangin at mag uumaga na nang ihatid ako ni kuya sa bahay.

"Pumasok ka kaya kuya? Siguro, tulog naman si papa.."

Umiling ito. "Di na, may duty ako mamaya. Magpahinga ka. Itetext kita."

Ngumiti ako at tumango. "I love you.."

His lips rose. "I love you baby.."

Hindi mawala saking labi ang ngiti. Hindi ko rin makakaila ang pagod at hapdi ng aking gitnang hita pero hindi iyon magiging dahilan para mawala ang ngiti.

Nang makapasok ay dilim ng bahay ang bumungad sakin. Pipindotin ko na sana ang switch ng bigla nang umilaw.

Si papa ang nag-on ng switch. Namumula ito at mukhang lasing.

"Pa, mag uumaga na ah. Tama na po ang pag-inom-"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ng sampalin ako nito. Halos matumba ako. Sobrang hapdi nito at ramdam ko ang init sa aking pisngi.

"A-Alam kong naging pabaya at s-suwail akong ama Ara..pero bakit g-ganito?!"

Parang gusto akong saktan ni papa base sa galit nitong mukha.

"P-Papa..bakit-"

"Saan Ara?! Dahil ba nambabae ako?! Wala na ba kayong kahihiyan?!"

Halos maduling ako sa pagyogyug ni papa sa aking braso. Ramdam ko ang sakit ng pagkakahawak niya sakin.

"P-Papa.." may idea ako pero ayokong kumpirmahin. Natatakot ako...

"Bakit ganito anak? Ba-Bakit? Ha-Handa akong magbago.."

Hindi ako makapagsalita ng pagbabasagin ni papa ang mga gamit.

"Pa tama na!"

"Bakit?! Bakit Ara?!" Umiiyak ito at patuloy sa pagbasag. Unti unti itong umupo sa sahig habang umiiyak.

MAGKADUGO (COMPLETED) SOON TO PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon