Magkadugo 13

80K 2.4K 582
                                    

Chapter 13
Kiss



Sa lamesa tahimik kaming kumakain. Si mama , si papa at ako. Hindi ko magawang magsalita o anuman. Hanggang ngayon, di' ko kayang magkaila. Hindi ko kayang magkunwari na ayos ang pamilyang ito. Hindi ito naging maayos simula ng malamang may kabit si papa at may bunga ang pangangabit na iyon. Ito naman si mama naging martyr.

" Sa sabado birthday ng tita Carmen mo Ara. Sabihan mo si Santi na dapat naroon siya.." binasag ni papa ang bumalot na katahimikan.

"Yes pa.." sagot ko na hindi tumitingin.

"Ayos lang ba siya doon anak?" tanong ni mama na tinitingnan ako. Naka teacher's uniform na ito habang si papa ay babantay ng mga van na pinarerentahan nila mama.

"Ayos naman ma, may mga kaibigan siya doon."

Huminga ito ng malalim. "Nag aalala ako sa batang 'yon masyadong tahimik at seryoso.."

"Magkakasama naman kami mamaya mama. Sabihan ko siyang dumalaw."

"Sige anak.."

Ang driver ng van ang naghatid sa akin papuntang school. Kinakabahan ako, alam kong bago ang mga rules dito lalo na't may mga iba akong makikilalang classmates.

"Salamat manong!" sinara ko ang pinto ng van at bumaba.

Baha na ang mga studyante sa labas ng gate. Naririnig ko ang kanilang usapan at tawanan. Nakasuot ako nang sleeveless na kulay puti at naka skinny jeans. Hawak ko ang shoulder bag at tinahak na papunta sa loob.

Ngayong araw 'raw ibabalik ni kuya Santi ang aking cellphone. Kaya alam kong magkikita talaga kami mamaya.

"Ara!" napalingon ako sa tumawag sa akin.

"Saymon!" ngumiti ako sa kanya at nilapitan niya ako.

"Alam mo na ang room mo?"

"Hindi pa e..Ikaw?" magkasabay kaming pumasok. Iba talaga ang ere kapag pasukan. Nakakaexcite.

Malapit sa soccerfield at grandstand ang aking room. Konti lang raw ang kumukuha sa kursong Fine Arts dito. Talaga naman kasing, kakaiba ang skill na ito.

"Dito na ako..thanks."

"Fine Arts ka pala. Sige, text mo'ko maya?"

"Sige.." tumango ako at tiningnan ang unti unti niyang pag alis.

Pagharap ko ay siya namang pagkita ko sa grupo nila kuya. Napatingin ako sa paligid at nakita ang maraming kababaihan na nakatingin sa grupo nila.

Bumalik ang tingin ko kay kuya na nasa akin na ang tingin. Nakasabit sa kanang balikat nito ang bag at naka gray v neck t shirt ito at itim na pantalon. Effortless talaga.

"Sinundo kita sa bahay.." bungad nito sa akin agad. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Kumalampag ng husto ang puso ko. Pasimple akong bumuga ng hangin at tiningnan ang nasa likod niya. Si Julio nakangiti na sa akin at si William.

"Hi beautiful!" lumipat ang tingin ko kay Benedict. 'Yong barkada ni kuya sa dorm nasa likuran rin sila ni William at Franklin.

Tumagilid ang ulo ni kuya at bumusangot kay Benedict.

"Uh hello.."binalingan ko si kuya. "Nagpahatid ako sa driver ng van natin. Tsaka, birthday ni tita Carmen sa Sabado. Dumalo ka raw sabi ni mama.."

Nakita kong may mga kinakausap na ang barkada ni kuya na mga babae. Hindi ko alam na ganito sila ka kakilala dito. Hindi ko alam kasi, hindi nagkikwento si kuya sa akin.

MAGKADUGO (COMPLETED) SOON TO PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon