Magkadugo 6

77.1K 2.5K 957
                                    


Chapter 6

Nag-aayos si mama ng pinagkainan namin. Tinulungan ko siyang ligpitin ang mga pinggan.

"Naka impake ka na ba ng mga dadalhin mo Ara?"

Bukas na ang alis namin ni Kuya papunta Sta. Rosa. Puro na naman bundok at kalabaw ang makikita ko nito. Tsaka, namimiss ko na rin ang mga pinsan ko doon. Baka naman malibang ako doon kasi malapit na ang fiesta doon.

"Opo mama, hindi ba talaga kayo sasama?"

Nilagay nito sa lababo ang mga pinggan at hinarap ako. "Anak, kailangan kong itaguyod ang pamilyang ito. Kung magbabakasyon ako wala tayong kikitain."

"Hayaan mo ma, magiging isang sikat na model rin ko someday.."

Mama tousled my hair. Napasimangot ako at inayos ang aking buhok.

"Oo ba! Tsaka, alam kong pila na ang nanliligaw sayo pero yong gusto ko ay si Saymon anak. Maganda ang future mo 'don kasi matalino."

Namula ako bigla. Namiss ko itong kwentuhan namin ni mama. Hindi niya ako sinisi sa pagka hospital ni ate Anna.

Hindi narin nakapunta dito si Ate siguro nagpapagaling. Na delayed rin ang pag-alis namin ni kuya dahil doon.

Kinabukasan maaga kaming nagising para makaalis. Naamoy ko pa ang hamog sa paligid at ramdam ko ang ginaw sa aking balat.

Hanggang ngayon hindi parin kami nagpapansinan ni kuya. Buhat niya ang isa kong maleta at kinarga sa kanyang pick up.

Nakajacket ako na kulay gray habang naka t shirt at nakapantalon si kuya.

"Mag-iingat kayo doon mga anak. Tulungan niyo ang lola Lourdes niyo sa palayan ha?"

"Oo ma..makakaasa ka." Sagot ni kuya at hinalikan sa noo si mama. Nilapitan ko rin si mama at niyakap.

"Mag iingat ka dito mama." Sabi ko.

"Oo, tatawag ako sa cellphone ng kuya mo. Saka, kana bumili ng bagong cellphone kapag nakaloan ako ha? Santi! bantayan mo ang kapatid mo." Bilin ni mama dito.

Pasimple akong tumalikod at binuksan ang pick up.

"Babantayan ko siya ma." Narinig kong sagot ni kuya.

Dalawang oras bago kami nakarating sa bayan ng San Enrique. Mula sa bayan ilang minuto pa bago kami nakapasok sa barangay ng Sta. Rosa.

Mataas na ang mga palay. Tulad ng dati, inaani na ito. Magaan sa mata ang berdeng paligid. Hindi tulad sa Manila na puro building dito naman puro bukid at mga puno.

"Gutom ka na ba?" Sa wakas tanong ni kuya habang pinapark ang pick up sa labas ng bakod ni lola Lourdes.

Umiling lamang ako.

Ang bahay ni lola parang yong mga sinaunang bahay na makikita natin sa Batangas. 'Yong mga panahon pa ng espanyol pero itong bahay niya ay inalagaan ng mabuti.

Hanggang sa dalawang palapag ito at malaki. Malawak ang lupa sa bakuran at maraming tanim na gulay sa paligid.

Pagkatigil palang ng sasakyan marami nang nakatingin agad. Ganito talaga dito sa probinsya. Pag may bagong salta, sikat agad.

"Hala si Ara!!"

"Ang guwapo guwapo ni Santi!"

"Dalaga na talaga si Ara oh."

Dinig ko agad nang nakalabas. Inayos ko ang aking mukha at nakitang nagsisigawan ang aking mga pinsan at halos di makasuot ng tsinelas patakbo sa amin.

MAGKADUGO (COMPLETED) SOON TO PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon