Magkadugo 22

64.3K 1.9K 675
                                    

Chapter 22
Wake up



Malakas ang enerhiya ng kanyang mga tingin. Tila hinihigop nito ang aking pagkatao. Umiwas ako at pinalis ang luha saking mga mata.

Ini-off ko ang tawag, "Si Andre. Magpapasundo sana ako." mahinang sagot ko.

Humakbang siya isang beses sakin , saglit napatigil ng makita niyang umatras ako.

"Umiyak ka.."

Umiling ako, "Wala to, namimis ko lang si mama."

"Bakit ka umalis?" nagdududang tanong nito.

Gusto ko sanang sumagot pero hinawakan na ako nito sa kamay at hinila pabalik sa loob ng office n'ya.

Wala na si Flor ng bumalik kami. "Nasan si Flor?" I asked him.

Umupo ito sa swivel chair niya at hinarap ako.

"I know you're jealous ,Ara."

Natahimik ako. Umupo ako sa couch malapit sa swivel chair niya.

"Sinigawan mo'ko.." sabi ko.

"I'm sorry, hindi ko sinasadya." Kinuha nito ang kamay ko. "I rattled dahil nadala na ako sa nangyari kay mama ,Ara. Tuwing may mga pasyente ako natatakot akong magaya sila kay mama at kargo de konsensya ko iyon, Ara. I'm sorry if you've got jealous. Ara, mahal kita. Hindi ako naging baliw nang ganito noon Ara. Ngayon palang, trust me, para sa atin itong ginagawa ko."

I was contented with his words. Pinanghahawakan ko ang mga iyon.

Nong gabing iyon tinext ko si Andre na h'wag na akong sunduin dahil sasama si kuya Santi sakin papunta sa resto na pagdadausan ng party ni Sky.

"Out kana kuya? Di'ba dapat three AM pa?"

"Si Flor na ang bahala." Sagot nito.

Lumabas kami ng hospital at nakitang binuksan niya ang isang Wigo na kulay itim.

"Kaninong sasakyan to kuya?"

Nangunot ang noo nito bago ako binalingan. "Akin.."

Lumapad ang ngisi ko. Proud narin ako dahil sa mga achievements niya.

"Wow! Matutuwa si papa nito!"

Tumango siya at sumunod sakin ng excited akong pumasok sa kotse niya. Hindi man expensive, still, sariling sikap niya parin ito.

"Magpapadala ako ng bigas bukas sa bahay. Don't tell papa."

Natahimik ako dahil hanggang ngayon,galit parin siya kay papa.

Hindi ko siya masisisi. Dahil ako mismo saksi sa pambabae ni papa noon. Tinanggap namin na may anak siya at pamilya sa iba. Nagbago nga siya, pero panandalian lang.

"Bumalik ka nalang kaya sa bahay kuya..." wala sa sariling sabi ko. Nasa daan ang aking tingin.

"I can't." maiksing tugon nito.

Sa Restong sinabi ni Andre ay intimate lamang ang naging dinner. Isang VIP lounge ang aming puwesto. Nakapag bihis narin ako sa hospital kanina dahil palagi akong may dalang extra shirts and pants.

Sari saring putahe ang nasa harapan namin. May pang himagas rin.

Nandito si kuya Spike, Andre, Niko, at Sky. Kurbang palibog ang aming pwesto kaya nakikita ko lamang ang ibang pumapasok.

May isang babaeng kumakanta sa mini stage. Mabini ang boses nito at nakakaantok.

"Busog nako!" si Niko. "Thanks Sky! Happy birthday ulit!"

MAGKADUGO (COMPLETED) SOON TO PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon