Magkadugo 34

77K 2.3K 465
                                    

Chapter 34

Masakit ang buong katawan ko ng bumangon. Uminom sila kagabi, umalis si papa dahil maraming aasikasuhin. Si Ma'am Garcia, umalis rin dahil mamayang gabi, may Alumni ang batch nila kuya Santi. Dito natulog ang mga pinsan namin.

As expected, our night went rough. Ang aming kwarto ay ang nasa ika'tlong palapag. Purong kristal ang nakapaligid at natatabingan lang ng makapal na kurtina.

He said, this is our house. Aarte pa ba ako? Sa ka'y tagal namin nawalay sa isa't isa magpapakipot paba ako na ayoko? Mahal ko siya at di na yun mababago pa. If he will ask me to marry him why not?

Hinila ko ang kumot para takpan ang aking kahubaran. Nakita ko sa mesa ang isang tray ng pagkain. May sticky note pa iyon sa gilid. I smiled widely. Kinakabahan na ako, iniisip ko palang na makakasama ko siya habang buhay, ang dami nang pumapasok na imahe sa utak ko!

Naka leave raw siya ng two weeks. Kaya may mga araw pa para mag usap kami sa maraming bagay. Ngayon, oras muna para maging masaya. We deserve it, I think.

Kinain ko ang pagkain at naligo. I wear a white t shirt and a shorts. Meron palang mga katulong dito sa mansyon. Meron ring hardinero ,na nag aalaga ng mga bulaklak at matatabang halamanan.

Kung umaga kitang kita ang kagandahan ng lugar na ito. This is so amazing. Isang lugar na puro kaberdehan hindi berde na nasa utak natin ha. Char!

Sa malayo ay ang malawak na dagat. Ang paligid puro halaman. Ang mga bulaklak ay nakakaliw tignan. Nakakaanyaya rin ang infinity pool sa likod na kung gabi ay parang maraming alitaptap.

"Good morning!" Bati sakin ni Lara.
Ngumiti ako at tinanggap ang kape na binigay nito.

"Saan si Kathlyn?" I asked.

"Uh, umuwi ng maaga kay lola e. Susunod rin ako mamaya."

"Huh? Bakit? Pwede naman kayo dito kung uuwi kami sa Manila ,kasi may alumni sila Santi."

"Oo naman, babalik ako. May kinuha lang iyon." Inabala na ulit nito sng sarili sa pagtulong sa katulong magluto.

Nakarinig ako ng pag bibiyak ng kahoy. Hinawi ko ang slide glass door na malapit sa malawak na kusina papunta likuran na parte ng mansyon.

Nakita ko si Sky na pawisan kakatapos lang mag push ups sa arawan. Dumapo rin ang mata ko kay Santi na nagbibiyak ng kahoy.

Shit. Nagbibiyak.

"Morning!" bati ni Sky.

Ngumiti ako kay Sky at nakitang tumigil si Santi sa pagbiyak at nakita kami. His brows met when he saw Sky walks towards me.

"Morning!" Bati ko pabalik.

"Maganda dito." Sabi ni Sky. Sa maraming taon na lumipas he looks more matured now. A typical playboy.

Ang pagbibiyak kanina ni kuya ay lumala. Kung kanina tatlong beses pa bago mabiyak ang kahoy ngayon isahan nalang biyak na. Bawat galaw ng muscles nito ay napapalunok ako. Why this man is so hot in the middle of the sun?

"Mukhang nagagalit na tong si Santi." Nakita rin pala iyon ni Sky.

Umiling ako at ngumisi.

"I'm happy for you Ara. Gigisingin ko lang sila Andre." paalam nito.

"Sige!"

Binagsak agad ni Santi ang mga ginagawa. He grabbed his t shirt at iyon ang ginamit pamunas sa katawan nitong pawisan.

I saw his jaw moved with his dagger eyes.

"Good morning!" Bati ko dito at pinakita ang kape na bitbit ko.

MAGKADUGO (COMPLETED) SOON TO PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon