Magkadugo 21

65.1K 2.1K 889
                                    

Chapter 21
Name

Naimbestigahan ang nangyari kay mama. Nakita sa CCTV ang paglakad nito sa daan na parang wala sa sarili. Naka teachers uniform ito at may hawak na bag nang tumawid sa daan at nasagasaan ng isang jeep. Tumalsik si mama na parang papel at nauntog ang ulo sa daan.

We're all hurt. Sa isang higlap lang nawala ang buhay ng taong buong buhay namin ay walang ginawa kundi ang alagaan kami at mahalin.

Hindi ko parin tanggap ang nangyari. I regret the day I left without talking to her dahil iniiwasan ko ang pag aaway nila papa. Kung alam ko lang na kukunin siya ng panginoon sana dinamayan ko siya at hindi ako naging duwag.

Nakita ko ang paghinagpis ni papa. Dalawang araw siyang hindi umalis sa tabi ng kabaong ni mama. Kahit si kuya walang naging salita. Sinisisi nito ang sarili dahil sa nangyari.

Dahil narin sa benepisyo ng pagiging guro ni mama ay may nakuha kaming pera at nasagot ang kanyang libing.

Si tita Carmen at tita Chimen ay dumalo sa libing ni mama. Nandito rin si Sky ,Spike ,Andre,Niko at Vivoree.

Nasa likod ko si kuya habang nasa tabi ko si Vivoree. Sunod sunod na dumaloy ang aking luha ng basbasan namin ang kabaong at hinagisan ng bulaklak. Hindi ko kayang makita si mama na nasa hukay ng lupa at unti unting tinatabunan.

My heart ached so much. Namimilipit ang puso ko at sabay sabay kaming nagulat ng tumalon si papa sa hukay at pilit inaalis ang lupa doon.

"Oh my g-god." Nasapo ko ang labi at umiyak ng todo. Vivoree hug me. Narinig ko ang kaguluhan at pagpipigil kay papa.

"Hindi ko kaya! Hindi ko kaya! Patawarin mo'ko Mona! Bumangon ka..aayusin natin to. H-hindi!" hinagpis ni papa.

Tumalikod ako at niyakap si Vivoree na umiiyak narin. Namumula ang mata ni Andre at Niko habang umiiyak ang dalawang kapatid ni mama.

Pinagtutulungan si papa na kunin doon at pinapatahan. Nag aamok na ito at pinag hahampas ang mga nakatayong bulaklak.

"Hindi! Hindi ako aalis! Sasama ako sa hukay! Patayin niyo na ako!"

Isang lagapak ang narinig ko at singhapan ng lahat. Napatingin ako at nakita si papa na nasa lupa. Sinuntok ito ni kuya na malamig lamang ang tingin sa kanya pero nanginginig ang kamay.

"Huli na ang lahat Alfonso, isa kang gago."

Walang pumigil, walang nagsalita basta si kuya Santi na ang magsalita. Lahat kami ay natahimik at tinignan ang nangyari. Kapwa gimbal sa sinabi ni kuya.

Ito na ang kinatatakutan ko. Ang magalit si kuya dahil aabutin ng buwan o taon bago ito magpatawad. Kung maging okay man kayo...may gap na sa pagitan niyo.

Pagkatapos ng libing umuwi si tita Carmen at tita Chimen.

"Huwag kang magdalawang isip na tawagin kami Ara. Tutulungan namin kayo. Ngayon, kailangan kayo ng papa mo." Sabi ni tita Chimen sa akin.

Umiyak ako ng ilang minuto sa yakap nila bago sila umalis.

Doon narin pala nag-aaral si Sky sa Unibersidad kung saan kami nag aaral. At si kuya Spike naman ay nagtatrabaho na sa isang kompanya.

Nanatili si Andre, Niko at Sky sa bahay. Si papa ay nakatulog habang ako ay nagluluto sa kusina para sa hapunan.

Naririnig ko sa labas ang mga seryosong usapan nila at ingay ng bote nila. Nagluluto ako ng pochero at fried chicken para sa kanila. Nasa mesa na ang kanin at nakahanda narin ang mga pinggan. Pinatay ko na ang stove ng maluto ang pochero.

Naka dalawang case na sila sa labas nang matapos ko ang ginagawa.

Napatigil ako sa paglalagay ng kubyertos ng makita ko ang bulto ni kuya na nakahilig sa pintuan. Tinignan ko siya ng mabuti at namumula na ito.

MAGKADUGO (COMPLETED) SOON TO PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon