Kabanata 4

3K 160 7
                                    

KABANATA 4

Dedicated to:Baliwkayrnl

Magnanakaw

"Sus maryosep! sino ba ang binibining iyan?"

"Diyos ko!bakit parang kinulangan ata siya nang damit!hindi ka aya aya sa paningin! babae pa naman siya!"

"Saan ba siya nanggaling?"

"Ang ganda nang binibining iyan nakakabighani ang kanyang kagandahan."

"Paano ba siya napunta rito? sa aking pananaw mukha siyang hindi tagarito sa atin."

"Naku! kawawa naman ang binibining iyan!"

"Maputi at makinis ang balat niya halatang may dugong kastila."

Rinig na rinig kong mga bulong-bulongan sa paligid kaya salubong ang kilay kong napamulat.

What the hell?! sakit nila sa tenga! kaasar!

Ani ko sa aking isipan.

Nang maimulat ko ang aking mata ay hindi ko pa masyadong makita ang mga tao dahil medyo hanap pa ang aking paningin.

Tumingin ako sa langit at napangiwi nang tumama ang sinag ng araw sa aking mata kaya't madali kong tinakpan ang mukha ko gamit ang kamay.

"Gising na siya!"

Rinig kong sigaw kaya ayun nagsimula namang magbulong bulongan ang mga tao.

Arghhhh! ano ba yan?!

Napatingin ako sa paligid at laking gulat ko na lang nang makita ang mga tao na nakapalibot sa akin! at hindi lang yun! nakasuot pa ito ng mga lumang mga damit na kung tawagin ay baro't saya, If I'm right.

Ano bang trip nang mga tao na'to? hindi naman buwan nang wika ngayon ah?

Napa-iling iling na lang ako sa inisip pero agad rin ako'ng napatigil nang may naramdamang tumutusok-tusok sa likod ko at sa iba't-iba pa'ng bahagi ng aking katawan. Bumilog ang mata ko nang mapagtantong nakahiga ako sa kalsada! sa kalsadang mabato-bato!

Where am I? parang ngayon ko lang ata to naisip. Nasaan nga ako?

Pilit ako'ng tumayo kahit na medyo masakit pa ang likod ko. Nagtagumpay naman ako'ng makatayo pero ayun nga lang masakit pa rin ang likod ko.

Inilibot ko ang tingin sa mga tao na kakaiba ang tingin sa akin. Lahat ng mga ito ay nakatingin sa akin na para bang sinasabi na 'ang weird niya'.

Inikot ko ang mga mata ko sa inis.

Whats with this people? darn. Ngayon lang ata sila nakakita ng maganda hmm.

Kumunot ang noo ko nang makita ang itim kong bag na agad ko ring kinuha.

Napa-isip ako, ano ba ang nangyari? Bakit ako nasa lugar na ito? wala naman ako'ng naalalang pumunta dito, ah? The question is paano ako nakarating rito?!

Arghhhh!

Napahawak ako sa ulo  dahil medyo kumirot ito kasabay nang pagkaalala ko sa nangyari bago ako napunta sa wierdong lugar na ito.

Nanlaki ang mga mata ko, ang kwentas! Kinapa ko ka-agad ang dibdib ko kung may kwentas ba du'n at laking gulat ko na lang nang makitang maayos ito.

Why its still here? sa pagkaalala ko nasira ito at lumiwanag! damn!

Ang mga tao naman na nakapalibot sa akin ay nakatingin lang  na para bang isa akong malaking tanong.

The Heartless Gangster In 1892 (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon