Kabanata 9

2.4K 147 9
                                    

KABANATA 9

Respeto

K i n a b u k a s a n

Nagising ako sa ingay ng mga tao,hindi ko alam kung sino sino ba yun sila!tss kainis!ang aga-aga pa ah?!

Napabalikwas agad ako ng bangon nang marinig kong bumukas ang pintuan sa kwarto ko.

Dahan-dahang dumungaw ang ulo ni hikda at saka pumasok. Umupo siya sa kilid ng matigas na kama ko at bumuntong hininga.

"M-magandang umaga z-zeime.."naiilang niyang bati sakin,eh?tiningnan ko siya ng may pagtataka.

"Oh?kailangan mo?"diretsa kong tanong.

"K-kasi kalat na kalat na sa baryo natin ang nangyari kagabi...ang pagkamatay ng dalawang gwardiya sibil.."napatungo siya."naghahanap na sila ng ebidensiya basi sa nangyari kagabi pero w-wala silang mahanap.."nahihirapang sabi niya.

Naikot ko na lang ang mga mata ko!at bumalik sa pagkahiga.

Akala ko kung ano na!yun lang pala tss!

"Pabayaan mo na sila wala namang silang mahihitang ebidensiya unless isasaliwalat mo ang nangyari?tsaka bakit takot na takot ka ha?"taka kong tanong

"Natatakot ako kasi baka malaman nila ang totoong nangyari.."malumay niyang sabi pero may halong takot!

"Di nila malalaman 'yun hanggat ipagsasabi mo?kaya huwag ka nang matakot. Itikom mo na lang yang bibig mo."seryoso kong sabi. Napahinga naman siya ng maluwag at parang nabunutan ng tinik.

"Oo nga!bakit ko ba ito pinuproblema?e tayo lang naman ang nakakaalam nun---pero baka may nakakita sa atin dun?!--"

"Tss walang tao dun maliban sa atin."

"Sige...halika na bababa ba tayo."aniya. Bumangon na lang ako dahil wala naman akong magagawa di naman ako makatulog pabalik kung gugustuhin ko.

Pagbaba namin ay nakita ko si filina na nagsasaing ng init.

"Filina!ako na ang magluto bumili ka na lang dun ng tinapay sa bayan!"utos sa kanya ni hilda agad namang sumama ang mukha ni filina.

"Ate naman!ayoko'ng lumabas!"nakasimangot nitong sabi.

"Aba aba!marunong ka na pa lang sumuway ng utos ngayon ha?"

Napapadyak na naglalakad si filina patungo sa ate niya.

"Bumili ka ng tinapay ah,dalawang piso yan,bilisan mo!"sambit ni hilda tsaka binigay ang dalawang piso kay filina.

"Sasamahan kita filina."sabat ko.Gulat na napatingin sa'kin si filina at hilda.

"S-sigurado ka ba binib--- ate zeime?"paniniguradong tanong ni filina.

"Yup,wala namang akong gagawin dito,tara!"sagot ko at lumabas ng bahay.

Napatingin ako sa mga taong lakad duon..lakad dito..tss!sakit nila sa mata.Hindi ko na lang sila pinansin tsaka nagpatuloy na lang sa paglalakad.Ramdam ko ang mga mata nilang nakasunod at nakatingin sakin!

What are they staring at?alam kong maganda ako!

"Diba siya iyong binibining tinulungan nila Laura?"

"Tama ka riyan mare!balita ko diyan na rin siya kila laura naninirahan!"

"Matulungin talaga iyang pamilyang iyan!"

"Kakaiba sa paningin ko ang binibining iyan. Hindi ko mawari kung bakit.."

"Marahil ay dahil bago siya sa paningin mo o dahil sa mukha siyang may lahing banyaga."

The Heartless Gangster In 1892 (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon