Kabanata 5

2.8K 172 33
                                    

KABANATA 5

Dedicated to:AstreaKim

Dighay

Malakas na nakahandusay ang magnanakaw. Napangiwi ito sa sakit at kirot na naramdaman.

Ang mga tao na nagsisigawan ay naging tahimik. Batid kong nasa akin ang mga tingin nila.

Tss.

Malakas kong tinadyakan ang likod nito'ng snatcher. Napa-agik-ik naman ito sa sakit. Akmang tatadyakan ko ulit ito ay bigla ito'ng gumulong at tumayo. Sinubukan niya ako'ng suntukin ngunit agad ko itong naiwasan.

Sipa. Iwas. suntok. iwas. sipa.

Mukhang gusto ata nito'ng ma-hospital tss wrong move boy.

Tumalon ako at binigyan ng isang malakas na sipa sa mukha ang snatcher. Humandusay ulit ito at nawalan ng malay.

"Buti nga sa'yo."sabi ko at tahimik na pinagpagan ang suot na sayal. Muling umingay ang mga tao sa paligid at nagbulong-bulongan ng kung ano-ano.

"Ano'ng klaseng binibini ba iyan?na kayang makipaglaban sa isang tulisan!"

"Kahanga-hanga!"

"Ibang klase ang kanyang galing!mukha siyang eksperto sa pakikipaglaban!"

"Ang husay niya! isa siyang bayani!"

"Ngayon lang ako nakakita nang ganoong klaseng binibini, mahusay at palaban!"

Umikot ang mata ko sa narinig. Small thing.

But why is this a big thing to them? ngayon lang ba sila nakakita nang babaeng nakiki-paglaban?

Tumalikod na ako at nagsimula nang maglakad palayo pero bigla ako'ng napatigil nang may humawak sa siko ko. Mabilis kong liningon kung sino'ng pangahas na humawak sa'kin at akmang ibalibag ang walang hiyang 'yon nang makita ko ang mukha nito. Siya iyong ginang na ninakawan ng isang tulisan.

Binawi ko ang siko ko sa pagkakahawak niya. "Ano ang kailangan niyo?" I flatly asked her.

Ngumiti lang ang ginang at hinawakan ang dalawang kamay ko. Napataas ang kilay ko rito at pinagtakahan ng tingin. What is she doing?

"Ako'y lubos na nagpapasalamat sa iyong ipinakitang kabayanihan binibini, ngayon lang ako nakakita ng isang binibining kay galing makipaglaban."ngumiti ulit ito at may inilagay sa aking kamay. Isang pera.

"Nawa'y tanggapin mo ang aking handog pasasalamat sa iyo."

"Hindi ko kailangan nito at hindi naman kita tinulungan. He deserved it anyway."sabi ko at walang pag-alinlangan binalik ang salapi sa kanya.

Nagulat ito sa aking ginawa at mukhang nagulat rin ito sa lenggwaheng binigkas ko sa hulihan. Napakunot ang noo ko. Hindi ba talaga sila nakaka-intindi ng ingles? Mukha nga'ng napag-ewanan na sila.

"Ngunit kahit na binibini, ako ay tinulingan mo pa rin. Kung hindi dahil sayo wala na sana ang pina-kamahalaga kong kwentas na ipapamana ko pa sa aki'ng mahal na anak."ngumiti ulit ito at binalik ulit ang salapi sa'king kamay.

Nag-isang linya ang kilay ko dahil sa ginawa nito. Why so kulit? Bumuntong hininga na lang ako.

Hindi kailan man nangyari sa buhay ko ang tumanggap ng pera lalo na sa ibang tao. Kaya hindi ko gustong tanggapin ang perang binigay nito sa'kin dahil isa pa marami naman ako'ng pera at hindi ako nauubusan. Isa pa, hindi ko naman sadyang tulungan ito.

Hindi na lang ako umimik dahil masyadong makulit at mapilit ang ginang na'to. Isa pa, wala nga pala akong dalang pera ngayon.

Palihim ko na lang inirap ang mga mata ko at saktong nabaling ito sa dalawang gwardiya ng ginang na ngayo'y ay tinutuligsa ang tulisan.

The Heartless Gangster In 1892 (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon