Kabanata 21

1.9K 128 11
                                    

KABANATA 21

Sleep

Ano ang kailangan nila?sino ba sila??

Iyan ang mga katanungan agad na pumasok sa isip ko.Naipilig ko ang ulo ko sa inisip.Possible kayang mga rebelde 'yun??

Kung hindi iyon rebelde ano naman ang gagawin nila dito?bakit sila may dala-dalang...itak.Tsk

Nagroronda ang mga gwardiya sibil ngayon sa kabayanan I wonder kung nahuli sila...well matirang matibay na lang.

Rebelde..

Sila iyong mga taong tumiwalag sa batas ng pamahalaan o di sang-ayun sa mga pamamalakad ng pamahalaan.

Napangisi ako ng maalala ang pangalan 'nung nakaaway ko.Lando...I think I've heard this name before o may katunog lang?not really sure tho..but it really sounds familiar.

Nakahiga at napapikit pa rin ako ngayon sa lupa.Hinawakan ko ang braso ko kung saan may daplis ng itak.

"Uhm!"daing ko nang mahawakan ko ito.Hindi naman masyado malalim at mahaba.Maliit lang ito pero masakit.

Kaya ko naman matiis ang sakit na'to dahil walang wala 'to sa mga naranasan ko sa kasalukuyan.

Maya't-maya nakarating na ang ibang gwardiya sibil dito sa likod.Minulat ko agad ang mga mata ko tsaka sila tinapunan ng tingin.Agad silang lahat pumwesto sa gilid gilid hawak ang mga armas nila.

Hays kung saan wala na ang mga kalaban bago pa sila dadating.Tsk mga tanga.Pareho lang sila ng mga pulis, dadating lang kung saan napatay na ang biktima.

"Heneral!may isang patay na gwardiya sibil!"wika ng kung sino.

Mabilis silang lumapit duon sa nagsalita at tiningnan ang patay na katawan ni gwardiya pilonio.Inilawan nila ito at inenspeksiyon.

"Rebelde.."ani ng heneral at tumayo na."Higpitan niyo lalo ang seguridad dito sa ating bayan!tumitindi na ngayon ang kapangahasan ng mga rebelde!igihan niyo ang pagmamasid at pagbabantay at kung maaari dakpin kaagad ang may kahina-hinalang tao!"nangangalaitang sigaw ng heneral,sumaludo sakanya ang mga gwardiya sibil.

"Masusunod Heneral!"they said in chorus.

Binuhat ng dalawang gwardiya sibil ang katawan ni gwardiya pilonio habang ang apat na gwardiya sibil naman ay patuloy na nag-imbestiga sa paligid,ang Heneral naman ay nakatayo lang at malalim ang iniisip.

Hindi pa rin ako makaalis sa aking pwesto at kung tatayo kaagad ako rito maaaring ako ang paghihinalaan nila.So I need to act again,I need to act that I am also a victim here na biktima rin naman talaga ng rebelde kanina-kanina lang.

Dapat akong umakto na isang babaeng walabg kalaban-laban na sinugatan ng rebelde.

"T-tulongg..."mahina kong wika pero sinigurado kong madidinig nila.Umungol ako at dumaing na parang nasaktan talaga.

Mabilis nilang hinanap kung saan nanggaling ang boses ko lalo na ang Heneral na agad na kumunot ang noo.Nahanap na ako ng isa sa kasamahan nila at agad ding sinenyasan ang mga kasamahan.

"Heneral!!isang binibini!"sigaw nito at mas lalong nilapit ang lampara sa aking mukha sinisiguradong kung babae talaga ang kanyang nakita.

Nagsilapitan agad sila sa akin.Mangiyak-ngiyak naman akong umarte at hinawakan ang brasong nasugatan.Tinulungan nila akong maka-upo habang sila ay naka-squat lang ang iba naman ay nakatayo lang.Nakatingin lang ng mataman sakin ang Heneral,pilit na pinag-aralan ang mukha ko at inalala kung nakita na niya ako.

The Heartless Gangster In 1892 (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon