Kabanata 22

2K 134 19
                                    

KABANATA 22

Tanong

Tumigas ang mukha ko sa nasaksihan.Bakit ba madaming gwardiya sibil nagkalat sa bahay?mayroon bang ginawang kasalanan sila?o baka kagagawan ito ng heneral na iyon?

Pina-iimbestigahan ba niya ako?tss

Kahit gumastos pa siya ng ilang milyon wala siyang mahihitang impormasiyon sakin.

Mas lalong tumigas ang reaksiyon ng mukha ko nang sapilitang nilang hinawakan sila nanay,tatay,hilda't filina na ngayo'y naiiyak na sa takot.Mabilis akong nakapunta sa harapan ng bahay at agad na hinarap ang mga gwardiya sibil.

Sa tingin ko ay nasa mga pito silang lahat.Nilibot ko ang tingin sa kanila,nagbabasakaling makita ang heneral nila pero wala akong nakita.

"Z-zeime anak!"sinubukang kumawala ni nanay ngunit malakas ang pagkahawak ng gwardiya sibil sa kangang braso kaya hindi natagunpayang makawala.

"Sino ka naman?"wika ng gwardiya sibil na sa tingin ko ay ang leader-leader nila.Masama ang tingin niya sakin at agad akong tinutukan ng baril.Ngumisi lang ako at tiningnan lang ang dulo ng baril ng walang emosyon pagkatapos ay sakanya.

Tinatakot ba niya ako sa munting baril niya?

"Isa kang lapastangan sa pakikialam dito!ibig mo na bang mamatay?!"sigaw niya.

Mas lalong nagpumiglas si nanay at tatay pati na rin silang hilda at filina.Pero wala rin silang magawa dahil masyadong mahigpit ang hawak sa kanila ng mga gwardiya sibil.Tanging nagawa na lang nila ay ang umiyak at matakot sa pwedeng mangyari sakin.

Suminghap rin ang mga tao na nakatingin rin sa amin ngayon.Ramdam ko ang takot nila pero tumahimik lang sila at hindi na nagbitaw ng salita dahil alam nilang malalagot sila kaya pinili na lang nila ang manahimik at suminghap lang.

Tumiim lang ang tingin ko dito habang ito ay nanlilisik ang mga matang nakatingin sakin.Gustuhin ko mang labanan ito dito pero naisip kong lalala lang ang sitwasyon,maaari pang malagay sa alanganin sila nanay kung papatulan ko pa ito.Napahinga na lang ako ng malalim bago hinugot ang kaliitliitang pasensiyang natira sakin.

"Ano ba ang kailangan niyo?"I normally asked na para bang isa lang silang simpleng mamamayan at walang tungkulin sa pamahalaan.

Tsaka...dapat ba akong matakot sa kanila?dapat ba akong masindak?ha!Hindi pa naisisilang ang magpapatakot sakin at magpapasindak.At isa pa it's another way around,sila ang dapat ang matakot sakin.

Hindi ko alam kung ilang ulit napasinghap ang mga tao at napatawag sa mga santo pati na rin sila nanay.

"Z-zeime anak..huwag mo na silang papatulan.."nanay pleaded.Tsk hindi naman talaga..magtatanong lang naman ako kung ano na naman ang pinagpuputok ng mga butsi nitong mga batos ng pamahalaan.

"Isa kang matapang na binibini ngunit hanggang diyan lang ang makakaya mo.Huwag ka ng gumawa ng bagay na ikakapahamak mo.."tumawa ito nang sarkastiko at mas lalong diniin ang baril sa sintido ko."Nais mo bang makisali sa gulo ng pamilyang iyan?bibigyan kita ng ilang minuto upang umalis at tumakbo rito.Ngunit kung pipiliin mo ang manatili rito sa kanila..lahat kayo sa selda ang bagsak!"ngumisi siya ng nakakatakot pero nagmumukha lang siyang isang adik sa kanto.

Pumikit ako ng mariin.Malapit ng maputol ang pasensiya ko dito.Ang daming satsat!bat hindi na lang niya sabihin ang kailangan nila?!

"Ano ba ang kasalan nila?"tanong ko ulit.I swear,pag hindi nila ako sasagutin magkakagulo talaga rito.

Natawa ang gwardiya sibil sa naging tanong ko.Natawa sa pagiging kalmado ko at pagiging matapang kahit na isang kalabit lang niya ng gatilyo ay maaari akong bawian ng buhay.As if like I will let him do it.

The Heartless Gangster In 1892 (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon