Prologue

8.9K 155 8
                                    

Prologue

Athenna's POV (May 7, 2016) [7:00pm]
"Ano ka ba naman Althea!? Ang kulit kulit mo! Alam mo naman na may tinatapos akong project." Pasigaw kong wika sa harapan ng kapatid ko.

"Sorry ate."

"Anong gawin ko sa sorry mo kung nasira mo na ang project ko!?"

"Athenna, may tenga ang kapatid mo. Kaya wag mong sigawan." Sambit ni kuya.

"Kuya, sinira niya ang project ko at kailangan ko nang i-pass to." Wika ko habang nakatingin kay kuya.

"Athenna, pwe—"

"Bahala kayo diyan." Hindi ko na pinatapos si kuya at deretso na akong lumabas ng bahay. Lumabas na ako ng bahay kahit gabi na. Nakakainis kasi si Althea, nasubrahan sa kakulitan. Paano na ngayon ang project ko? Kailangan kong i-pass kaagad yun kung hindi dalawang subject na ang bagsak ko.

Habang naglalakad ako, nakita ko si Kristel kasama ang mga malalandi niyang kaibigan. Papasok sila ngayon sa bar na ang iikli nang mga shorts nila at kitang kita pa ang cleavage nila.

"Athenna! Tara pasok tayo!" Pang-aalok ni Kristel.

"Ah wag na, hindi ako umiinum tapos ang ingay sa loob." Pagtangi ko. Kala mo totoong kaibigan. Maging kaibigan mo lang siya kung bibigyan mo ng mga answer sa quizzes.

"Ano kaba Athenna, minsan lang ang bar sa buhay natin." Pagpipilit ng isa niyang kaibigan.

"Athenna, kung papasok ka dito malilimutan mo ang mga problema mo. Ang saya kaya kung nasa bar ka." Pagpipilit ng isa niya pang kaibigan.

"So. Game?" Tanong ni Kristel. Napatahimik pa ako ng ilang saglit. Kung papasok ako sa bar, makakasalamuha ko ang mga kamag-anak ni Kristel. Ang landi kaya nila, kasing landi din ni Kristel.

"Okey. Basta hindi ako iinum ha." Pagpapayag ko.

"SURE!" Masigla nilang wika at agad naman akong inakbayan ni Kristel. FC? Feeling close?

Pagpasok namin sa bar ang mga malalandi na ang nakasalubong namin sa loob. Kahit sa anong sulok ng bar ang makikita mo lang ay nag-iinuman, naghahalikan, nagsasayawan, at naglalandian. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit ang landi ni Kristel. Umupo na kami sa isang bakanteng upuan. Tahimik lang ako na naka-upo habang si Kristel ay busy sa pagpipili ng oorderin.

"Athenna, ano ka ba smile naman diyan." Wika ni Kristel habang nakangiti sa akin. Pinagsisihan ko na talaga kung bakit pa ako sumama sa babaeng to.

"Hindi lang talaga ako sanay sa ganitong lugar." Pagsisinungaling ko. Sino ba ang hindi masanay dito? Madilim ang paligid, ang iingay, may nag-iinuman, at makakasalamuha mo ang mga kamag-anak ni Kristel— I mean, ang mga malalandi.

"Masasanay ka rin."

Ngumiti lang ako ng konte sa sinabi ni Kristel. Actually hindi masyadong klaro ang sinasabi niya dahil sa lakas ng volume ng sound. Pagkarating ng inorder ni Kristel ay napa-taas nalang ako ng kilay dahil sa nakita ko. Sabi ko hindi ako iinum. Bakit puro alak ang nasa harap ko?

"Naubusan na sila ng juice, kaya alak nalang ang inorder ko." Pagpapaliwanag ni Kristel. Magsinungaling ka pa plastic! Gusto mo lang ako lasingin para gawan ako ng katarantaduhan.

"Kristel, alam mo naman na hindi ako umiinum."

"Ngayon lang to Athenna, kaya wag kang over protective sa sarili mo." Wika ni Kristel. Kinuha na niya ang isang bote ng alak at ininum ito. Ganon din ang mga kasama niya, nag-iinuman narin. Inabot niya sa akin ang isang bote ng alak habang naka-ngiti. Kinuha ko ito at inamoy bago inumin. Sa amoy palang hindi na masarap. May masarap bang alak?

"Go Athenna, kaya mo yan." Pagpipilit ni Kristel. Inimun ko na ang alak na inabot ni Kristel sa akin. Ang sama ng lasa. Ang pait!

"Athenna, dahil first timer ka, ang sama talaga ng lasa." Wika ni Kristel.

"I-inum mo lang yan, masasarapan ka rin." Sabi ng isang kaibigan ni Kristel.

[One hour later]
Halos hindi na ako maka-upo ng maayos dahil sa kalasingan ko. Nakita ko sina Kristel at mga kaibigan niya naghahalikan at nagsasayawan, habang ako parang baliw na naka-upo lang. Pinipilit ko ang mga mata ko na idilat ang mga ito. Siguro sa alak to dahil sabi nila na nakakaantok daw to. Ilang minuto lang ay may lumapit na lalaki sa akin at hinawakan niya ang hita ko kaya tinapunan ko siya ng alak na ininum ko.

"Bastos ka ha!?" Sigaw ko.

"Kahit ngayon lang." Pangaakit nito. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at akmang isandal niya ako sa kinauupua pero napigilan lang ito nang hinawakan siya ng isang lalaki sa balikat neto.

"Anong problema mo sa girlfriend ko?" Tanong ng lalaki.

"Okey. Sorry dude." Napataas siya ng kamay sabay alis. Ano nga ang narinig ko sa sinabi ng isang lalaki? Girlfriend?

"Sino ka ba? At anong girlfriend ang naririnig ko sa bunganga mo?" Tanong ko sa lalaki.

"Your drunk. Umupo kamuna." Pangaalok niya. Pinaupo niya ako sa upoan at umupo rin siya sa gilid ko. Sino ba siya? Ganito ba sa bar? Pupuntahan mo ang mga hindi mo kilala?

"May kasama ka?" Tanong niya.

"Nakikipaglandian na yun." Deretso kong sagot sabay inum ng alak na nasa baso. May kinuha siya sa gilid niya na envelope at kinuha ang nasa loob nito.

"You need to sign this paper." Wika niya.

"Ano to?" Tanong ko sabay lapag ng baso.

"Basta, pirmahan mo nalang para sa kapatid ko." Wika niya. Pinahawak niya sa akin ang signature pen at tinuro niya kung saan ako pipirma.

"Ano ngayon kung pipirmahan ko to?"

"C'mon, just sign that paper."


#WTMBFIL

When The Mafia Boss Fall In Love (UNEDITED)Where stories live. Discover now