Chapter 21

2.6K 52 1
                                    

Chapter 21: Napkin

Athenna's POV [In the morning; At the kitchen]
"Kaito, hindi ka papasok?" Tanong ko kay Kaito na ka-bababa lang sa hagdan.

"Hindi muna." Sagot ni Kaito sabay kuha ng niluto kong pasta. Pumunta na si Kaito sa hapagkainan at kinain ang pasta na kinuha niya. Hindi pa nga siya nakapag-agahan, pasta na ang inuna niya.

"Uy! Kaito, kumain ka muna ng kanin." Pagpipigil ko sa kaniya sabay lapit.

"Mamaya na. Ihahatid pa kita sa school mo."

[School]
"Kaito, sana sa likoran ng school mo lang ako binaba hindi sa tapat ng school." Mahinang reklamo ko habang naka-yuko.

"Ano naman ang problema kung nasa tapat tayo ng school mo ngayon?" 

Bumaba siya sa sasakyan at binuksan ako ng pinto. Ang mga schoolmate ko nagtitinginan sa akin. Lalo na si Jun. Ang kaibigan ni Fritz. Nagbubulongan pa sila na dinig ko mismo ang pinag-uusapan nila. Kung puputulin ko kaya ang mga dila nila, nagigigil ako.

"Hoy. Wag ka ngang ganyan." Wika ni Kaito ng napansin niya ang pagkailang ko.

"Kasi pinagtitinginan tayo ng mga students dito. Nahihiya ako." Mahinang wika ko habang nakatingin sa ibang direksyon.

"Sige. Susunduin kita mayamaya. Bye."

Pagka-alis ni Kaito ay tumakbo ako papunta sa classroom namin. Ang mga tao dito eh, parang ngayon lang nakakita ng gwapo. Nakakainis! Ang tingin nila kay Kaito, nakakatunaw. Pagpasok ko sa school ay nagtitinginan silang lahat sa akin. Bakit? Maganda na ba ako para tignan nila?

"Athenna, sino ang lalaking kasama mo kanina? Boyfriend mo no?" Tanong ni Bea. Isa rin siya sa mga honors, pero malandi. May balak yata siyang agawin si Kaito sa AKIN!?

"Hindi ko siya boyfriend. Siya ang nag-bigay sa akin ng scholarship." Sagot ko. Nag-taas pa siya ng kilay, halatang hindi naniniwala. Bakit? Totoo naman diba, hindi ko boyfriend si Kaito dahil asawa ko siya. A-S-A-W-A.

[Cafeteria]
"Insan, parang sumasakit yung puson ko." Wika ko habang nakahawak sa aking puson.

"Paano yan sasakit? Eh mahilig ka sa ma-aasim, kaya yan sumakit." Sermon ni insan.

"Sumasakit yang puson mo dahil kung may buwan ng dalaw ka, kumakain ka ng ma-aasim!" Sigaw ni insan sabay hampas ng batok. Ang sakit ang paghampas ng batok ko ha.

"Insan, makabatok ka parang hindi ka kumakain ng ma-aasim ha."

"Hoy Athenna Rodriguez! Kumakain nga ako ng ma-aasim kung wala akong buwan ng dalaw at minsan lang."

"Anong pinag-uusapan niyo?" Sambit ni Cassie.

"Eto kasi, sumasakit ang puson." Sagot ni insan sa tanong ni Cassie.

"Ngayon ba yung buwan ng dalaw mo?" Tanong ni Cassie sabay subo ng tinapay.

"Hindi ko alam. Basta sumasakit yung puson ko."

"May dala kang napkin?" Mahinang tanong ni Cassie.

[Class hour]
"Psst! Athenna, okey ka lang?" Tanong ni Cassie habang naka-duko.

"Cassie ang sakit na talaga ng puson ko."

"Umuwi ka nalang. Namumutla kana, tapos ang mas malala wala kang baong napkin." Mahinang saad ni Cassie.

[Sa bahay]
"Bakit ang aga mong umuwi?" Agarang tanong ni Kaito sa akin. Halos mapatalon ako kay Kaito. Bakit ba siya nang-gugulat? Masakit na nga yung puson ko.

"Ahhh—"

"Bakit namumutla ka?" Kalmadong tanong neto.

"Masakit lang ang tiyan ko. Punta muna ako sa taas." Pagsisinungaling ko at agad umalis sa kinatatayuan ko. Pagkarating ko sa taas ay pumasok agad ako sa kwarto at nagbihis sa loob ng cr. Pagkahubad ko ng palda ko ay deretso akong nakatingin sa likorang bahagi ng palda ko.

Pula?

Dugo?

"Oh my gosh!!!" Sigaw ko. Nabitawan ko ang palda ko. Patay! Wala akong napkin dito.

"Athenna! Anong nangyayari diyan!?" Nagaalalang sigaw ni Kaito. Naramdaman ko na nasa loob na siya ng kwarto at akmang bubuksan ang pintuan ng cr.

"Wag mong buksan yung pintuan ng cr!" Sigaw ko.

"Okey ka lang? Bakit sumisigaw ka? Anong nangyari sayo?" Sunod-sunod na tanong ni Kaito.

"Basta wag mo lang buksan yung pintuan ng cr."

"Paano ko malalaman kung anong nangyari sayo kung hindi mo ko papasukin diyan." Wika ni Kaito sabay hawak ng door knob ng cr. Akmang bubuksan na niya ang pinto ng agad akong sumigaw.

"WAG KA NGA PUMASOK!" Sigaw ko.

"Ano bang nangyayari sayo!?" Pasigaw niyang tanong.

"Girly problem." Simpleng sagit ko.

"Sabihin mo nalang kung anong nangyari sayo diyan."

"Alam mo bilhan mo nalang ako—" Napatakip ako ng bunganga ko. Ayaw ko, nakakahiya.

"Ng ano?" Tanong ni Kaito.

Patay!

Kaito's POV [Grocery Store]

What the fuck! Sana nag-isip muna ako bago pumunta sa grocery store. Nakakahiya ang ginagawa ko. Pupunta ng grocery store para bumili ng napkin? The fuck. Naglakad ako papasok sa grocery store, lahat ng tao nagtitinginan sa akin. But the fuck i care, im here at the fucking grocery store para bumili ng napkin ni Athenna. Fuck this life. Fuck this world. Lumapit ako sa isang saleslady para mag-tanong. Nakakadiri sila. Parang ngayon lang nakakita ng gwapo.

"Excuse me, nasan ang—" shit! Hindi ko to kaya! Asking them kung nasaan yung mga napkins? Nakakahiya. Sa babae pa talaga? Kung sa salesman naman baka pagtawanan ako.

"Yes sir?" Tanong ng saleslady.

"Nothing." Sabay alis. Mas mabuti nalang kung ako mismo ang maghahanap kesa sa magtanong sa kanila. Paikot-ikot ako sa store. Nakita ko ang isang basket na walang laman at kinuha ko iyon. Ilang minutes rin ako nagpaikot-ikot dito at nakita ko kung nasaan ang hinahanap ko. Tinawagan ko si Athenna kung anong klaseng napkin ang ipapabili niya. Ang dami kasi.

"Athenna, a-ano ba y-yung p-pinabili m-mo?"

"Bakit utal-utal kang magsalita?"

"Just answer my damn fucking question!?"

"Eto naman oh. Napkin ang ipapabili ko sayo."

"What kind? Ang dami kasi dito."

"Basta napkin."

"Anong—"

Fuck! She end the call? Bwesit! Makikitawag nga kay ane.

"Ane."

"Bakit ka napatawag?"

"Bilhan mo si Athenna ng napkin."

"Hoy asawa mo siya kaya ikaw ang bumili!"

"ANE!"

Bullshits! Tinapos niya na ang tawag? Fuck! Eto na ang kahihiyan na ginawa ko sa buong buhay ko. Agad akong kumuha ng napkin na gagamitin ni Athenna. Ilan ba ang gagamitin niya? Bahala na. Basta maka-alis na ako dito, nagtitinginan na ang mga tao sa paligid ko. Nag-line na ako ng ilang saglit bago makarating sa cashier. Tumingin pa sa akin ang babaeng cashier at sinamaan ko rin siya ng tingin. Bwesit!

[Sa bahay]
"Eto na ang napkin mo!" Sabay hagis sa loob ng cr kung nasaan si Athenna.

"Bakit ang dami mong binili? Pwede naman na isang pack lang." Reklamo ni Athenna habang hinahaluglog ang laman ng plastic.

"Wag ka ngang umarte. Para sa susunod yung iba." Irita kong saad.

"Okey. Thank you sa limang plastic ng napkin na binili mo ha."

"Your fucking welcome."


#WTMBFIL

When The Mafia Boss Fall In Love (UNEDITED)Where stories live. Discover now