Chapter 33

2K 35 0
                                    

Chapter 33: Video

Athenna's POV
"Lady Athenna?" Tawag ni Nik.

"Athenna?"

"ATHANNA!" Bumalik agad ako sa tamang pag-iisip ko dahil sa sigaw ni Nika.

"Okey ka lang Lady Athenna?" Nag-aalalang tanong ni Nikki.

"Okey lang ako." Sabay ngiti.

"Parang hindi eh, kanina pa po kayo naka-tulala. Kung may problema kayo, nandito lang kaming apat para makinig lady Athenna." Saad ni Nikko.

"Lady Athenna. May something happened po ba kahapon habang wala kami dito?" Tanong ni Nikki. Agad pumula ang pisngi ko dahil sa tanong ni Nikki. May something happened? Ano bang klaseng tanong yan Nikki!

"May nagawa po ba si Kid sayo kahapon ng kababalaghan?" Tanong ni Nika. Pati ikaw Nika!?

"Ha?" Sabay tingin sa apat. "Anong kababalaghan ang sinasabi niyo?"

"Ano ba Nika at Nikki, hindi maintindihan ni lady Athenna kung anong tanong niyo kaya ito, ipapaintindi ko sayo lady Athenna… Did Kid fu—"

"ANO BA NIKKO!" Magkasabay na sigaw ni Nika at Nikki.

"Eto nalang!" Sambit ni Nik. "May nangyari sa inyo ni Kid kahapon?"

Napatitig lang ako kay Nik sa tanong niya. May nangyari? Agad pumasok sa utak ko ang nangyari kahapon. Yung sa living room. Yung sa sofa. Tumakbo ako papunta sa kwarto at nag-kulong dun. Alam ko nag-taka ang apat kung bakit ako tumakbo. Sa dami-dami ng itatanong bakit yung ganon pa, yung kahapon.

Napunta ang buong atensiyon ko sa USB na nakita ko sa kama. Nilapitan ko iyon at tinignan. May naka-sulat na 'Athenna Rodriguez' kaya kinuha ko ito. Na kita ko ang laptop ni Kaito, halatang naiwan niya. Binuksan ko ang laptop, buti nalang walang password. Nakita ko ang wallpaper ng laptop, picture ko nung baby pa ako. Paano ni Kaito nalaman na ako yan nung baby pa ako?

Sinaksak ko yung USB sa laptop at may nakita akong isang file. Binuksan ko iyon at nakita ko yung isang video. I open the video, tinignan ko kung ilang minutes. 10 minutes lang pala. Pagka-play ko ng video nakita ko si papa? Naka-upo siya sa upoan habang naka-tali ang mga kamay at paa neto at tinakpan ng panyo ang mga mata niya. Nakita ko rin ang mga dugo sa puting damit niya at rinig ko rin ang pag-iyak niya.

"Nasan si Kenta Yoshida?" Tanong ng isang lalaki na naka tuxedo at may hawak na baril.

"Walang hiya ka! Manang-manang ka sa tatay mong demonyo, Kaito!"

Totoo yung narinig ko? Kaito? Bakit may hawak siyang baril?

"Alam mo pala na demonyo ako bakit mo pa sinabi? You know what, mas demonyo pa ako sa demonyo."

Agad niyang tinaya ang baril niya kay papa at hinila niya ang gatilyo nito.

"Wag! Gusto ko pang makasama ang mga anak ko. Sasabihin ko na kung nasaan ni Kenta!… Kasama niya ang bago niyang pamilya. Hindi alam ng mga bata ang tungkol dito. Nagmamakaawa ako, gusto ko pang mabuhay sa mundong to kasama ang mga anak ko."

"Alam mo, i like your daughter. Her name is Athenna? Right?"

"WAG! Wag ang anak ko! 15 years old palang si Athenna, marami siyang parangap sa buhay. Bata pa siya!"

"I know she's too young on her age. You know na… What i want, what i get."

"Wag mong i-damay ang mga anak ko! Lalo na si Athenna! Ako nalang! Kung gusto mo ko patayin, gawin mo na!"

"Ohh, a fatherly love. Any last words to your children?"

"Athenna, Althea, Mathew, jus li—"

Napatulo ang mga luha ko, pinatay ni Kaito si papa? Paanong nangyari yun?

"Don't worry, aalagaan ko si Athenna. And she'll be my wife when she turn 20 years old."

Napunta ang atensiyon ko sa phone ko. Nakita ko kung sino ang tumatawag, ang nagbabanta sa akin.

"Hello?"

"So nakita mo na? Si Kaito ang pumatay sa tatay mo. His a mafia boss, pumapatay siya ng mayayamang tao para sa pera. Lahat ng mga pera niya galing sa mga negosianteng pinapatay niya. Hindi lang siya ang mafia sa kanilang pamilya, pati narin ang tatay niya, si Yato, si Kirito, at si Kairo. Lahat ng mga Shin ay mafias. Mga mafia sila, si Kaito ang boss nila, ang pumatay sa tatay mo. Tinapon niya ang bangkay ng tatay mo sa ilog. Naka-silid ito sa sako na may lamang mga bato… It's time to end this call and this is our last conversation. Kaito want to kill me."

Agad naputol ang kabilang linya. Marami akong gustong i-tanong sa kanya pero hindi ko magawa. Si Kaito ang pumatay kay papa? Paano nangyari yun? Lumabas ako sa kwarto ng wala sa isip. Nakita ko agad ang apat na naka-tingin sa akin.

"Lumabas kayong lahat."

"Bakit lady Athe—"

"ANG SABI KO, LABAS!" Sigaw ko.

Agad silang lumabas ng bahay at ni-lock ko ang pinto. Pumasok ulit ako sa kwarto at hinaloghug ang bawat sulok nito. Sa closet nakita ko ang maraming mga baril at iba't ibang patalim. Sa ilalim ng kama nakita ko ang dalawang samurai sword.

Pumasok rin ako sa office niya at hinalughog rin. Nakita ko rin ang mga iba't ibang baril, mga important files. Totoo nga, mafia boss si Kaito. Mapa-upo nalang ako sa isang sulok at umiyak ng umiyak. Yan nalang man ang magagawa ko. Ang umiyak.

Kaito's POV
Pagod akong lumabas sa sasakyan. Kakatapos lang namin patayin si Eri. Napahinto kaming apat sa paglalakad nang nakita naming ang apat naka-upo sa labas ng bahay.

"Bakit kayo nandito?" Tanong ni Yato.

"Pinalabas kami ni lady Athenna sa bahay." Sagot ni Nik.

Agad akong pumasok sa bahay at pumunta sa kwarto. Pagkabukas ko ng pinto bumalagta sa amin ang mga baril na nasa sahig at kama.

"Dude, alam na niya?" Mahinang tanong ni Kairo. Pumunta ako sa office at pagkabukas ko ng pinto nakita ko siya na naka-upo sa gilid habang umiiyak.

"Kid, nakita yata ni Athenna ang pag-patay mo sa tatay niya." Bulong ni Kirito. Nilapitan ko si Athenna pero napahinto rin ako. Hindi ko magalaw ang mga binti ko.

"Ikaw ang pumatay kay papa?" Tanong niya. Hindi ko siya sinagod at sinubokan kong maglakad papunta sa kaniya. Hahakbang na sana ako nang sumigaw si Athenna.

"IKAW BA ANG PUMATAY SA TATAY KO?!"


#WTMBFIL

When The Mafia Boss Fall In Love (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon