Chapter 35

2.1K 38 0
                                    

Chapter 35: Hana Shin

Athenna's POV [Japan]
Napagising ako dahil sa kapal ng damit na suot ko. Pagkadilat ko ng mga mata ko iba ang nakita ko. Parang lumang bahay tapos kakaiba. Napahawak ako sa dibdib dahil sa kabang naramdaman ko at dun ko lang nahalata na ang damit ko ay kimono.

(Kimono— a loose piece of clothing with wide sleeves that is traditionally worn on formal occasions in Japan)

"Nasan ako?"

Napatitig ako sa pintoan ng bumukas ito. Nakita ko ang isang batang babae. Ang cute niya, bagay sa kanya ang bangs niya.

"Watashino namae wa Ai desu." Saad niya sabay duko ng ulo.

(Watashino namae wa Ai desu = My name si Ai)

Ano daw? Hindi ko maintindihan! Saan kaya akong bansa ngayon? Hindi na to normal eh! Hindi ko talaga maintindihan. Napunta ang buong atensiyon ko sa lalaking pumasok sa kwarto. Sino pa ba, edi ang pumatay kay papa. Si Kaito Shin. May binulong si Kaito sa bata at agad din ito umalis. Pagkaalis ng bata sinara niya ang pinto at lumapit sa akin.

"How's your feeling?" Tanong niya.

"Okey sana kung hindi kita nakita." Bulong ko.

Napatitig lang si Kaito sa akin. Alam ko na narinig niya kung anong sinabi ko. Ngumiti siya lumapit sa akin.

"Bumangon kana diyan, may pagkain dun sa labas."

"Nasan ba ako?" Mataray kong tanong.

"Japan."

Napatayo ako sa sinabi niya. Japan? Sigurado siya? Nasa Japan ako?

"Hoy! Kai—"

Napatigil ako sa sinabi ko. Biglang nadulas ako dahil naapakan ko ang kumot. Pagka-tumba naming dalawa ay nahigaan ko siya. Nagkatitigan pa kaming dalawa. Akmang babangon na ako ng hinawakan niya ang bewang ko. Pakiramdam ko masunog na ang buong mukha ko sa subrang pula. Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Hahalikan na sana niya ako kaso lang……

"What the!" Napatingin kami kung sino ang sumigaw. Nakita ko sina Kairo, Kirirto, Yato, Violet, at yung bata kanina. Talagang tinakpan pa ni Kairo ang mata ng bata.

"Babalik nalang kami mayamaya." Wika ni Violet. Agad akong tumayo at hinawakan ang kanang kamay ni Violet.

"Mag-usap tayo." Bulong ko. Dinala ko si Violet sa sulok na kami lang dalawa ang makakarinig sa pag-uusapan namin.

"Ba—"

"Im sorry for what i did to you Athenna. Im really sorry." Paghingi ng kapatawaran ni Violet.

"Vi, bakit mo yu—"

"Hija, ika ba yung asawa ni Kid?"

Napatitig kami sa matandang nagsalita. Bakit ba agad sumusulpot si lola? Mahalaga tong itatanong ko.

"Opo lola. Asawa po siya ni Kid." Sagot ni Violet sa tanong ng matanda sabay akbay sa akin.

"Talaga!?" Masayang tanong neto. "Kailan lang kayo kinasal? Paano kayo nagkakilala ni Kid!?"

"Ahh lola kasi—"

"Obaasan, kailangan pa po ni Athenna magpahinga, buntis kasi." Pag-iiba ng usapan ni Violet. Anong buntis?!

(Obaasan = grandmother)

"ANO!?"

"Obaasan?" Sambit ni Kaito.

"Kid, mago(musuko) buntis pala ang asawa mo?" Masiglang tanong ng matanda kay Kaito.

(Mago(musuko) = grandson)

"Ahh opo la, buntis po si Athenna." Masiglang sagot ni Kaito sabay hawak sa bewang ko. Hinampas ko ang tiyan ni Kaito at napalayo siya sa akin ng isang hakbang. Nagkatitigan pa kami at tinaasan ko naman siya ng kilay.

"La, sorry kung ganon ang dalawa. Pinag-lilihan kasi ni Athenna si Kid. Sigurado ako na ang apo niyo sa tuhod kamukha ni Kid." Masiglang wika ni Kairo.

Nakakagigil kayo! At kailan pa ako naging buntis?! Hinawakan ng matanda ang kanang kamay ko at hinihimas ito. Ang lambot ng kamay niya.

"Ano ang pangalan mo, hija?" Tanong niya.

"Athenna, po." Magalang kong sagot.

"Ako naman si Ayako Shin, lola ako nila ni Kid… Tawagin mo nalang akong Obaasan." Napangiti ako ng kaunti sa kanya. Ano na kaya ang edad niya? Parang 80 plus palang siya eh. Na baling ang aming antensiyon nang may nagbukas ng pintoan. Pinuntahan iyon ni Obaasan at sumunod rin kami.

"Hana!" Sigaw ni Obaasan. Nakita ko ang isang magandang babae na kayakap ni obaasan.

"Hana, ipapakilala kita sa asawa ni Kid." Masiglang wika ni Obaasan sabay hila sa babae na ang pangalan ay Hana.

"Hana, ito si Athenna. Asawa siya ni Kid, at Athenna ito naman si Hana. Pinasan siya ni Kid, kaso lang nag-aral siya sa US kaya minsan lang namin makikita." Pagpapakilala ni Obaasan kay Hana. Inabot niya ang kamay ko na parang gusto niyang makipagkamay.

"Nice to meet you, Athenna." Wika ni Hana.

"Nice to meet you rin, Hana."

Akmang aabotin ko na sana ang kamay ni Hana ng hinila ako ni Kaito palayo sa kanila. Ano bang problema ng lalaking to? Nakikipagkilala ang tao, binabastos niya. Nakita ko na tumingin silang lahat kay Kaito. Nakita ko rin ang pagkadismaya ni Obaasan kay Kaito.

"KAITO!" Sigaw ko. Sabay hila ng kamay ko. "Wag ka ngang bastos!"

"Won't trust that girl." Seryosong wika ni Kaito.

"At sa tingin mo maniniwala pa ako?… Kaito, pinatay mo ang tatay ko. Hindi madali na ibalik ko pa sayo ang tiwala ko." Wika ko. Akmang aalis na ako nang hinawakan ni Kaito ang braso ko.

"KAI—"

"Kid."

Napatitig kaming dalawa kung sino ang nagsalita. Pagkakita namin kay Hana ay binitawan ni Kaito ang braso ko. Inabot ni Hana ang kanyang kamay kay Kaito na parang gusto niyang makipagkamay.

"Pwede ba tayong maging magkaibigan?" Tanong ni Hana sabay ngiti. Tinignan lang ni Kaito ang kamay ni Hana at kusang umalis. Naging malungkot ang mukha ni Hana dahil sa ginawa ni Kaito. Walang respeto!

"Im sorry sa manners na pinakita ni Kid sayo, Hana." Pagpapaumanhin ni Obaasan sabay alis. Tinignan ko si Hana, bakas parin sa mukha niya ang pagkalungkot. Umalis narin sa mga kinatatayoan nila si Kairo, Kirito, Yato, at Violet.

"Okey ka lang?" Tanong ko kay Hana.

"Yeah." Sagot ni Hana sabay alis. Tinignan ko lang si Hana hanggang maka-labas na siya ng bahay. Nagulat nang may naghila ng damit ko at nakita ko ang bata kanina. May inabot siyang sulat sa akin at agad umalis.

"Ano kaya ito?"

Hana's POV
"Bullshits!" Sigaw ko nang makapasok sa bahay. Umupo ako sa sahig para mag-relax.

"Bakit ba ang hirap kunin ang loob ni Kid?…… Damn it!"

Napunta ang atensiyon ko sa pintuan nang biglang bumukas ito. Nakita ko si Hikari na naka-warrior suit. Agad akong tumayo para isalubong ang magaling kong kapatid.

"Ohhh! Welcome back my fucking sister." Bati ko sabay ngiti. Tinignan niya lang ako ng masama at inilabas niya ang kanang kamay niya mula sa likoran neto na may hawak na samurai sword.

"Wanna kill me?"


#WTMBFIL

When The Mafia Boss Fall In Love (UNEDITED)Onde histórias criam vida. Descubra agora