Chapter 36

2.1K 41 0
                                    

Chapter 36: A Kiss Under The Snow

Athenna's POV [Kinabukasan]
"HA!" Sigaw ko nang nakita ko ang bata. Naka-upo siya sa gilid. Ano kaya ang ginagawa niya?

"Handa na po ang agahan." Saad niya sabay tayo. Agad akong tumayo at hinawakan ang kamay niya.

"Anong pangalan mo?" Tanong ko.

"Ai Shin, anak ni Yato Shin at ni Isabella Shin," sagot niya. Totoo!!! Si kuya Yato may anak at asawa na!? May mag-ina na!? May pamilya na!? "Italian po ang nanay ko."

"Nasan siya ngayon?" Tanong ko.

"Nasa Italy. Siya ang nagmamahala ng company ni lolo sa Italy... Ang pagkakaalam ko pupunta siya dito sa Ja—"

"AI!" Napatitig ako sa pintoan nang may sumigaw ng pangalan ni Ai. Halatang babae dahil sa boses neto.

"Baby Ai!!! Your mom is here!"

Agad naging masaya ang mukha ni Ai sa narinig niya. Nandito ang nanay ni Ai? So makilala ko siya ngayon!?

"Oba! Ipapakilala kita kay Okaasan!" Saad ni Ai sabay hila sa akin.

(Oba = aunt)

Pagkarating namin sa sala, nakita ko ang isang babae na niyayakap si kuya Yato. Baka siya na ang nanay ni Ai. Kumalas sa pagkahawak ng kamay ko si Ai at sinalubong ng mahigpit na yakap ang babaeng kayakap ni kuya Yato kanina.

"I miss you, baby girl." Saad niya sabay halik sa pisngi ni Ai. Napatigil lang siya sa pag-yakap kay Ai nang nag-tama ang aming mga mata. Wow! Ang ganda niya! Lalo na ang kulay ng mata niya, at ang buhok niya... Halatang malambot.

"Ikaw ba yung asawa ni Kid?" Tanong niya sabay ngiti.

"Kilala ba ako dito na asawa ako ni Kaito?"

"Ahh o—"

Napatigil ako sa pagsasalita ko nang bigla niyang akong niyakap. Ang bango ng perfume niya.

"Nice to meet you.... Im Isabella." Sabay hawak ng kamay ko.

"Nice to meet you too, Isabella. Im Athenna." Sabay ngiti. Gosh! Ang lambot ng kamay niya.

"Girls! Kain muna tayo!" Sambit ni kuya Kirito. Pumunta na kaming lahat sa hapagkainan at umupo. Actually hindi sila gumagamit ng upoan dito. Naka-upo lang sila sa sahig. Nag-dasal muna kami bago kumain. Napatigilan ako sa pag-kuha ng pag-kain nang nahalata kong wala si Kaito at Kairo dito.

"Nasan si Kaito?" Tanong ko sa kanilang lahat. Napatigilan sila sa kani-kanilang ginagawa at muntikan nang mabulunan si Violet. Nilunok muna ni kuya Yato ang kinakain niya bago nag-salita.

"Nag-aalala ang asawa." Mahinang saad ni kuya Yato.

"ANO!?" Mataray kong tanong.

"Don't worry about him, Athenna. May pinuntahan lang si Kaito kasama si Kairo... Kahit anong mangyari uuwi yun. Alam mo naman na masamang damo yan si Kaito, hindi napapatay." Wika ni Violet.

"Ang pagkakaalam ko si Athenna lang ang makakapatay sa tulad ni Kid?" Tanong ninKuya Kirito sabay tawa.

"Tita Violet, tito Kirito. Tita Athenna is tito Kid's wife, kaya may pakealam siya kung anong nangyayari sa asawa niya." Sambit ni Ai. Ang bata-bata pa ni Ai pero kung makapagsalita paminsan talo niya pa ang 15 anyos pataas.

Nagtatanong lang ang tao, kung ano na agad ang iniisip. Hindi kaya ako nag-aalala kay Kaito! Tapos pati si Ai sumali na sa usapang matanda.

"Athenna!" Tawag ni Isabella. "May balak kami ni Yato na mag-libot dito, sasama ka?"

[Sa labas]
"Teka! Kamag-anak niyo lahat nakatira dito!?" Gulat kong tanong.

"Oo. Ang sabi nila ang lolo naming general ang bumili ng lupaing ito, para matayoan ng bahay ng mga Shin.... Ang pagkakaalam ko tinayo ito  nung buhay pa ang mga empire nayan." Sagot ni kuya Yato. Nagpatuloy lang kami sa paglilibot sa paligid. Kitang-kita ang mga malumang design. Pati nga ang pananamit makaluma.

"So… Ang mga tao dito gumagamit ng technology?" Tanong ko.

"Kung needed. Tulad ng ilaw." Sagot niya. Napatigil ako sa paglalakad nang nag-tama ang mga mata namin ni Kaito. Ang pagkakaalam ko may pinuntahan siya kasama si Kairo.

"Ummm, dun lang kami sa playground ha." Wika ni Isabella sabay hila kay Ai papunta sa playground.

Hindi ko napansin ang sinabi ni Isabella at bumalik ang ako sa tamang pag-iisip nang hinalikan ako ni Kaito sa labi. Pakiramdam ko naging ice ang buong katawan ko dahil hindi ko magalaw ang buong katawan ko. Tinitignan ko lang siya sa kanyang mga mata. Blangko ang kanyang isisp.

"Just a few hours na hindi kita nakita, i already miss you. Tsuma." Husky niyang saad.

(Tsuma = wife)

Agad ko siya sinampal at halatang nagulat siya. Napahawak siya sa pisngi niya kung saan ko siya sinampal. Sobra na yata ang pagiging pervert ni Kaito, pati sa public place hahalikan ako!

"B-bakit mo yun ginawa!?" Pasigaw kong tanong. Narinig ko pa ang pagtawa niya bago nagsalita.

"I miss you." Paglalambimg ni Kaito sabay wink. Tinignan ko lang siya ng ilang saglit at umalis sa harapan niya. Ngayon ko lang nahalata na maraming tao pala ang nakatingin sa amin at nag-bubulongan.

"Athenna." Tawag ni Kaito.

"Tsuma!"

(Tsuma = wife) 

"Wife!"

Sige, magsigaw ka lang wala akong pake sayo.Tumignin ako sa paligid ko at lahat sila ay naka-tingin sa akin at nagbubulongan. Halos lahat sila ang sama ng tingin sa akin. Ano naman kaya ang maging malaking dahilan kung bakit sila ganun makatingin sa akin? Pinag-patuloy ko lang ang paglalakad ko. Bahala ka diyan Kaito Shin!

"Athenna Rodriguez-Shin!"

Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinigaw ni Kaito. Ano yun? Athenna Rodriguez-Shin!? Kailan pa ako naging Shin? Naging Shn lang ako dahil sa contract na pinapirma ni Kairo sa akin.

"Im sorry!"

Lahat ng mga tao sa paligid ko ay nagulat sa sinabi ni Kaito. Baka ngayon lang nila narinig si Kaito na mag-sorry. Naririnig ko pa mismo ang chismis nila. Nakakainis!

"So siya pala ang asawa ni Master Kaito?"

"Kung ako ang asawa ni Master Kaito, hindi ko gagawin to."

"Ang landi niya."

Mga bwesit to ha! Ako pa ang malandi? Ako pa ang may kasalanan? Hoy mga chismosa si Kaito ang may kasalanan dahil siya ang pumatay sa tatay ko!

"Im not a perfect husband to you, but im willing to change for you. Even the most evil person in this world, willing to change for his love ones."

Pakiramdam ko ang daming nakatali sa buong katawan ko dahil kahit isang hakbang hindi ko magawa. Narinig ko pa ang paghakbang niya papunta sa akin. Nakatayo siya sa harapan ko habang ako naka-yuko lang ang ulo ko.... He hold my chin and gently kiss my lips. Lahat ng tao sa paligid napa takip labi sila sa nakita nila. Pakiramdam ko may malamig na hangin na dumaan at nakita ko ang mga puting bilog na galing sa langit.

Snow?


#WTMBFIL

When The Mafia Boss Fall In Love (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon