Chapter 1

6.3K 127 0
                                    

Chapter 1: Principal's Office

Athenna's POV [Present Day]
"ATHENNA RODRIGUEZ! GISING NA!" Sigaw ng maingay kong pinsan. Walang magawa sa sarili kundi magingay. Ganyan talaga siya.

"Bababa na!" Tamad kong sigaw.

Nakakainis tong si insan. Ang ingay. Nadedestorbo ang beauty sleep ko. Bago nga pala na mabatukan ko si insan, ako nga pala si Athenna Rodriguez. Simpleng tao lang, na naninirahan sa puder ng malupit kung kuya. Joke lang, hindi siya malupit, protective lang siya. Gra-graduate na ako this year, at pagkatapos nun si bunso nalang ang proproblemahin ni kuya.

Bumangon na ako sa kinahihigaan ko at niligpit ito. Pagkatapos kong ligpitin ang higaan ko ay ginawa ko na sng mga morning rituals ko. Pagkatapos ng mga morning rituals ko ay bumaba na ako at kumain na nang agahan.

"Ano ka ba Athenna, ang tanda mo na ang bagal-bagal mong magkilos." Bulyaw ni kuya.

"Kuya matatawag lang akong matanda kung may puting buhok na ako sa ulo ko tulad mo." Biro ko. Napatawa naman sina insan at si bunso sa sinabi ko kay kuya, pero bakas sa mukha ni kuya ang pagkagalit. Bakit hindi niya nalang aminin na matanda na siya. Kitang kita ko nga ang puting buhok niya eh. Akmang babatokan na ako ni kuya ng lang dumating na ang school bus kaya hindi na niya natuloy.

"Ayan na yung school bus!" Sigaw ni bunso.

Pagkalabas ni bunso sumunod narin kami ni insan. Baka kasi mabatukan pa ako ni kuya, masisira pa ang araw ko. Pagkapasok namin sa school bus, kami palang ang nakasakay. Siyempre dahil medyo mahirap lang kami at mayaman sng mga schoolmate namin, kami nalang ang nagtitiis dito sa school bus para maka-save pa kami ng pera.

Umalis na agad ang school bus at sinundo pa ang iba naming kaklase. Lahat ng sumasakay sa school bus na to puro may kaya lang, may mga sariling sasakyan rin ang mga mayayaman eh. Pagkadating namin sa school pinagtitignan kami ng mga malalandi naming schoolmate. Makatitig sila sa amin parang ang dumi na namin.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakd. Naghiwalay na kami ng way dahil iba sng section ni insan at iba rin sng grade level ni bunso. Pagkadating ko sa classroom, ang mga mata nila parang matangal na sa pandidiri sa akin. Umupo nalang ako sa upuan ko at tahimik lang diyan.

Ilang saglit lang dumating na ang maganda, mayaman, at sexy namin adviser. Si Miss Yuka Shin. Take note, single pa siya. Nagsisitayuan kaming lahat sa pagdating niya at binati siya ng good morning. Sng mga boys sa unahan, nakasunod ang mga mata nila kay Miss Shin.

"Okey class, hindi muna ako magle-lecture ngayong araw kaya kakausapin ko lanang kayong lahat about sa mga projects niyo." Wika ni Miss Shin.

"Miss Athenna!" Tawag sa akin ni Miss Shin.

"Bakit po ma'am?" Mahinahong tanong ko sabay punta sa harapan ng table ni Miss Shin.

"Miss Athenna ang grades mo sa math, ang bababa." May halong lunkot na wika ni Miss Shin.

"Ma'am im sorry po kung mababa ang grades ko sa math. Eh hindi ko po kaya ang ibang problems diyan eh." Paghihingi ko ng paumanhin. Kung ang iba ay minamahal ang math, well ako naman ay kinamumuhian ko yun.

"I know Athenna. Mataas ang grades mo sa ibang subject pero sa math ka lang bumaba. Dahil sa pagkababa ng grade mo sa math ay natangal ka sa top 10 at may posibility na mawalan ka ng scholarship." Desmayadong wika ni Miss Shin.

"Ma'am kahit alam nila na hindi ako magaling sa math?" Tanong ko.

"Oo. Ang nagsusuporta sa pagaaral mo nagdadalawang isip nalang kung bibigyan niya ka pa ng scholarship." Wika ni Miss Shin.

"Ma'am, hindi po pwede na mawala ang scholarship ko."

"Then, pass the examination sa math."

"Paano kung hindi?" Tanong ko.

"Matatangalan ka ng scholarship."

Napasimangot nalang ako sa sinabi ni ma'am. Matatangalan ako ng scholarship kung hindi ko ma-pass ang math? Subra naman yun ha? At kung mawawalan nga ako ng scholarship si kuya mismo ang haharapin ko. Hindi pa ako handa sa mga sermon niya.

[Lunch break]
"Ano!? Matatangalan ka ng scholarship kung hindi mo ma-pass ang exam sa math!?" Gulat na tanong ni insan.

"Oo. Ayaw kong matangalan ng scholarship. Ayaw kong mahirapan si kuya kahit na matanda na yun." Pagbibiro ko. Kahit medyo depress ako ngayon, kailangan ko parin ng jokes.

"Ikaw ate kahit na may problema tayo sa scholarship mo kaya mo pang magbiro." Wika ni bunso.

"Al, tama naman diba?"

"Tama na yan. Nilalamig na ang pagkain." Pag-iiba ng usapan ni insan. Akmang isusubo ko na namin ang pagkain ng dumating ang maldita dito sa school. Si Kristel Quezon.

"Ohh ano ang narinig ko kanina? Mawawalan ng scholarship si Athenna." Panimula ni Kristel.

"Hoy! Bitch! Ano bang problema mo ha!?" Mataray na tanong ni insan sabay tayo at tinignan ng masama si Kristel. Kung nakakamatay ang tingin, siguro ako na nasa sementeryo na ito ngayon.

"Bakit? Affected ka sa narinig mo!?" Wika ni Kristel sabay tulak kay insan.

"Hoy wag mo ngang itulak yung pinsan ko!" Sigaw ni bunso sabay tayo.

"Isa ka pang bata ka!" Tinulak ni Kristel si bunso at natumba ito. Nagkaroon siya ng maliit na sugat sa kamay niya na ikinagagalit ko.

"Hoy Kristel! Wag ang kapatid ko!" Dahil sa galit ko ay sinabunutan ko na siya, ganun din sila ni insan at bunso. Tatlo laban sa tatlo? Patas lang yan. Wala akong pakealam kung ang nanay niya ang nagsusuporta sa pag-aaral ko. Kung tungkol sa kapatid ko marahas ako.

Dahil inis na inis na ako sa pagmumukha niya ay tinapon ko ang kape na iniinum ni insan at sinampal ko rin sa kanya ang spaghetti na kinakain ko. Ang mga schoolmate ko ay naghihiyawan lang. Todo ang suporta nila kay Kristel. Kalaunan ay dumating si Mrs Principal na may kasamang mga guard.

"MAGSITITIGIL KAYO!" Sigaw ni Mrs Principal. Dahil sa takot ay nagtitigil sila maliban lang sa amin ni Kristel na hindi parin tumitigil. Hinampas na ni Mrs Principal ang mesa pero patuloy parin kami hanggang sa ang mga guards na ang pumigil sa amin ni Kristel.

[Principals Office]
"Mrs Quezon, ang anak niyo po at si Athenna ay nagaaway." Panimula ni Mrs Principal. Nasa principals office kami ngayon at eto ang nanay ni Kristel para suportahan siya.

"Mrs Principal, si Athenna po ang nanguna." Turo sa akin ni Kristel. Sarap kagatin ang hintuturo niya.

"Mrs Principal, tinulak niya si insan at ang bunso kong kapatid. Pinagtatangol ko lang sila." Pagdedepensa ko.

"Pinagtatangol mo. Pero sinampal mo si Kristel ng spaghetti at tinapunan mo pa siya ng kape." Wika ni Mrs Principal. Parang ako ang may kasalanan dito ha? Ano to? Kampihan?

"Pero Mrs-"

"That's enough!" Sigaw ni Mrs Principal.

"Mrs Principal para malaman niyo po. Tatangalan ko na nang scholarship si Athenna." Wika ni Mrs Quezon. Natigilan ako sa narinig ko. Ako? Tatangalan na ako nang scholarship? Seryoso siya? Dahil nag-away lang kami ng malandi niyang anak tatanggalan na niya ako ng scholarship?


#WTMBFIL

When The Mafia Boss Fall In Love (UNEDITED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant