Chapter 3

4.6K 102 0
                                    

Chapter 3: Shin Corporation

Athenna's POV
Sesante...

Sesante...

Sesante...

Halos sesante lang ang naririnig ko sa mga bunganga nila. Magpasalamat pa nga sila hindi sila sinesante ng boss nila.

"Excuse me lang po miss, bakit po puro sesante ang pinaguusapan nila?" Tanong ko sa babaeng nag-assist sa amin.

"This day, maraming tinangalan ng trabaho si boss dahil sa konteng kapalpakan. Late ka lang ng one second sesante kana." Sagot ni miss. Wow, ang higpit ng boss nila, one second lang sesante agad.

"Eh pano kung ang sinesante niya may malaking kailangan?" Tanong ako.

"Hindi na yun kasalanan ni boss, kasalanan na yun nila dahil ang tanga nila," wow grabe naman to si miss assist, pati ang nag-uusapang employee tumahimik na rin. "Were here." Dagag niya.

Lumabas na kami sa elevator at ang mga employee abala sa ginagawa nila. Habang naglalakad kami narinig ko pa ang iyak ng isang babae.

"Wala na talagang pakealam si boss kung anong mangyayari sa pamilya ko." Sabi ng isang babae habang umiiyak.

"Hobby na siguro ni boss ang pagsesante." Saad ng isang employee.

"Dito lang muna kayo uupo, dadating mayamay si Lady Yuka." Sabi ni miss assist sabay alis. Pagkaupo namin sa sofa, wow ang lambot.

"Ate ang lambot ng sofa nila. Ang sofa natin ang tigas." Wika ni bunso.

"Malamang Althea, eh walang kutchon ang atin eh dahil kahoy at kawayan yun. Magisip ka nga." Bulyaw insan.

"Pfft. Eto talaga si insan hindi mabiro." Wika ni bunso habang bahagyang natatawa.

Tumitingin lang ako sa paligid habang nakaupo. Ang iba umiiyak, nagtratrabaho, at nagtutulog. Ilang saglit lang may nagbulyaw na naman tungkol sa boss nila.

"Mala na talaga ang sakit ni boss. Walang araw na hindi siya maka-sesante. Gwapo sana pero sobra pa sa demonyo ang ugali. Akala mo kung sinong gwapo." Satsat ng isang employee. Pero napatunga-nga nalang silang lahat na nasa unahan na nila ang isang lalaki na naka black tuxedo.

"Umm Mariel, s-sir nasa likod mo." Sabi ng isa pang employee.

Pagkatalikod ang babaeng nangangalang Mariel ay napaatras nalang ito sa gulat at dinuko ang ulo niya dahil sa kahihiyan.

"Your Mariel, right?" Tanong ng lalaking naka-black tuxedo.

"Y-yes sir." Mahinahong sagot ni Mariel.

"Your fired!" Sigaw nito. Napatingin naman si girl sa lalaking naka-black tuxedo, at hindi makapaniwala sa narinig niya.

"Sir please give me another chance." Pagmamakaawa ni girl. Naglakad lang siya papasok sa office niya, hindi niya lang pinanasin ang babae na napaupo sa iyak.

"Siya ang boss?" Tanong ni bunso.

"Malamang! May employee bang nagsesesante ng kapwa niya employee?" Pamimilosopo ni insan.

"Ang lupit niya." Magkasabay naming saad.

Third Person Point Of View
Tumatakbo ngayon ang isang employee na binigyan niya ng gawain na maghanap ng mayayamang babae sa bansa para gawing asawa.

"Sir, eto na po ang pinagagawa niyo." Sabi ng employee sabay bigay ng files. Ang boss niya ay busy sa pagbabasa ng mga papers na hinahawakan niya.

"You know what time is it?" Tanong nito habang nasa papers ang atensiyon niya.

"10:5 in the morning, sir." Sagot nito.

"At anong oras na nandito ka na dapat?" Muling tanong nito.

"10 am po sir." Muling sagot ng employee.

"Your fired!" Saad nito.

"But sir—"

"Late ka nang 5 minutes. At alam mo na ayaw ko na may ma-late. Kaya andun ang malaking pinto para sayo." Sabay turo sa pinto.

Pagkatapos ay malungkot na lumabas ang employee sa office ng kanyang boss. Pagkalabas ng employee ay kinuha niya ang folder na may lamang iba't ibang profile ng magaganda at mayayamang babae. But just a few minutes ago ay tinapon lang man niya sa lalagyan ng basura.

"I hate this fucking life." Pagmumura neto sa sarili niya.

He's 25-year-old guy at naghahanap ng mapapangasawa for his successor to the company. Paano siya makahanap ng mapapangasawa kung tinatapon lang man niya ito sa basurahan na kahit kaunting tingin ay hindi magawa. By the way his name is Kaito Shin. The owner of Shin's Corporation. The young brother of Yuka Shin. And the powerful sa kanilang lima.

Yuka's POV
Papunta ako ngayon sa kanila ni Athenna. Sabi sa akin ng babaeng nag-assist sa kanila nasa waiting area silang tatlo. So kasama niya pala ang pinsan at kapatid niya. May inutusan akong isa sa mga employee ni Kaito na pumunta siya sa conference room.

Pagkadating ko sa waiting area nakita ko silang tatlo na naka-upo sa sofa. Si Althea naman sinandal niya ang ulo nila sa balikat ni Athenna at si Jacklyn naman mahinahong nakaupo lang.

"Sorry im late." Sabi ko sa kanilang tatlo.

"Okey lang po yun Miss Yuka." Sabi ni Althea sabay tayo.

"Dun natin pag-uusapan sa conference room ang tungkol sa marriage at scholarship mo Athenna." Wika ko.

Nagsimula na kaming lumakad papunta sa conference room. Pagkadating namin dun nakita ko agad si Kaito na naka-upo na. Seryoso niya akong tinignan na blangko ang expresiyon. Oh my brother.

"What all about this, ane?" Seryosong tanong niya.

(Ane = elder sister)

"Lets talk about the contract and the scholarship of Miss Athenna, otouto." Magalang na sagot ko.

(Otouto = younger brother)

Umupo na kaming apat sa upoan at sinimulan nang pagusapan ang tungko sa scholarship at contract nila ni Athenna.

"Are you fucking joking, ane?" Pagmumura niya.

"No. Im serious Kaito, you want to marry Athenna and give her a scholarship to finish her collage." Wika ko habang seryosong nakatingin sa kaniya.

"Paano kung ayaw ko?" Tanong ni Kaito.

"Gwapo sana pero ang sungit lang man."

"Anhin mo man Athenna ang kasing gwapo niya kung tratohin ka niyang yaya?"

"Ate, diba siya ang lalaking nagsesesante?"

"Athenna, wag kang papayag diyan, mukhang addict."

"Ang ka-gwapohan niya lang ang hinding halata na addict."

"Ate, baka drug lord siya. Kaya wag kang papayag. For the safety sa ating lahat."

Napatawa nalang ako sa sinabi ni Jacklyn at Althea. Si Kaito? Mukhang addict? Nakakatawa yun ha. Sa lahat ng mga sermon na narinig ko tungkul kay Kaito ang pinaka-nakakatawa ay ang sinabi ni Jacklyn na mukhang addict.

"Why are you laughing?" Seryosong tanong ni Kaito.

"No. Lets back to the marriage contract. I have here the contract and i saw, you and Athenna were already married." Magisla kong saad.

"ANO!?" Magkasabay nilang tanong maliban lang sa akin na pinipigilan ang pagtawa dahil sa sinabi ni Jacklyn. 'Mukhang addict'.


#WTMBFIL

When The Mafia Boss Fall In Love (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon