Chapter 9

3.5K 80 2
                                    

Chapter 9: Cake

Athenna's POV
"Athenna? Why your here?" Nagtatakang tanong ni Kaito.

"Umm. Wala lang. Bigla lang ako nagising," sagot ko. "Teka bakit ka umiinum?"

"Hindi ako makatulog. Go to sleep now."

"Hindi na ako makatulog," wika ko. Pinuntahan ko siya at umupo sa gilid niya habang hawak ang isang baso ng alak. "Masama yan."

"Just go to sleep. May pasok ka bukas." Wika ni Kaito. Akmang iinumin na niya ang laman ng baso ng hinawakan ko ang kaniyang braso at napatingin naman siya sa akin.

"Hindi ako matutulog kung iinum ka diyan." Tinignan niya lang ako habang hinahawakan ko ang braso niya.

"Go to sleep!" Sigaw ni Kaito na may halong iritasyo sa mukha.

"No! Masama ang alak sa katawan mo Kaito, please sto—"

Pinutol niya ang pagsasalita ko nang bigla niya akong halikan? Pangalawa na to! Binitawan niya ang baso at pinagpatuloy lang ang paghalik sa akin. What a good kisser! He cut our kiss and he whisper on my ear na hindi ko maintindihan.

"Watashi wa anata wo ashitemasu."

Sinandal niya agad ang ulo niya sa balikat ko at niyakap ng mahigpit. Anong nangyayari kay Kaito? Sigurado ako na walang love poison ang niluto ko sa kaniya.

"Matulog na tayo." Mahinang saad niya.

[In the morning]
Pagkagising ko tulog pa si Kaito. Nilapitan ko siya at tinignan ang maamong mukha niya. Nadagdagan ang ka-gwapohan niya tuloy, pero amoy alak siya. Ginawa ko na ang mga morning rituals ko bago pa ako pumunta sa kusina. Nagisip-isip pa ako kung anong magandang agahan. Ummm. Ano kaya?

Binuksan ko ang refrigerator at nakita ko na may mga gulay at manok pala dito. Ang mga gulay at manok nalang ang lulutuin ko. Sana kumakain siya ng gulay. Ilang saglit lang nakita ko si Kaito na bumaba sa hagdanan. Bakit hindi pa siya nakabihis?

"Anong lulutuin mo?" Tanong niya. Kahit good morning, wala? Well, ano naman ang aasahan ko sa greetings niya?

"Tinolang manok," sagot ko. "Bakit hindi ka pa nakabihis? Hindi ka ba papasok?"

"Mamaya nalang ako papasok. Tulongan na kita diyan." Wika ni Kaito. Marunong siya magluto? Tinulongan niya akong magluto. Siya ang naghiwa ng manok at naglinis neto, habang ako naman ang naghihiwa ng mga sangkap. Pero…

"Aray!" Sigaw ko nang nasugatan ako ng kutsiyo ang hintuturo ko.

"Ano ba Athenna! Magingat ka naman!" Sigaw ni Kaito. Pssh! Ang liit ng sugat. "Gagamotin ko na yan."

"Uy. Wag na, maiit lang man to eh." 

"Oo maliit yang sugat mo, pero pano kung magkainspeksyon yan?" Tanong ni Kaito. Hindi na ako nakapagsalita sa sinabi niya. Nagaalala siya? Hinawakan niya ang kamay ko at nilinisan niya eto ng tubig. Kinuha niya ang first aid kit sa taas at ginamot na ito.

"Ako nalang ang magluluto." 

"Teka lang! Marunong ka magluto ng tinola na manok?"

"Umupo ka nalang sa living room, review your test or whatever." Sabay paupo sa akin sa living room. Umupo nalang ako sa leaving room while waiting his cook. Marunong siya magluto? Hindi halata.

[A minutes later]
Umupo na ako sa hapagkainan nang naluto na ni Kaito ang tinolang manok. Sasapakin ko siya kung hindi masarap ang pagkaluto.

"Before you judge me, taste it." Wika ni Kaito. Maka-english wagas. Tinikman ko na ang tinola. Actually…

"Uy Kaito. Ang sarap!" Masiglang wika ko. "Magaling ka pala magluto."

"Kainin mo nalang yan, ma-late ka pa sa school mo."

"Hai!" Wika ko. Uyy! Yan ang first Japanese language na natutunan ko.

(Hai = yes)

"Marunong ka mag-Japanese?" Nagtatakang tanong niya.

"Yep. At ano naman ang problema kung matuto ako mag-Japanese?" Tanong ko. Napatunganga lang siya sa sinabi ko. Bakit? Ayaw niya ba na matuto ako mag-Japanese?

"Just finish your food, susonduin ka ni ane." 

(Ane = elder sister)

Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko. Ano ba ang problema ni Kaito kung matuto ako mag-Japanese. Isa palang ang na tutnan ko. Pagkatapos kong kumain ay nilinisan ko ang plato na ginamit ko. Kalaunan ay nakita ko si Miss Yuka at si Kairo.

"Kaito, kinain mo ba ang cake kahapon?" Tanong ko.

"Si Kairo ang kumain." Deretsong sagot niya.

"Huh? Ako? Kakaratin ko lang ha." Nagtatakang wika ni Kairo.

"Kahapon diba." Wika ni Kaito. Nagkatinginan pa silang dalawa ng ilang segundo bago makasagot si Kairo.

"Ahhh! Oo naubos ko ang cake. Ang sarap kasi, bake ka ulit ha." Wika ni Kairo sabay hawak sa kaniyang tiyan.

"Tama na yan ang paguusap niyo. Alis na kami ni Athenna, baka ma-late pa kami." Sambit ni Miss Yuka. Hinila agad ako ni Miss Yuka palabas ng bahay.

"Uyyy. Sandali ane, may nakalimutan si Kaito." Pagpipigil ni Kairo sa amin ni Miss Yuka sabay tingin kay Kaito.

"Ano?" Tanong ni Miss Yuka.

"Kaito, ang goodbye kiss ni Athenna galing sayo nakalimutan." Pilyong sagot ni Kairo. Tinignan ni Kaito si Kairo ng masama at umiwas rin si Kairo.

"Alis na nga kami."

Kaito's POV
"Ano yung cake? Hindi ako nakakain ng cake kahapon no!" Reklamo ni Kairo.

"May angal ka?" Walang emosiyon kong tanong.

"Wala no! Hindi ka talaga ma-joke Kaito. Nakita ko pala si Natsumi kanina." Pagdedepensa ni Kairo sabay taas ng dalawang kamay.

"Then what?"

"Delekado kung makita niya si Athenna. Paano kung malaman niya na asawa mo si Athenna? Paano kung sasabihin niya sa kalaban ang tungkol kay Athenna?" Sunudsunod na tanong ni Kairo.

"Kill Natsumi. Just a pice of cake." 

"Kasama niya ang isa sa mga member ng Yoshida I think ginagamit niya ang past relationship niyo para maging kahinaan mo."

"Pagkarating mo sa base sabihan mo si Kai na bantayan si Natsumi." Seryosong utos ko kay Kairo.

"Yes boss!"

Pumunta ako sa kusina. Binuksan ang refrigerator at nakita ko ang cupcake na binake sa'kin ni Athenna. Kinuha ko ito at akmang kakainin ng sumambit si Kairo. Sarap saksakin, kumakain ang tao tapos siya satsat ng satsat.

"Uy Kaito. Nakakain kana kahapon ng cupcake, akin lang yan." Sambit ni Kairo sabay lapit sa akin.

"Ayaw ko nga! Mag-bake ka kung gusto mong kumain!" Wika ko sabay layo sa kaniya.

"Eto naman oh, kahit icing lang." Pagmamakaawa ni Kairo. Nadagdagan lang ang inis ko dahil sa mga mata niyang nagbli-blink.

"Bumili ka!" Sigaw ko.

"Anong nangyayari dito?" Tanong ni Kirito.

"Uy cupcake. Akin lang yan, hindi ka man kumakain ng cupcake." Sambit ni Yato at akmang kukunin ang cupcake sa akin.

"Bumili kayo!" Sigaw ko sa kanilang tatlo. Akmang kukunin nila ang cupcake na hawak ko kaya agad ko itong sinubo ng buo.

"Uyy! Ano ba yan sinubo ni Kaito ang cupcake. Hulihin siya!" Sigaw ni Kairo. Isip bata! Tumakbo sila papunta sa akin at tumakbo narin ako palayo sa tatlo. Mga gago! Ang liit ng cupcake, pagaagawan pa. Paikot-ikot kami ngayong tatlo sa living room. Mga gago talaga, ubos na kaya ang cupcake sa bunganga ko.


#WTMBFIL

When The Mafia Boss Fall In Love (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon