Chapter 41

2.2K 37 0
                                    

Chapter 41: Kidnap

Kaito's POV
Napagising ako sa sinag ng araw. Umaga na pala. Lumingon ako sa gilid ko at…

"Athenna?"

Nasan si Athenna? Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kusina. Nagluluto lang pala siya. Tinignan ko lang siya ng ilang saglit at bumalik rin sa kwarto para magbihis. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako sa kwarto. Pagkarating ko sa sala ay inihanda na ni Athenna ang agahan. Nagkasalubongan ang aming mga mata. Agad niyang iniba ang kaniyang tingin.

"Ah... Pinaghandaan na kita ng agahan. Nauna na akong kumain, at niyaya pala ako ni Hikari maglibot sa cherry blossom park." Saad niyang naka-tingin sa ibang dereksyon.

"Okey, mag-ingat kayo. At anong oras pala kayo makakauwi?"

"Baka, mamayang tanghalian."

Umupo na ako at kumuha ng pagkain. Tinignan ko lang si Athenna, hanggang ngayon naka-tingin parin si sa ibang dereksyon.

"Alis na ako Kaito, nasa labas na si Hikari." Agad siyang umalis ng bahay. Bago pa siya makalabas ng gate ay sinundan ko agad siya. I grab her hand and kiss her lips. Napatulala lang siya ng ilang saglit. She's blushing.

Pagkatapos ng paghahalikan namin ay lumakad siyang parang robot. Nakakatawa siya. Umalis agad sila ni Hikari papunta sa dereksyon kung nasaan ang cherry blossom park dito. Pumasok agad ako sa bahay at ni-lock ito. Kinuha ko ang phone ko at akmang tatawagin si Kairo kung anong nangyari sa kanila ni Jacklyn. Napatawag si mama kaya sinagot ko ito agad.

"Ma?"

"Hi anak, kamusta kayo diyan sa Japan?"

"Okey lang man. Bakit po kayo napatanong?"

"Subrang mis na mis ko na kayong apat, lalo na si Athenna."

Wait!? She's crying?

"Mom, are you crying?"

"Ha? Hindi anak, namimis ko lang kayo. Sige ibaba ko na to, may gagawin pa ako. I love you anak, sobra. Paki-kamusta ako diyan sa mga pinsan natin."

"Mom wa—"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil binaba na niya ito. Why mom's crying? There's anything happened to her? I feel strange. Kinain ko nalang ang pagkaing inihaing ni Athenna sa mesa. Parang gusto kong umuwi ng Pilipinas para kamustahin si mama.

Athenna's POV
"Lady Athenna, bibili lang ako ng dumplings." Wika ni Hikari.

"Okey, hihintayin lang kita dito."

Naka-upo ako ngayon sa ilalim ng puno ng cherry blossom. Ang ganda pala, ngayon lang ako nakakita ng cherry blossom sa personal, nakikita ko lang ang cherry blossom sa anime na pinapanuod ni bunso. Ang hilig sa anime.

Napatigin ako sa paligid dahil wala pa si Hikari. Saan ba nagbebenta ng dumplings dito? Ang tagal naman niya. Napunta ang atenayon ko sa phone nalang nag-vibrate ito, nakita ko na nag-text si kuya. Wahhh! I miss you kuya!

From: kuya Mathew
I love you bunso. Mis na mis kana namin.

Si kuya talaga, napaka-emosyonal. Tumingin lang ako sa paigid, nagbabakasakaling nariyan na si Hikari.

"Hi Athenna."

Kaito's POV [12:30PM]
Nagulat silang apat nang binasag ko ang vase. Tanghali na wala pa si Athenna. Hindi niya ba alam na 12:30 na ang tanghali?

"Kid, calm down." Pagpapakalma ni Dave.

"Shut the fuck up, Dave!" Sigaw ko. Hindi ko parin napa-kalma ang aking sarili. Gusto kong puntahan sina Athenna sa cherry blossom park.

"Kid, you need to calm down your self. Baka niyaya ni Hikari na sa bahay niya kumain." Wika ni Gilbert.

"Baka? So, your not sure?"

"Kid, kung sasabihin natin sa police na missing si Athenna, hindi agad sila kikilos. Masasabi nila na ang isang tao ay missing kung 24 ho—"

"So maghihintay pa tayong tapusin ang 24 hours na yan? Nelson, Athenna is my wife! She's a wife of a mafia boss!" Sigaw ko kay Nelson. Umupo ako sa sahig at pinakalma ang aking sarili. Maybe Gilbert was right. Pero hindi ko maiwasang mag-alala.

"Kid!!!"

Napatingin ako sa labas dahil sa sigaw ni nerd. Why the fuck he's shouting?

"Kid, may nangyaring barilan sa Cherry Blossom park!"

"Fuck!"

Athenna's POV
Pagkagising ko nasa ibang lugar na ako. Nasan ako? Sinubukan kong tumayo ng naka-tali ang aking mga paa't kamay. May panyo rin ang aking bunganga kaya hindi ako maka-sigaw. Biglang nagbukas ang pinto, may isang lalaking pumasok. Hindi ko makita ang mukha niya. May sumunod na lalaking pumasok, naka-tuxedo siya.

"Athenna! My stepdaughter."

Stepdaughter? Anong pinagsasabi ng lalaking to?

"Ohhh! Hindi mo pala ako kilala. Im Kenta Yoshida. Ako ang asawa ng nanay mo."

Asawa ni mama? May ibang pamilya na siya?

Kinuha niya ang panyong naka-takip sa aking bunganga.

"Kung sumigaw ka, kataposan mo na." Inilabas niya ang kaniyang baril galing sa gilid nito at itinutok sa ulo ko. Nagsimula nang tumulo ang aking mga luha.

"Please, wag po." Pagmamakaawa ko habang umiiyak.

"SURE, basta sagutin mo ang tanong ko. Nasan si Kaito? Kung hindi mo sasagutin, sina Mathew, at Althea ang kapalit."

Pumasok ang dalawang taohan netong hawak sina kuya at Althea. Naka-tali ang mga kamay nito at may panyo rin sa kanilang bunganga.

"Ate." Mahulang-luhang tawag ni Althea.

Kaito's POV
Mabilis akong tumakbo patungo sa cherry blossom park. Pagkarating ko dun may mga taong nagkukumpolan. Pagkakita nila sa akin ay agad silang nagbigay daan.

"Hikari?"

Pumasok ako sa crime scene pero pinigilan ako ng dalawang pulis. Pinilit kong pumiglas pero mas lalo pa nila akong inilayo sa crime scene. Inimbestigahan nila ito ng ilang minuto at dinala sa hospital ang bangkay ni Hikari upang mapa autopsy ito.

"Kaano ka ng biktima?" Tanong ng pulis.

"Kaibigan siya ng asawa ko. At malayong kamag-anak ko."

Maraming itinanong ang police sa akin bago ito umalis. Umalis na silang lahat habang ako nanatili sa crime scene. Sino ang gumawa neto kay Hikari, and where's Athenna? Lumakad lang ako ng lumakad dito sa park. Walang may nakahalata na nawawala ang kasama ni Hikari. At wala silang may hinihilaan. I think planado to.

"Kaito!" Napalingon ako kung sino ang tumawag sa akin. Si nerd.

"What?"

"Nakita ko kanina na pinagmasdan ni Hana sina Hikari at Athenna."

Napatitig ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

"What do you mean?"

"Hana… Kidnap Athenna."

Ano!?


#WTMBFIL

When The Mafia Boss Fall In Love (UNEDITED)Where stories live. Discover now