Chapter 6

3.8K 88 0
                                    

Chapter 6: One House?

Athenna's POV
"Kuya naman eh! Bakit ka pumayag!?" Pasigaw kong tanong sabay tayo. Wala akong pake kung nawawalan na ako ng respeto sa kaniya.

"Athenna, kasal kayo. May kinasal bang hindi magkasama sa isang bahay?" Tanong ni kuya.

"Parang gusto niyo kasi na kasal kami."

"Athenna, kung magde-divorce kayo sayang ang pera na kinikita ko. Kulang pa nga sa ating apat ang pera." Wika ni kuya. Kuya walang divorce sa Pilipinas!

Tumayo na si kuya sa kinauupoan niya. Kuya! Don't leave me! Ayaw ko makasama ang katulad niya. He's a demon!

"I'll take care of her. Ako na ang bahala sa pag-aaral niya." Seryosong wika ni Kaito. No!!! Gusto ko si kuya ang magpapaaral sa akin kahit gipit na siya!

"Alis na po ako Sir. Athenna, panindigan mo ang pinirmahan mo." Wika ni kuya. Kuya!

Mathew's POV
Sa totoo lang, labag talaga sa kalooban ko na patirahin si Athenna kasama si Boss. Ngayon ko lang siya nakilala kaya hindi ko alam ang seguridad ng kapatid ko. Pagkalabas ko ng conference room nakita ko ang paternal twin ni Sir at may kasma siyang babae. Ang ganda niya, sobra.

"Anong ginagawa niyo po dito, Sir Kairo?" Magalang kong tanong.

"Anong nangyari dun? Titira na ba si Athenna kasama si Kaito?" Masiglang tanong ni Sir Kairo.

"Umm. Kahit ayaw ko kailangan po Sir Kairo. Pumayag ako na titira si Athenna sa puder ni Sir Kaito." Sagot ako sa tanong ni sir Kairo.

"Talaga!? Yes! Tuloy na ang plano!" Sigaw ng kasama ni Sir Kairo.

"Anong plano?" Nagtataka kong tanong.

"Basta. Para to sa kanilang dalawa. Ako nga pala ang nakakatandang kapatid nila. Yuka Shin ang pangalan ko." Sabay pakilala. Yuka? Wow bagay sa kanyang magandang mukha ang pangalan niya.

Bago pa magkabukingan dito. Ako nga pala si Matthew Rodriguez, nakakatandang kapatid ni Athenna at Althea. Ako lang mag-isa ang nagtataguyod sa tatlo. Iniwan na kami ng magaling naming nanay at sumama sa kabit niya.

Athenna's POV
Nakaupo lang ako sa upuan habang naghintay kung anong gawin ng lalaking to. Akala mo kung sinong gwapo. Oo gwapo nga siya pero maraming gwapo dito sa Pilipinas na hindi ko pa nakilala.

"Hoy lalaki, kung anong nasa utak mo please wag mo nang gawin." Wika ako. Kung kailangan kong maging suplada, well, gagawin ko talaga! Napatingin lang siya sa akin. Nagiwas nalang ako nang tinitignan dahil sa seryosong tingin niya sa akin. Ilang sandali lang tumayo siya sa kinauupoan niya at naglakad papunta sa akin.

"Hoy! Anong gagawin mo? Bakit titig ka ng titig sa akin?"

Kinuha niya ang kanang kamay ko at marahas akong hinila. Pagkalabas namin sa conference room lahat ng mga employee titig na titig sa amin. Tangalin ko kaya ang mga mata niyo? Mga chismosa!

"Hoy saan mo nga ako dadalhin?!" Pasigaw kong tanong.

"Wag kang magingay." Mahinang saad neto.

"Bago ka magsatsat diyan bitawan mo ang kamay ko!" Sigaw ko. Hala, napataas yata ng sobra ang boses ko kaya napatingin lahat ng mga tao dito. Nagulat nalang ako ng binuhat niya ako na parang sako ng bigas at pimunta sa elevator. Nakakainis na talaga ang lalaking to!

"Ahhh! Ibaba mo ako!" Pagsisigaw ko. Bahala na kung tinitignan kami ng mga employee dito ang mahalaga, ibaba niya ako! Pagka-close ng pintoan ng elevator ay sinandal niya agad ako sa gilid ng elevator at inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Aba! Bastos to ha!

"Just shut up, Athenna. Hindi mo ba alam na pinagtitignan na tayo ng mga employee kanina." Seryosong wika ni Kaito. Mas inilapit niya pa ang mukha niya. Feeling ko one inch nalang dadampi na ang mga labi namin. Ilang saglit lang nagbukas na ang pintoan ng elevator kaya napatulak ko siya palayo sa akin.

Ang mga employee na nakakita napatakip labi sila. Nakakahiya ang nakita nila. Ang masungit nilang boss ay may ka-romantic moment sa loob ng elevator. Tumakbo na ako palabas pero nahawakan niya ang kamay ko, at napalingon ako sa kanya.

"Ano na naman!?" Pasigaw kong tanong.

[Kaito's house]
Nabigla nalang ako nang biglang bumukas ang gate. Wow pati gate high-tech na. Pagkapasok naman ng sasakyan ni Kaito ay nag-close agad eto. Hindi na ako tatanong kung bakit ganun ang gate niya. Napanganga nalang ako sa nakita ko. Ang bahay niya, mala-palasyo. Ang ganda at ang laki, may fountain pa sa unahan ng bahay.

"Baba." Seryosong utos ni Kaito. Bumaba naman kaagad ako at ganun din siya. Sumunod lang ako sa kanya nang pumasok siya sa bahay niya. Pagkapasok ko sa loob, wow ang ganda. May mga iba't ibang furniture at ang linis ng paligid.

"Kung nage-expect ka na hiwalay ang kwarto natin. So nagkakamali ka." Wika ni Kaito.

"Do you mean magkatabi tayong matulog?" Tanong ko.

"May mag-asawa bang hindi magkatabi matulog?" Nakakalokong tanong ni Kaito sabay tingin sa akin.

"W-wag mo kong tignan ng g-ganyan." Utal utal kung saad. Hanggang ngayon hindi niya pa din tinatangal ang tingin niya sa akin. Nag-aakit ba siya o nagmamanyak?

"Aalis ako mayamaya, kaya andun ang kusina, dun naman ang banyo, dun ang sala. At dun sa taas ang kwarto natin, may banyo din dun." Wika ni Kaito sabay turo ng mga sinasabi niya. Napatingin naman ako sa kaniya sa sinabi niya. Pakiulit nga. 'Kwarto natin?'

"Excuse me akala ko may sarili akong kwarto? At ayaw kong tatabi sayo," diretsong saad ko. "Baka may gagawin ka sa akin na hindi ko gusto."

Lumakad naman siya ng lumakad papunta sa akin, habang ako ay atras ng atras. Napatigil nalang ako sa pag-atras ng wala na akong matrasan. Hinarang niya ang dalawang kamay niya kanan at kaliwa ko. Inilapit niya pa ang mukha niya na akmang hahalikan ako. Bakas din sa kaniyang labi ang nakakalokong ngiti.

"Kung may gagawin ako sayo, maghintay ka mamayang gabi." Husky na saad neto. Inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko at dinilaan ito.

"BASTOS KA HA!" Tinulak ko siya pero hindi ko nagawa dahil ang lakas niya.

"Just calm down tsuma. Hindi naman ako maging marahas sayo." Pangaakit niyang saad sabay hawak sa buhok ko.

(Tsuma = wife)

Napatitig lang ako sa kanya habang hinahawakan ang buhok ko. Ilang saglit lang ay inilapit niya pa ang mukha niya sa mukha ko at ilang sandali lang ay marahas niya akong hinalikan sa labi? May virgin lips, nawala na!

Pinasok niya ang dila niya sa bunganga ko and he deepen our kiss. Habang ang mga kamay niya ay gumagala sa loob ng t-shirt ko. Nilagay niya ang mga kamay ko sa likuran ng leeg niya. He is enjoying kissing my lips while his hands enjoying touching my body. Ilang saglit lang ay pinutol niya ang paghahalikan namin at tumingin siya sa akin.

"Babalik ako mayamay." Husky na saad neto.


#WTMBFIL

When The Mafia Boss Fall In Love (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon