Chapter 28

2.3K 44 0
                                    

Chapter 28: Threats

Nika's POV
"Hoy Nika Shin! Hindi ka nag-kakamali na may nangyari kay Athenna at Kaito?" Tanong ni Kairo sa kabilang linya. Wala pa talaga siyang tiwala sa akin?

"Kairo Shin, Kirito Shin, at Yato Shin, totoo ang sinabi ko. Nakita ko pa nga na naghahalikan sila papasok sa kwarto nila."

"Pero hindi mo sinilip?" Nakakalokong tanong ni Kairo. Sigurado ako kung magkaharap kami ngayong nag-uusap, may malaking ngiti na akong makikita sa labi niya.

"Mag-isip ka nga Kairo, bakit mo naman sisilipin sila sa kwarto? Na alam mong may nangyari sa kanila!" Ako na mismo ang pumatay sa tawag namin ni Kairo. Nakikibalita nga si Kairo pero hindi pa talaga naniniwala sa mga sinasabi ko!

"Why your here, Nika?" Napalingon agad ako kung sino ang nagsalita sa likoran ko. Si Kid!? Lagot!

"Uy Kid, ikaw pala. Bakit ka nandito?" Sabay hampas ng balikat niya.

"Malamang, bahay ko to." Seryosong sagot ni Kid. Sablay na ako sa unang palusot ko!

"Hehe. Sige alis na ako." Agad ako umalis sa kinatatayoan ko. Buti nalang hindi niya narinig ang pinag-uusapan namin ni Kairo. Napatigil ako sa paglalakad ko nang nakita ko ang tatlo. Bakit nakatali silang tatlo?

"Sorry sis, nahuli niya kami." Paghingi ng patawad ni Nikki. What the?!

ANO!?

"Bakit nandito kayong apat?" Tanong ni Kid habang nakahawak ng baril. Dahan-dahan naman akong napalingon kay Kid. Wow! Baril!

"Ahh. Pasyal." Magkasabay naming saad sabay ngiti. Tinignan lang kami ni Kid ng masama. Yung baril niya, tinataya na niya sa amin. Parang atakihin na ako.

Athenna's POV
"Anong nangyari?" Tanong ko sa sarili ko. Pagka-bangon ko sa kama ay agad akong nalaglag. Ang malas naman oh. Pero bakit ang sakit ng katawan ko?

"AHHHHHHHHHH!" Sigaw ko. May nangyari pala sa amin ni Kaito kahapon. Sa cr.

"ATHENNA!" Muntik na ako napatalon sa sigaw sa sala at may narinig akong foots step. Pagka-bukas ng pinoan nakita ko si Kaito at may kasama siyang dalawang babae at dalawang lalaki. Magkamukha pa.

"LUMABAS KAYO!" Agad kong tinulak silang lima. Mga bwesit! Pumasok agad sila sa kwarto na wala akong saplot!?

[One Hour Later]
"Hi im Nika, siya si Nikki, siya si Nikko, at siya naman si Nik." Pagpapakilala niya. Wow magka-mukha silang lahat. Nagkakalito tuloy.

"Ano yung family name niyo?" Tanong ko.

"Shin. Pinsan namin ang hubby mo." Masiglang sagot ni Nik sabay turo kay Kaito.

"Needed pa bang ituro ako?" Seryosong tanong ni Kaito sabay taas ng kilay.

"Kid, naman. Your so bossy." Sambit ni Nikko.

"Sandali! Kid ang nickname mo, Kaito?" Nagtatakang tanong ko.

"Bigay ni dad." Simpleng sagot ni Kaito sabay talikod.

"Hanggang ngayon galit parin siya sa daddy niya." Bulong ni Nikki.

"Kayong apat nandito kayo sa trabaho, hindi sa chismis." Pag-iiba ni Kaito ng usapan sabay taas ng kilay. Anong trabho? Napatitig nalang silang apat kay Kaito bago mag-tinginan sila sa isa't isa at kumilos na sila. Si Kaito naman naka-sandal lang sa pader habang umiinom ng alak.

"Hoy! Kaito, ang aga-aga alak agad yung inuna mo."

"So, selos ka?" Tanong ni Kaito. Ako? Nagseselos? Sa dami-dami ng sasabihin niya, selos talaga?

When The Mafia Boss Fall In Love (UNEDITED)Where stories live. Discover now