Chapter 2

4.9K 105 0
                                    

Chapter 2: Shin Corporation

Athenna's POV
Tatangalan ko na nang scholarship si Athenna...

Tatangalan ko na nang scholarship si Athenna...

Tatangalan ko na nang scholarship si Athenna...

Hanggang ngayon nage-eco parin sa utak ko yung narinig ko sa mama ni Kristel. Matatangalan ako ng scholarship? Ayaw kong mahirapan ng subra si Kuya. Naglalakad ako ngayon sa hallway, parang wala ako sa sarili dahil sa narinig ko. Sandamakmak na sermon ang aabutin ko kay kuya kung malalaman niya to. Habang naglalakad ako sa hallway ay nakasalubong ko si insan at bunso sa daan.

"Athenna anong nangyari dun sa principals office?" Tanong ni insan.

"Nawalan na ako ng scholarship." Mahinang sagot ko.

"ANO!?" Magkasabay nilang sigaw.

"Ate paano na yung pagaaral mo?" Tanong ni bunso.

"Hindi ko alam." Napaluha nalang ako dahil wala na akong scholarship. Paano na yan? Padalos-dalos ka kasi Athenna!

"Pakiusapan natin si Mrs Principal." Saad ni insan.

Umalis na kami sa kinatatayuan namin at bigla lang namin nakasalubong si Miss Shin na may pag-aalala sa mukha ng nakita niya akong umiiyak. Buti pa si Miss Yuka, may care sa akin kahit paminsan-minsan lang.

"Oh bakit ka umiiyak, Athenna?" Nag-aalalang tanong ni Miss Shin.

"Ma'am, wala na po'ng scholarship ni Athenna." Sagot ni insan.

"Ano!?" Gulat na tanong ni Miss Shin.

"Pupunta kami ngayon kay Mrs Principal para pakiusapan to si ate." Saad ni bunso.

"Wag na kayong magpakiusap kay Principal, papahirapan niya lang kayo. Tutulongan kita na magkaroon ng scholarship Athenna, basta dun lang tayo sa faculty maguusap." Wika ni Miss Shin sabay hawak sa balikat ko.

[Faculty]
"ANO!? PAPAKASALAN ANG KAPATID MO!?" Gulat naming tanong.

"Shhh. Ang boses niyo. Dapat mong pakasalan ang kapatid ko kapalit ang scholarship mo. Baka ikaw pa ang dahilan ng pagbago niya." Nakangiting wika ni Miss Shin. Seryoso siya?

"Ma'am, mabait po kayo pero hindi po kami papayag na pakasalan ni ate ang kapatid niyo." Pagtatangi ni bunso.

"Eh ma'am anong edad na po ba ng kapatid niyo?" Tanong ni insan.

"He's only 25 years old." Masiglang wika ni Miss Shin.

"25 years old? Tapos si Athenna 20 years old? Ma'am talagang ayaw namin. That's final!" Sigaw ni insan. Palihim ko siyang kinurot dahil sa pagsigaw niya kay Miss Yuka at napatingin naman si insan sa akin.

"Eh ma'am bakit hindi nalang kayo ang magbibigay ng scholarship kay Ate?" Tanong ni bunso.

"Multi-billionaire businessman ang kapatid ko. Im just a teacher." Wika ni Miss Yuka.

"Multi-billionaire?" Magkasabay na tanong ni insan at bunso.

"Papayag ka?" Tanong sa akin ni Miss Shin habang nakangiti. "Hayaan mo, hindi ka niya tratuhing yaya."

"Miss Shin, paano kung pumayag ako?" Tanong ko.

"WAG!" Magkasabay na sigaw ni insan at bunso. Bakas sa mukha nila ang pagtututol.

"Bibigyan ka niya ng scholarship." Masiglang wika ni Miss Shin.

"Pag-iisipan ko." Mahinang wika ko habang nakayuko.

When The Mafia Boss Fall In Love (UNEDITED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz