Chapter 13

3.6K 60 5
                                    

Chapter 13: First Crush

Athenna's POV [In the morning]
Bale one week ako na hindi pumasok sa school dahil sa kamay ko. Napaka-bossy kasi ni Kaito. Kahit hindi na masyadon kumikirot ay hindi niya pa ako papasukin sa school. Maghihintay pa ako na okey na ang kamay ko. Nandito ako ngayon sa school. Habang naglalakad ako rinig ko pa mismo ang mga bulongan nila. Bakit kaya? Ilang saglit lang nakita ko sina insan at bunso papunta sa akin.

"Ate, okey ka na?" Nagaalalang tanong ni bunso.

"Okey lang ako. Bakit sila nagtitinginan sa akin?" Nagtatakang tanong ko.

"Pumasok ka sa classroom niyo." Wika insan sabay hila sa akin. Pagkarating namin sa classroom sumalubong sa harapan ko ang magagandang bulaklak at sa blackboard may nakasulat na 'I love you Athenna!' At alam niyo kung kaninong galing? Galing kay Fritz Yoshida. Ang ultimate crush ko!

Tumingin ako sa kinauupuan ko at nakita ko na nakaupo dun si Fritz with holding a roses. Oh my gosh! Ang gwapo niya ngayon. Lumapit siya sa akin at binigay ang bulaklak niyang hawak.

"Hi Athenna, flowers for you." Nakangiting wika ni Fritz sabay bigay ng bulaklak. Agad ko itong kinuha at inamoy.

"T-thank you." Utal utal kong pagpapasalamat.

"Fritz, ask her. Dali!" Saad ni Jun. Kaibigan rin siya ni Fritz. Gwapo rin pero mas gwapo si Fritz.

"Athenna. C-can y-you b-be my…………girlfriend?" Nahihiyang tanong ni Fritz. Napatunganga ako sa sinabi niya. Ano daw? Girlfriend? Nagtatanong si Fritz kung pwede niya akong maging Girlfriend?

"Umm—" Napatingin kaming lahat sa pintoan nang biglang bumukas ito. Nakita ko si Miss Yuka, naka serious mood at ang sama ng tingin kay Fritz.

"Ang babata niyo pa nagliligawan na kayo!?" Galit na saad ni Miss Yuka. "Fritz Yoshida, go back to your classroom. Ang aga-aga nagliligawan kayo!"

Lumabas nalang sila ni Fritz at ang mga ka-groupo niya. Umupo na kaming lahat sa mga upoan namin. Parang iba ngayon si Miss Yuka, napaka-seryoso niya ngayon. Dati kinikilig din siya kung may nagliligawan dito, tapos ngayon naka serious mood siya.

[Lunch brake at the cafeteria]
"Athenna, nakakatakot yata kanina kay Miss Yuka." Pabulong na saad ni insan.

"Bakit?" Tanong ni bunso.

"Naabutan kasi ni Miss Yuka ang ligawan nila ni Fritz. Nagalit si Miss Yuka." Pabulong na saad ni insan.

"Alam niyo nakakainis kanina si ma'am Yuka, ibang iba siya." Napatingin kami kung sino ang nagsalita sa tabi namin. Si Cassie lang pala. Honor student din siya, medyo lang kami close.

"Uyy! Ikaw pala ate Cassie." Masiglang wika ni bunso.

"Sinabi mo pa." Mahinang wika ni insan.

"Alam mo Athenna, wala namang problema kung maging kayo ni Fritz. Nasa kay Fritz na ang lahat, mayaman, gwapo, crush ng bayan, tapos gentleman pa." Pagtatanggol ni Cassie kay Fritz.

"Siguro kung hindi lang sana dumating si Miss Yuka, kami na sana ni Fritz." Napangiti kong saad. Nagtaka ako kung bakit sila nagtatahimikan. Parang may tinitignan sa likoran ko.

"A-athenna, s-si F-fritz." Utal-utal na saad ni insan. Napatingin ako sa likoran ko sa sinabi ni insan.

"Wahhh! Kanina ka pa!?" Gulat kong tanong nang nakita ko si Fritz.

"Oo, gusto ko nga yung sinabi mo kanina," wika niya sabay ngiti. "So, tayo na?"

"Athenna. Sagutin mo na, minsan lang yan." Mahinang saad ni Cassie.

"Okey." Mahinang saad ko. Inayos ko muna ang pagkatayo ko at akmang sasabihin ko na kay Fritz na papayag ako ng dumating si Miho.

"MIHO!?" Nagtatakang tanong namin ni insan at bunso.

"Kilala niyo ang wired na babaeng yan?" Tanong ni Cassie.

"Bakit ka nandito?" Nagtatakang tanong ko.

"Utos ni boss." Kalmadong wika ni Miho sabay hila ng kamay ko.

"Hoy!" Hawak ng kamay ko. "Sino bang boss mo nayan para sundin mo?" Mataray na tanong ni Cassie.

"He's my boss, I'll follow what he orders to me." Wika ni Miho. Kahit ang init na ng tingin ni Cassie at Frizt kay Mihon, kalmado parin ang expression niya.

"Who the hell are you?" Tanong ni Fritz.

"Miho Shin, pinsan ni Lady Yuka." Sagot niya.

"So, si Miss Yuka pala ang nag-utos sayo. Panira pala si Miss Yuka, porket walang jowa." Mataray na saad ni Cassie.

"Hindi si Lady Yuka ang nagpapunta sa akin dito."

"Who?" Nagtatakang tanong ni Frizt.

"I know, his nickname is Kid." Sabay hila sa akin. Ano bang nangyayari sa mundong to! Hindi ko na maintindihan.

[Class hour; Last subject in the afternoon]
Hanggang ngayon nandito pa din si Miho sa likod ko, kahit class hour. Sino naman si Kid? Kapatid nila Kaito? Akala ko lima lang sila. Pagkatapos ng class hour ay lumabas na kami. Pumasok muna ako sa comfort room, pero nasa labas si Miho. Habang naghuhugas ako ng kamay nakita ko si Cassie.

"Cass, bakit?" Tanong ko.

"Magde-date kayo ngayon ni Fritz. Hindi to alam nila Jacklyn at Althea, baka umayaw pa eh." Wika ni Cassie.

"Magde-date? Eh hindi nga ako makatakas kay Miho."

"I have a solution." Wika ni Cassie. Binigay niya sa akin ang paperbag na may lamang ibang damit.

"Anong gagawin ko to?" Nagtatakang tanong ko.

"You need to disguise like a wired girl."

Kinuha ko ang laman ng bag, at nakita ko ang iba't ibang kasuotan. Sigurado hindi ako makikilala neto ni Miho at magkakaroon kami ng mga bagong memories ni Fritz. Sana sa kanya na lang ako nagpakasal.

"Paano sila ni insan at bunso?" Tanong ko.

"Ako na ang bahala sa sermon nila at Kid na yun."

Pinasuot niya na sa akin ang mga damit. Sabi niya, dapat maging wired girl ako. Sinuot ko ang damit na pang-wired. Nilagyan niya ako ng kung ano-ano para hindi lang ako makilala. Nilagyan niya rin ako ng wired hair at eyeglasses.

"Tingin ka sa salamin," tumingin din ako sa salamin. Halos hindi ko na makilala ang sarili ko. "See? Your really wired. Now, lumabas na tayo, walk like a wired."

Nagsimula na kaming lumabas. Buti na lang hindi ako nakilala ni Miho, kung nakilala niya ako sigurado na poposasan niya na ako. Nadaanan rin namim sina insan at bunso pero hindi nila ako nakilala at hindi rin nila nahalata si Cassie. Pagkalabas namin sa school ay sumakay na ako sa sasakyan ni Fritz.

"Buti nalang, natakasan mo siya." Wika ni Fritz.


#WTMBFIL

When The Mafia Boss Fall In Love (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon