Chapter 25

2.4K 35 1
                                    

Chapter 25: KaiLyn Part 2

Jacklyn's POV
Napatitig nalang ako kay Kairo. Bastos to ah! Tapos ang ngiti niya parang nang-hahamon ng sex.

"Bilis! Suotin mo na yan." Pagpipilit ni Kairo sabay tulak sa akin papunta sa fitting room. Bwesit! Dahil no choice at naka-bantay siya sa labas ay agad kong sinuot ang damit. Baka buksan niya ang pinto, matatangalan siya ng gwapong mukha. Pagkalabas ko sa fitting room ay nakita ko siya na suot niya na ang damit. Saan siya nag-bihis?

"Masaya ka na?" Mataray kong tanong sabay cross arm.

"Sobra. Tara nood tayo ng basketball." Nakangiting wika ni Kairo sabay hila ng kamay ko. Pagkarating namin sa basketball area ay bago palang nagsisimula ang game. Ang gagaling ng mga players.

"Jack, kung maglalaro ako ng basketball susuportahan mo ba ako?" Nakangiting tanong ni Kairo sabay tingin sa akin.

"Malamang hindi! Bakit naman kita susuportahan?"

"Cause your my inspiration." Nakangiting sagot ni Kairo sabay wink. I rolled my eye to him, at binalik ang buong atensiyon sa players. Sa totoo lang, mas gwapo ang mga players kay Kairo. Kaso lang, bagong salta siya dito kaya siya ang pinaka-gwapo.

Ilang minutes rin kaming nanonood ng game. Eto kasi si Kairo, alam niya na babae ang kasama nanonood pa ng basketball. Hindi ko kaya gusto ang basketball. Pagkatapos ng game ay bumili pa kami ng balot, tignan natin kung kakayanin niyang kainin ang sisiw.

"Ano yan?" Natatakang tanong ni Kairo pagkatapos kong bumili ng balot.

"Balot. Gusto mo?" Tanong ko sabay bigay ng balot. Kinuha niya ito at binalatan. Maghihintay muna ako kung kaya nga niyang kainin yan. Lalo na ang sisiw, kahit ako nadidirian sa sisiw.

"Masarap ha." Masiglang wika ni Kairo pagkatapos kumain ng balot. Sigurado siya?

"Hindi ka nadidirian sa sisiw?" Nagtatakang tanong ko.

"Hindi naman, kaya nga ng powers. Tapos parang onigiri siya. Kaso may kulay yun eh." Masiglang wika ni Kairo. Hyst! Talo na yata ako neto. Parang sanay nga siya sa probinsiya. Nasarapan siya nung isaw, tapos ngayon nasarapan sa balot! Naglibot pa kami ni Kairo sa plaza. Halos hindi ako makapaniwala na nasarapan siya sa isaw at balot.

"Kairo, naka-kain kana dati ng isaw at balot?" Tanong ko.

"First time." Deretsong sagot njbKairo. Sigurado siya? First time tapos hindi nadidirian!?

"Hindi ka nadidirian?" Tanong ko muli.

"Hindi. Actually thanks sa pagpasyal mo sa akin dito." Pagpapasalamat niya sabay wink.

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Dahil may natikman akong bagong pagkain. I-recommend ko ang nakain ko sa pinsan kong chef."

Napatitig lang ako kay Kairo. Ang gwapo niya pala kung tignan mo siya ng maigi, tapos ang tangos ng ilong. Habang naglalakad kami naka-salubong namin ang tatlong bakla. Panay ang tingin kay Kairo tapos nagpapa-cute pa. Hindi bagay! Ilang saglit lang nagbulungan na sila, siguro nakita nila ang suot namin. HA! HA! HA! Ingit sila!

"Okey ka lang?" Tanong ni Kairo.

"Oo. Yung mga tao dito mga chismosa." Sagot ko.

"Don't worry Jackie, nandito lang ako to protect you at kung nasasaktan kana sa mga chismis nila sabihan mo lang ako dahil matataohan rin sila kalaunan." Nakangiting wika ni Kairo sabay akbay at wink.

"Manahimik ka nga diyan!" Sigaw ko sa pagmumukha ni Kairo at marahas inalis ang kamay niya. Nauna na akong lumakad, nakaka-inis kasi si Kairo pumunta pa sa bahay. Kung wala lang siya dito tahimik pa yung buhay ko.

"Jackie! Hintay!"

Ang ingay!

"Jack, pasyal pa tayo."

"Alam mo, pagod na ako." May halosng iritasiyong wika ko.

"So, paano yan dahil hindi pa ako pagod?"

"Solohin mo yung sarili mo." Masungit kong wika. Binilisan ko nalang ang paglakad ko. Si Kairo naman naka-ngiting sumusunod. Paano kung may gagawin siya? Paano kung gagasahain niya ako?

"Alam mo Jack, ang cute mo." Nakangiting wika ni Kairo. Napalingon ako kay Kairo at sinamaan ng tingin, siya naman ay nag-wink lang. Kanina pa siyang wink ng wink. Nakakagigil.

"Kairo, kung wala kang gagawin mas mabuti nalang kung uuwi kana."

"Kung uuwi ako, mag-isa lang ako sa bahay tapos mas masaya kung kasama kita."

Tinignan ko lang siya at pinag-patuloy ang paglalakad. Dapat pupunta ako sa mataong lugar para walang kalokohan na gagawin si Kairo sa akin. Sa mga ngiti palang niya halata na may balak. Habang naglalakad kami nakasalubong naman namin si Stephanie. Maka-suot ng maikling short, parang may kagandahan yung legs niya.

"Uyyy! Jacklyn, bakit mo iniiwan yung boyfriend mo!?" Mataray na tanong ni Stephanie.

"Umm—"

"Eto kasi si Jackie, nagpapalambing pa." May halong lambing na wika ni Kairo sabay akbay at pisil ng pisngi ko.

"Nako Jacklyn! Wag mo nang bitawan yan! Kung bibitawan mo siya baka ako pa ang maka-kuha sa kanya." Malanding wika ni Stephanie sabay pa-cute.

"Baka lang yun. At wag mo nga siyang landiin, hindi bagay sayo. Tapos mag-pajama ka nga, nasusuka ako sa pangit mong legs." Mataray kong wika sabay alis.

"Ayyy! Nagseselos!?"

Agad akong hinabol ni Kairo. Si Stephanie kasi, kung hindi lang namin siya nakasalubong hindi ko sana masabi ang mga salitang yun.

"Jack! Jack! Jack!" Tawag ni Kairo. Napalingon ako sa kanya at hinintay na maka-lapit sa akin.

"Grabe yung sinabi mo ha. Nag-seselos ka no?" Tanong ni Kairo.

"Bakit naman ako mag-seselos?" Mataray kong tanong sabay cross arm. Hindi ko narin nahalata na napahinto kami sa tapat nila Chester at Mark. Yung patay na patay sa amin ni Athenna.

"Uyy Jacklyn, sino yang kasama mo?" Mataray na tanong ni Mark. Yung nag-kagusto sa akin.

"Sino ka!?" 

"Hindi lang kita dinalaw may iba kana agad." Sambit ni Mark abay himas ng kamay ko.

"Hoy! Nambabastos kana ha!" Angal ni Kairo. Agad niya tinangal ang kamay ni Mark at ang mga kasama niya akmang susugudin na si Kairo.

"Sino ka ba?" Tanong ni Mark sabay tulak kay Kairo.

"Hoy! Wag mo ngang saktan ang boyfriend ko!" Pagtatangol ko kay Kairo. Kailangan pa bang may salitang boyfriend? Hinila ko agad ang kamay ni Kairo. Baka maka-away pa to eh.

"Boyfriend agad!? Ang bilis mo ha!" Saad ni Kairo habang hinihila ko.

"Manahimik ka!" 

[Sa bahay at 9:00pm]
"Nag-enjoy ako ngayon." Nakangiting wika ni Kairo.

"Ngayon lang yun. Umalis kana, baka nag-aalala na si Miss Yuka dahil gabi na wala ka pa dun."

Napatitig si Kairo ng ilang minuto at uti-unting inilapit ang mukha niya hanggang sa hinalikan niya ako? His kiss full of temptation. Parang gusto kung rumes-pond sa halik niya.

"Watashi wa anata wo ashitemasu..." Husky na saad niya.

(Watashi wa anata wo ashitemasu = i love you)


#WTMBFIL

When The Mafia Boss Fall In Love (UNEDITED)Where stories live. Discover now