Chapter 42

2.1K 39 0
                                    

Chapter 42: Mom?

Athenna's POV
"Don't cry, pupuntahan ka ngayon ng nanay mo." Wika ni Kenta. Lumakad siya ng ilang hakbang palayo sa akin at may tinawagan. Pagkatapos ay nilagay niya ulit sa bulsa ang phone niya.

"Pupunta dito ngayon si Kenji, your brother."

"Ang pagkakaalam ko tatlo lang kami, hindi apat." Sambit ni bunso.

"At hindi ka namin tatay." Saad ko. Lumapit siya sa akin at tinignan ako. Naka-tingin lang ako sa ibang dereksyon. Panay ang pagtulo ng mga luha ko.

"Sa ayaw o sa gusto niyo, magiging tatay niyo ako."

Umalis na siya sa silid at naiwan kaming tatlo. Sinandal ko ang ulo ko sa dibdib ni kuya. Teka!? Nasan si Jacklyn? Baka naka takas siya. Kung naka takas siya bakit hindi sinabi sa akin ni kuya?

"Kuya, nasan si Jack?" Tanong ko. Tumingin siya sa ibang dereksyon bago nagsalita.

"Ilang araw na siyang nawawala."

Ano? Nawawala si Jacklyn? Paano? Paano siya nawala?

"Kuya—"

Napatigil ako sa pagsasalita nang may lalaking pumasok. Naka-tuxedo siya, matangkad, at parang kasing edad niya niya si Kuya. Pagkakita niya sa akin ay agad siyang ngumiti at niyakap ako ng mahigpit.

"Sa wakas nagkita narin tayo."

Anong meron sa lalaking to? Bakit niya ako niyakap? Sino ba siya? Kumalas siya sa pagkayakap at lumayo ng ilang dipla.

"Sino ka?!" Nagtatakang tanong ko.

"Athenna its me,—"

"Kenji..."

Napatingin kami ni bunso kay kuya. Kilala niya ang lalaking to? At paano sila nagkakilala? Wala akong alam na kilala ni kuya na mayaman, except kay Kaito. Nagkatinginan sila ni Kuya... Ano bang meron sa dalawang to. Nalilito na ako.

"Your still a Yoshida. Hindi yun ang sapat na dahilan para tawagin ka nilang 'Kuya'."

"Kapatid niyo parin ako—"

"Kung totoo ka naming kapatid, Kuya... Bakit mo hinayaang magkawatak-watak tayo? Tapos, Yoshida na ang last name mo."

"I have my own reason why I did this—"

"What kind of reason, Kuya? Na mahirapan kami?"

Halos hindi ko na naintindihan ang pinag-uusapan nila. Tinawag ni kuya na kuya ang lalaki. With kapatid. So, kapatid namin siya ni Kuya? Paano?

"Kung kapatid ka nga namin, pareho lang ang nanay natin pero iba ang tatay natin." Sambit ni bunso.

"No Althea, talagang kapatid natin siya. Sinama siya ni mama sa ibang bansa kasama ang bagong asawa niya." Pagtatama ni Kuya. Napatitig kami ni bunso sa sinabi ni Kuya. Kapatid namin ang lalaking yan? Sinama siya ni mama sa ibang bansa tapos kami, naiwan dito. Napatingin kami sa lalaking kumatok sa naka-bukas na pinto. Naka tuxedo rin siya.

"Young master, just a few minutes aalis na ang eroplano papuntang Pilipinas." Saad neto.

Kinuha niya ang isang gunting sa mesa at ginupit ang mga tali sa kamay at paa namin. Agad kaming tumayo at biglang tinakpan ang ilong namin. May kakaiba akong inamoy sa panyo at unti-untin akong nahihilo. Napa-luhod ako at nakita ko sina kuya at bunso na nakahiga sa sahig.

"Anong—"

Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko dahil nawalan na ako ng malay. Pagkagising nasa isang malaking kwarto ako at nakahiga sa malaking kama. Bumagon ako at tumigin sa bawat sulok. Subrang laki. Ang isang kwarto parang bahay na namin ni kuya

"Nasan ako?"

Naglibot ako sa loob. Halos kompleto na ang laman dito. May cr narin, may tv, ang kulang nalang kusina at hapagkainan. Napatigil ako sa paglalakad nang may nakita akong babae sa harapan ko. Tsk! Si mama. Naging emisyonal ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Agad siyang lumakad papunta sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Ang laki muna Athenna. Mis na mis na kita anak." Ma-emosyonal na saad niya. Kumalas ako sa pagkayakap niya at umatras ng ilang hakbang. Tinignan ko lang siya na walang emisyon.

"Bakit... Bakit mo kami iniwan?" Tanong ko.

"Athenna, anak. Patawa—"

"Hindi ko kailangan ang kapatawaran mo! Ang kailangan ko ang sapat mong dahilan kung bakit mo kami iniwan?!" Pasigaw kong tanong.

"Anak... Habang nagtratrabaho ako sa ibang bansa, sinasaktan ako ang amo ko. Hindi niya ako pinayagang umuwi kaya tumakas ako. At nakilala ko si Ken—"

"Ahh tapos nagkakilala kayo, nagmahalan kayo, tapos si Kenji kinuha mo. Or i must prefer to call him 'kuya'?"

"Athenna, gusto ko kayong kunin pero tumangi ang tatay niyo. Nagkaroon ako ng pagkakataon na kunin kayo pero si Kenji lang ang nakuha ko... Nang nalaman kong namatay ang tatay niyo bumalik ako sa bahay para kunin kayo pero sinabi sa akin ng mga kapitbahay natin na lumuwas kayo ng Manila."

"Tapos hindi mo kami hinanap?"

"Hinanap ko kayo, pero—"

"Pero ano? Ahh hindi mo kami nahanap tapos sumuko kana dahil masaya kana sa bago mong pamilya. Kung sinabi mo dati na maging ganito ka, sana nakapaghanda pa kami sa responsibilidad na maaga mong binigay kay kuya!"

"Anak—"

"Wag na wag mo akong matawag-tawag na anak, dahil simula nang iniwan mo kami kinalimutan ko na nanay kita!"

Agad akong lumabas ng kwarto at hinanap sina kuya at bunso sa bahay nato. Habang bumababa ako sa hagdan nakita ko sina kuya at bunso. Niyakap ko ng mahigpit si kuya at umiyak ng umiyak.

Hikari's POV
Pagkagising ko nasa loob ako nang ambulance car. May doktor sa gilid. Bumagon ako at itinutok sa ulo niya ang baril kong hawak.

"Stop the car." Utos ko sa doktor. Sa subrang kinabahan siya, nakita ko na basa ang pantalon niya. Naka-ihi yata siya sa kaba.

"Driver, please stop the car." Saad ng doktor sa driver.

"But—"

Pinutok ko ang baril sa gilid ng doktor at napasigaw siya nang malakas. Napatigil ang sasakyan sa gitna ng daan. Lumabas ako ng ambulance car at sinara ang pintoan sa likoran neto. Lumakad ako sa gilid ng kalsada at panay ang pagbubulogan ng mga tao. Panay rin ang tingin nila sa akin. Baka ngayon lang sila nakakita ng patay na nabuhay. Pumara ako ng taxi at sumakay agad.

"To the Shin Clan." Sabi ko sa taxi driver.

[Shin Clan]
Kitang kita sa mga mukha nila ang pagkagulat nang nakita nilang buhay ako. Inilapag ko ang baril at humarap kay Kid.

"Hawak ng Yoshida sina Athenna at nasa Pilipinas sila ngayon."


#WTMBFIL

When The Mafia Boss Fall In Love (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon