Chapter 45

2.7K 39 4
                                    

Chapter 45: Athenna... I Love You

Athenna's POV
Iyak ni kuya ang tanging naririnig ko. Totoo to? O panaginip lang? Nakahandusay sa sahig ang walang buhay na si Althea. Ang kapatid ko.

"Althea! Gumising ka! Gising!" Saad ni kuya habang umiiyak. Pero parang totoo, patay na ang kapatid ko. Si Althea.

"Athenna umalis na tayo." Saad ni Violet.

"Teka, ang kapatid ko... ALTHEA!"

"She's dead Athenna!" Sigaw ni Violet.

"Hindi..."

"Athenna wake up, Althea is dead. We need to go. NOW!" Agad hinila ni Violet ang kamay ko palayo kay kuya at Althea. Nang makalayo na kami sa kanila, bigla kong hinila ng malakas ang kamay ko at nabitawan ito ni Violet. Bumalik ako kung saan namin iniwan sina kuya.

"Haaa!" Sigaw ko ng may humila sa akin. Tinakpan niya ang bibig ko kaya hindi ako maka-sigaw.

Kaito's POV
Tinignan ko ang buong paligid para makita kung nasaan nagtatago si Kenta. Where the hell he is? Napatigil ako sa paglalakad ng nakita ko siya. Wait, bakit niya hawak si Athenna? I thought kasama sila ni Violet.

"Isang maling galaw, mamamatay si Athenna," saad niya. "Ibaba mo ang baril mo kung gusto mo pang mabuhay ang asawa mo."

Sinunod ko ang gusto niya, ibinaba ko ang baril sa sahig at pagkatapos ay may sumipa sa likorang bahagi ng tuhod ko.

"KAITO!"

"Shhh, he'll be fine."

May dalawang lalaking humawak sa magkabilang kamay ko at pinatayo nila ako. Pinaupo ni Kenta si Athenna sa upuan at tinali ang mga kamay nito. Ilang saglit lang pumunta si Kenta sa dereksyon ko at sinimulan na niya akong pinagsusuntok. Tanging sigaw at iyak ang narinig ko sa bunganga ni Athenna.

Tsuma, don't look.

Suntok sa mukha, sa tiyan, tadyak, at sipa ang ginagawa ni Kenta habang ako sinuka na ang sariling dugo at si Athenna naman ay sigaw ng sigaw.

"Tama na!" Sigaw ni Athenna. Nabitawan ako ng dalawang lalaki at pinaghahampas ng baseball bat.

"Lahat ng to ay para kay Kenji. Ito ang ganti ko sa pagpatay mo sa kaniya!"

Kinuha niya ang baseball bat ng isang lalaki at sinimulang paghahampasin ako. Habang si Kenta panay ang pagtawa.

"Look Athenna, your husband," saad ni Kenta sabay turo sa akin. "Halatang mamamatay na siya."

"Walang hiya ka Kenta! Ang mas dapat sayo pugutan ng ulo!" Sigaw ni Athenna. Nilapitan siya ni Kenta at tinignan mula ulo hanggang paa. Ilang saglit lang marahas niya itong sinampal at napaiyak nalang si Athenna.

"Wanna see how your husband suffer?" Tanong ni Kenta kay Athenna. Pinaghahampas ulit ako ng dalawang lalaki ng baseball bat. Ilang saglit lang nakawala si Athenna sa tali at nilapitan ko.

"Wag! Tama na! Kung gusto mo akong kunin, kunin mo nalang ako! Wag mo nang patayin si Kaito. Sasama ako sa inyo ni mama, mamuhay ng tahimik." Pagmamakaawa ni Athenna.

"Athenna no. Please don't do this." Pagmamakaawa ko kay Athenna sabay hawak sa kamay niya. Tinignan ko sa mukha si Athenna. Bakas sa mukha niya ang pagkatakot at pagka-alala. Nang hawakan ko ang mukha niya biglang hinila ng isang lalaki si Athenna palayo sa akin. Sinubukan kong makatayo para pigilan siya pero hinampas ako ng isang lalaki sa likoran kaya natumba ako.

"Kaito! Kaito!" Sigaw ni Athenna.

Laking gulat ko nang natumba ang lalaking humihila kay Athenna at gayon din ang lalaking akmang hahampasan ako ng baseball bat.

"Dave."

Kinuha ko ang bat at akmang hahampasan si Kenta pero nasipa niya ako palayo sa kaniya.

"Cliff?"

Sinubukan kong makatayo at bigla lang tinaya ni Kenta ang baril niya. Nakita kong lumabas si Dave kung saan siya nagtatago. Binaril niya si Kenta sa likoran at binaril din ako ni Kenta sa balikat. Binaril ulit ni Dave si Kenta ng ilang beses hanggang sa mamatay ito. Napa-atras ako ng ilang hakbang at bigla akong nahulog sa bangin. Napahawak ang isang kamay ko sa tobo.

"Kaito!" Sigaw ni Athenna. Nakita kong sinubukan ni Athenna at Dave na abotin ang kamay ko. Dahil ang isang balikat ko ay may tama ng bala ay nahihirapan akong abotin ang kamay nila.

"Kid, konteng tiis nalang." Saad ni Dave habang sinusubukang abotin ang kamay ko. Unti-unti nang nanlabo ang paningin ko. Siguro dahil inuntog ni Kenta kanila ang ulo namin habang naglalaban kami.

"Kid, grab my hand!" Sigaw ni Dave. Tumingin ako sa mga mata ni Athenna. I think this is the last time na makikita at masisilayan ko ang mukha ni Athenna, ang mukha ng aking asawa.

"Athenna... No matter what happen, don't surrender. You need to fight."

"Damn Kid, don't say a goodbye! Just grab my hand!" Sigaw ni Dave.

"Athenna... I love you."

Agad kong binitawan ang pagkahawak ko sa tobo at hinayaan ang sariling malaglag sa bangin at tumama sa tubig. Ramdam ko ang pag-iyak ko habang nahuhulog ako.

"I will never forget you, wife."

Athenna's POV
Kitang-kita ng dalawang mga mata ko kung paano umiyak at mahulog sa cliff si Kaito. Pigil na pigil si Dave sa akin.

"Gusto kong sumama."

"Athenna wake up! Remember what Kid's just say? He told you that don't surrender. You need to fight. You need to live without him. Without Kid." Saad ni Dave.

"Dave, I can't." Maluhang-luha kong sagot. Niyakap ako ng mahigpit ni Dave at sinubukang pakalmahin ako.

"Athenna, if you want to cry just cry. Porket wala na si Kid sa mundong to susuko kana, nandito pa kami para sayo."

Pagkatapos sabihin nun ni Dave tuloyan nang tumulo ang mga luha ko. Dave is right, hindi dahilan ang pagkamatay ni Kaito para sumuko ako. Kailangan kong lumaban para sa mga taong nasa paligid ko.

Siguro, may dahilan kung bakit kinuha si Kaito sa buhay ko. Pero hindi ko to kaya. Masama nga ang loob ko kay Kaito nang nalaman kong siya ang pumatay kay papa tapos nakita ko pang naghahalikan sila ng ex niya. Pero kahit gaano kalaki ng kasalanan niya, mahal ko parin siya. Mahal ko siya kung sino man siya, mahal ko siya kahit pinatay niya si papa, at mahal ko siya kahit mafia boss siya.


#WTMBFIL

When The Mafia Boss Fall In Love (UNEDITED)Where stories live. Discover now