Chapter 2

7.9K 240 24
                                    

"Aish!" Napahawak ako sa ulo ko. Bakit ba ang sakit mo? Nagdilat ako ng mata. Tiningnan ko 'yung oras, 10:30 na.

Ang dilim pa din ng kwarto ko kahit tanghali na. Tumayo ako tapos pumunta sa bintana. Inangat ko 'yung kurtina para magkaroon ng liwanag sa loob.

(O_O) Nanlaki ang mata ko. Nakabukas din kasi yung bintana katapat ng kwarto ko.

At may tao..

Nakatingin siya sakin.. Gulat din?

'yung itsura na parang nakakita ng multo!? Kinilabutan ako sa iniisip ko. Sana wala namang multo.

Lumingon ako sa side para makita kung meron man nga akong katabing multo, Then sa other side na katapat ng salamin and

There I saw myself!!

(O_O)! nakabra lang ako ! WAAAh! Nilingon ko 'yung tao sa bintana. Aba't nakatingin parin sakin!? MANYAK to ah!! Ang masama pa dun ang linaw ng bintana, glass kasi. Hindi ko alam kung alin ba ang uunahin kong takpan, 'yung mukha ko ba o 'yung katawan ko.

"Sh*t!" Napamura ako sabay hatak ulit ng kurtina.

"WHAT THE!! AAAAAH! Sh*t! Sh*t! Sh*t!" Nakita niya ko? Waah! Si Earl! Nakita niya ako. Oo kapitbahay ko siya ay namin pala.

"Nakakaasar!" Note to yourself Marla, Wag ka nang matulog ng nakabra lang. Lintek! Bakit nakalimutan ko? Buwesit naman kasing alak 'yun eh!

*tok tok tok* Napalingon ako sa pinto.

("Marla okey ka lang ba ha?") Si Yaya Lena, nasa labas ng kwarto ko.

"Uhmm.. Opo Yaya Okey lang ako" Tapos narinig kong umalis na siya.

Kinuha ko 'yung kumot at itinakip sa buong katawan ko - from head to toe. Baka namalikmata lang naman ako kanina. Masakit ang ulo ko, baka imagination lang 'yun.

Sumilip ako sa pinakababa na parte ng bintana. Inangat ko lang ng kaunti ang kurtina.

Nakasara na kaya nakahinga na ako ng maluwang. Baka talaga namalikmata lang ako. Hindi ko pa naman nakikitang nakabukas yan sa tagal ko dito eh. Sana nga lang talaga.

At dahil dun medyo kumalma naman ang isip ko. Isipin niyo na lang na totoong nakita 'yun ni Earl. Nakakahiya kung ganun, Rainbow color yung bra ko. Kung bakit ba naman kasi sa dami ng pwede kong isuot, ito pa ang napili ko kahapon? Tsk! Makaligo na nga lang.

PAGKALIGO ko, Nag isip ako ng pwedeng gawin ngayon. Total wala pa naman sila Mama, Kaya free ako.

Aah Tama!! Biglang umilaw ang light bulb sa utak ko. Pupunta na lang akong Mall. Ayun !! Oo isasama ko si KenJay.

Tinawagan ko agad siya.

"Bebe Mall tayo?"

"At this hour?"

"Yup! Sige na gusto ko na sulitin to, uuwi na sila Mama bukas eh"

"My Gosh Marla! Kung hindi lang ako mas maganda sayo"

Umirap ako. As if naman nakikita niya.

"Okey ikaw na nga mas maganda, Psh! So ano samahan mo ko?"

"Yey! Haha" Ang saya niya sa sinabi ko.

"Sa mall na lang tayo magkita ha"

"Okey"

"Sige bye!"

"Byeeeee!" Talo niya pa ako sa Landi.

*toot toot toot* Siya pa unang nakapindot! Tsk!

Nag ayos na ko saka bumaba.

Ang Suplado kong Crush [BOOK 1] CompletedWhere stories live. Discover now