Chapter 36

5.2K 159 14
                                    

"Guys! Panlima daw tayo sa magpeperform." Paganunsiyo ko sa mga kagroupmates ko, kasama ko silang nag-aayos na rin. Ewan ko nga ba, bakit prepared na prepared ang lahat. Eh hindi naman 'to contest, basta daw maglalabas lang ng talent since mga graduating na nga. Atsaka, para daw maipakita na rin ang kakayahan ng ibang hindi mahilig sa mga ganitong program.

Ang napagkasunduan din, hindi pwedeng hindi sumali. Kahit hindi magpeperform basta may naitulong sa grupo, Okey na. Kaya ako, ito bilang leader, taga matyag na din sa mga classmates ko. Pero dahil sa mababait naman sila, nababawasan ang gagawin ko. Haha. ^_^

Pagkatapos namin mag-ayos, pumunta na kami sa back stage.

Kung idedescribe ko 'yung itsura namin ngayon. Parang mga bata. Nagkulay ng mga buhok tapos may ribbon. Tss. Ito kasi naisip ni Mika, nag suggest ako na 'yung medyo pang hip hop na lang, kaso ang problema 'yung music piece namin. Hindi bagay.

Kami pang dalawa ni Earl ang sinisi. Kung hindi daw namin naisip 'yung, haluan ng unting patawa/pang aliw, eh di sana daw hindi kami hirap mag-isip ng concept. Ang colorful ng mga suot namin. Litaw na litaw.

Kung tatanungin niyo ako kung alam ko ang ipeperform nila Earl. 'Yun ay di ko alam. Baka nga hindi pa 'yun sumali eh. Kila Breena? I don't know. Hehe. Masyado akong tumutok sa grupo ko eh. Wala akong alam kung sasali sila o hindi. Pero sigurado naman ako na pupunta sila. Di ba nga, hindi pwedeng hindi.

"Miss San Juan, excuse po kayo ni Mr. President, may pag-uusapan daw po kayo bago magsimula ang program. Sa room po nila

" Asus, sinundo pa ako dito.

"Ah sige. Salamat." Ngumiti siya. Pinuntahan ko na rin ang room nila. Malapit lang. Nandon na ang iba pero may kulang pa. Nakasunod na rin pala sakin 'yung iba.

"Nandito na ang lahat?"

"May kulang pa." Eh? Nilingon ko ang nagsalita. (*_*) Ang gwapooooo! Uwaaah! Ang seksi, este ang pogi!! Nakablack siya tapos.. tapos.. ba't bagay na bagay sa kanya 'yung eyeliner? Kyaaaah! Pwede bang tumili? Para kasing artista eh ^_^.

"Si Miss San Juan wala pa."

Huh? Ako wala pa.. Aba't di niya ba ako nakita? Isang upuan lang naman 'yung layo ko sa kanya. Tanong ko nga, nakakalabo ba ng mata 'yung eyeliner?

"Excuse me? Kanina pa ako dito." Lumingon naman siya sakin. Hala? Ba't ganun 'yung mukha niya? Gulat na parang nakakita ng isang anghel. Hehe. Eh bakit ba? Ganun 'yung itsura niya eh.

"Dude. Tulo laway ka!" Sinamaan siya ng tingin ni Earl. Ahehe ^_^ Natawa 'yung mga kasama namin dito, pati nga rin ako eh.

"By the way, may nagrequest sakin na dapat daw may performance din mula satin. Since wala tayong alam sa bagay na 'to, naisip ko na lang na

Duo ang magpeperform. Nang sa ganon mas madali lang makapag perform saka mag insayo ng madalian. Yung mga pangalan niyo nandito na. Ako ang bubunot, kung sino ang makuha, pwede umatras, hindi pipilitin kung hindi kaya" Tumango kami sa pag sang ayon.

Hinalo niya yun saka kumuha ng isang papel.

"Hazel."

"Why me? I have no talent.. Mistel Pletident.." Haays. Oo nga naman, ayan na ang ebidensiya. Okey na sana nung hindi niya binanggit yung Mr. President. Wala daw talent, kahit dance?

"Okey.. So bubunot na lang ulit.." Kumuha ulit siya.

"Earl" Uwaaah! Magpeperform siya ayiee. Pero 'yun ay kung pumayag..

"Earl." Pag-ulit ni Jick.

"Okey." Walang ganang sabi niya. :3 Ba't ganun? Hindi siya excited..

Ang Suplado kong Crush [BOOK 1] Completedحيث تعيش القصص. اكتشف الآن