Chapter 44

5.4K 154 7
                                    

"Kung ganun sino?!"

"Ako." Para akong sinabuyan ng malamig na tubig. Pinagttripan ata ako nito eh.

"A-ano? I-ikaw ang Savior ko?"

"Ako nga."

"P-pero.. Sigurado ka talaga Earl? Hindi ka nagsisinungaling?"

"Ako nga ang savior mo na matagal nang nanliligaw sa'yo ng palihim." Seryoso niyang sabi. Jusko! Kung trip lang 'to Earl pwede itigil mo na? Malapit na akong maniwala. Tapos mamaya puro kasinungalingan naman pala.

"Earl.. Pwede ba kung pinagtitripan mo lang ako itigil mo na? Kasi, sawang-sawa na ako eh. Nakakapang duda yang mga kinikilos mo. Hindi ko maintindihan kung bakit gustong-gusto mo akong inisin o gusto mo lang akong saktan.."

"Marla, nagsasabi ako nang totoo, Kelan ka ba maniniwala sa sinasabi ng iba? Hindi ka marunong makinig. Yung sa tingin mo lang at iniisip mo ang pinaniniwalaan mo."

"Naniniwala ako Earl.. Pero nasasaktan lang ako sa mga pinaniniwalaan ko eh.. Sabi nila na totoo ang pinapakita mo, oo naniniwala ako pero mukhang hindi ko naman kaya kasi masakit dito eh.." habang tinuturo ang tapat ng puso ko. "Masakit na galing lang sa kanila ang gusto kong marinig mula sa'yo.. Yung salitang gusto kong ikaw mismo ang magsabi."

Tinitigan niya na ako sa mata. Yung titig na nagsasabing 'Please maniwala ka'.

"Marla. Kaya nga sinasabi ko na sa'yo.. ayaw mo bang maniwala? Mahalaga ka sakin Marla. Sa tingin mo ba, makikipagkaibigan pa ako sa'yo at ililigtas ka kung hindi ka mahalaga. Sa tingin mo rin ba papansinin pa kita sa kabila ng maraming beses na pag-iwas, paglayo at pang-aaway na ginagawa mo sakin.. Kilala mo ako Marla, hindi ba't apat na taon mo na akong sinusundan.. Bakit hindi mo man lang naisip na totoo ang sinasabi ko.."

"Kung ganun.. Dapat matagal mo nang sinabi sakin Earl."

"Gusto ko pero.."

"Ayan.. Kasi nga may PERO.."

"Sandali, makinig ka. Tumingin ka sa mata ko Marla." Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Ayuko marinig ang pero niya.. Ganyan naman eh, mahal Kita, Pero.. Mahal kita Pero.. ay palitan natin.. Mahalaga ka Pero.. yun lang pala..

"Look at me Marla.." Hinawakan niya ako sa mukha, kaya hindi na ako makatangging hindi tumingin "This time, gusto ko nang magpakatotoo.. Maniwala ka.."

"Mahalaga ka sakin. At seryuso ako sa sinabi ko kanina Marla.." Nararamdaman ko at nakikita ko ang sincerity sa mga sinabi niya. Nakikita ko 'yun sa mata niya, madilim man at tanging liwanag mula sa buwan ang umiilaw samin, kitang-kita ko 'yun.

"Ahmm.. S-since when?" Yun lang ang mga salitang lumabas sa bibig ko pagkatapos ng pagkahaba habang sinabi niya, parang nawala sakin 'yung pagiging madaldal.

"Simula nung nalaman ko na totoo talagang Crush mo ako." Ha? Ang tagal na nun ah!

"Ganun na katagal?"

"Oo. Dinedeadma mo ako eh." Natawa ako ng mahina sa dinedeadmang sinabi niya.

"Ako pa talaga ang nandedeadma? Ikaw kaya! Suplado saka Sinungaling.."

"I'm not.."

"Oo kaya."

"I said. I'm not."

"Ika-Hmmmmm." *smack kiss*

Ghaaad! Aaaah! Pakiramdam ko nag-init ang pisngi ko ngayon. Parang naipon sa ulo ko ang lahat ng dugo ko sa katawan.

"Bakit ginawa mo 'yun!" Hinampas ko siya sa balikat.

"Gusto ko lang!"

"Psh." Walang kwentang dahilan!!

Ang Suplado kong Crush [BOOK 1] CompletedWhere stories live. Discover now