Chapter 3

6.4K 218 21
                                    

"Good morning Yaya Lena, Wala pa rin po ba sila Mama?" Tanong ko kay Yaya Lena pagkababang pagkababa ko.

"Good Morning din, wala pa sila, pero tumawag ang Mama mo kagabi. Kumain ka pala muna." Nilapag ni Yaya ang pinggan.

"Ano po ang sabi?" Tapos naupo na ako.

"Hanggang sa 26 pa daw sila doon kaya ang sabi sumunod ka na lang daw, doon daw kayo magpapasko." Four days sa resort? Ano ba naman yan, may masamang nangyari sakin doon four years ago. Baka maulit pa 'yun. Nakakatakot.

"Ako lang po?" Ano bang iniisip nila Mama, kaya ko pumunta dun mag isa? Hell No!

"Hindi, ang sabi si-"

*Ding Dong*

"Ako na po." Pagrisinta ko. May ginagawa kasi si Yaya.

Pagbukas ko ng gate. WOW! Anong ginagawa niya sa tapat ng gate namin?

"Be ready at 3 pm." 'Yun lang tapos bumalik na siya sa bahay nila.

Eh? ano daw sabi?

"Oy teka!" Hindi niya pinansin 'yung tawag ko.

Psh! Suplado niya talaga.Kainis magpapacute pa ko eh.

Bumalik na lang din ako sa loob. Nababaliw lang ata 'yun eh. Trip lang.

"Sino 'yun?"

"Aah si Earl po. Bangag po ata.Haha" Napapailing na lang ako.

"Ha? Bangag?" Naguluhan ata si Yaya.

"Aah hindi po, Nababaliw lang po." Natatawa lang ako. Ang weird kasi ni Earl.

"Kanina bangag, ngayon naman nababaliw, Bakit ano ba ang sinabi?"

"Be ready at 3 pm. 'Yun lang po. Ewan ko ba dun, Ang weird po eh." Tapos natawa na naman ako.

"Aah oo, Si Earl pala ang makakasama mo papunta sa resort" Muntikan pa akong mabilaukan. Eh? Tama ba narinig ko? Si supladong crush? As in si Earl Peras?

"Ano po? Si Earl?"

"Oo, Hindi ba't sa kanila 'yung resort?" Ay, Oo nga pala.

"Aah Hehe. Haay Thank you" Sabi ko habang nakasmile. Ang saya naman. Maagang gift na po ba ito Lord?

"Bakit?" Ayy ano ba yaya masaya lang ako. Muntikan ko nang masabi.

"Thank you kasi may kasama ako, akala ko po kasi ako lang mag isa eh"

"Naku kang bata ka. Ipagpatuloy mo nga muna pagkain mo. Saka mag ayos ka na" Ang taray! Haha. Feel ba ni Yaya na excited na ko? Aieee Si Earl daw kasama ko! Akalain mo 'yun?

Nararamdaman ko tuloy na magiging unforgettable ang mangyayari sa bakasyon na 'to.

---

*Beep! Beep!*

"Teka lang naman!" Excited din ata si Earl? Waaah! Grabe makakasabay ko ba talaga siya? Tatanggi sana ako, Kaso si Earl naman pala makakasama ko kaya okey! Forget muna sa bad memories.

Ngiting-ngiti ako habang pababa ng hagdan. Buti magaan lang 'yung dala ko.

"Mag ingat ka dun Marla ha. Saka enjoy"

"Ikaw din po Yaya Lena, ikaw na po bahala dito"

"Huwag kang mag-alala, ako na bahala dito"

*Beep! Beep!*

"Aah sige na po Yaya, Bye po"

"Oh Sige mag ingat kayo sa biyahe."

"Opo"

*Beep! Beep!*

Pagkalabas na pagkalabas ko,bumusena ulit. Aish Di niy ba nakitang palabas na ako? Lumabas siya ng kotse niya. Aww galit siya.

"Ang sabi ko 3 pm, Late ka ng ten minutes" Suplado talaga. Ten minutes lang naman ah. Pero tama late pa rin nga.

"Sorry naman."

Kinuha niya 'yung dala ko saka niya nilagay sa likod. Pabagsak! Okey galit nga siya.

Pumasok na ako sa loob. Nagulat pa nga ako kasi may tao.

"Hi!" sabi niya, habang nakangiti.

"Hello" Tipid kong sagot.

Si Sabreena "Breena" Tan.Wow, ang ganda niya talaga. Sikat siya sa school eh. Nakasama ko na rin siya minsan pero hindi ko gaanong nakakausap.

Pumasok naman si Earl tapos nagsimula na siya magdrive. Kahapon lang si Hailey kasama niya, Ngayon naman si Breena. Babaero nga pala siya noh. Tumahimik na lang ako. Pero pansin kong nakatingin sakin si Breena, Nakakailang.

"You know, ang ganda mo" Biglang sabi niya. Ano daw? Ganda as in Beautiful? Lumingon naman ako.

"I like your eyes"

"Eh... Thank you, ang ganda mo rin" Sabi ko. Totoo naman eh. Maganda siya kasi siya ang kasama ni Earl.

"Tss." Narinig kong galing kay Earl. Ano problema niya.

"Thank you din. Tama pala yung sinabi ni-"

*SCREEEEEETCH*

"Aah sh*t!, Earl ano ba magdahan-dahan ka!" Sigaw ni Breena, Nasisigawan niya din? Wow.

Kita kong sinamaan siya ng tingin ni Earl sa salamin. Hindi siya lumingon pero nakita ko ang pagbabanta ng tingin siya kay Breena.

"Hahaha, Okey Fine, quiet lang ako"

Teka nag uusap pa kami ni Breena. Tatahimik na daw siya. Sayang naman, Awkward na naman ulit.

Tumahimik na lang din ako.

Binuksan ko na lang 'yung cp ko. Tapos nagtext kay KenJay. Sinabi ko lang naman sa text na kasama ko ngayon si Earl at ang reply..

From: Bebe

Haha go girl! ikaw na! sana lang hindi ka makulong sa gagawin mong pagrape. Haha

Waaah! Baliw talaga 'to, pero natawa ako sa text niya tapos nireply ko.

To: Bebe

Baliw ka!!

Tapos bigla siyang tumawag..

Bebe calling.......

Buti naka headset ako, kung ano ano sinabi niya at kung anong bilin pa. Jaya tawa naman ako ng tawa. "BALIW" 'yun lang nasagot ko tapos end call na.

"Who's your Bebe? Special Someone?" Tanong Breena. Nakita niya ata nung tumawag.

"Si Kenjay" Nakasmile kong sagot.

"Your Boyfr-"

*SCREEEETCH*

"Sh*t!" At this time napamura na ako.

"Earl ano ba!" Sigaw ulit ni Breena.

"May dalawang pusa kasi sa gitna pa ng daan nakuhang magchismisan" Waah seryuso? sigurado ba siyang nag chichismisan nga 'yung pusa?

"Haha, Magdrive ka na nga lang! Leche! Pusa pala ha" Wow ang gaan nila sa isa't isa.

Napatingin ako sa labas, anong gagawin ng dalawang pusa dito sa Daan? Highway to.

Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako. Tapos nagising ako nandito na pala kami. Bakit di nila ako Ginising?

Pagbaba ko, Nakita ko naman 'yung dalawa nag uusap. Napansin ako ni Earl, tapos nauna na siyang pumasok dala 'yung gamit lang nila. Asan gamit ko?.

Psh, ayun! Nasa hulihan lang pala. Si Breena kinuha naman 'yung shoulder bag niya. Sasabay na sana ako sa kanya, kaso bigla namang tumakbo. Hinabol niya si Earl saka humawak siya sa braso. Bakit di niya ako pinansin? Naglakad na lang ako tutal alam ko na rin naman dito. Remember Four years ago, muntik nang mawala si Precious Marla San Juan.. At hindi ko makakalimutan 'yun, at kung bakit nangyari iyon

...itutuloy

Ang Suplado kong Crush [BOOK 1] CompletedWhere stories live. Discover now