Chapter 10

5.3K 188 14
                                    

Natapos ang party na parang wala ako sa sarili. Ni hindi ko nga namalayan ang pagcountdown. Hindi ko na rin namalayan na tapos na rin pala ang party. Nagising na nga lang ako na nasa isang kwarto ako ng main, kapareho kasi 'nung design sa kwartong pinagbihisan namin kagabi.

"Oh my God" Nang nagfunction na ang utak ko. Baka galit na sila Mama. Lagot ka ngayon Marla.

*Phone Ringing*

Ayan na tumawag na si Mama. Mabuti na lang talaga dala ko 'tong cellphone eh. Pasalamat na lang din na nasakin pa hanggang ngayon, kahit kagabi, wala ako sa sarili.

"Hi Baby? Are you okey? Your Tita Jayme told me na nakita ka daw sa may pool na lasing na lasing. Bakit doon mo naisipang maglasing? Buti na lang walang nangyaring masama sayo" Huhu lagot. Hindi ko talaga alam ang nangyari.

"Ma, I'm sorry. I was enjoying the moment eh" Ito na naman ako sa enjoying eh. "Ma, Merry Christmas"

"Haaay naku. Mabuti na lang. nakita ka ni Earl" Earl? Pagkarinig ko ng pangalan na 'yun. Biglang lumungkot yung mukha ko. So siya pa pala nakakita sakin ng hindi ko maimagine na itsura ko. Lasing na lasing daw eh. I should thank him. Pero How?

"Baby, nadiyan ka pa ba?"

Uh-ow. Lumilipad na naman ang utak ko. Kausap ko pala si Mama. Nakalimutan ko na dahil sa Earl na 'yun.

"I'm sorry Ma. Ano nga po ulit iyon?"

"I said Merry Christmas too. May gagawin ka ba ngayon? Last day na ng vacation natin" Saglit akong nag-isip ng pwedeng gawin. Gusto ko mag refresh ng utak.

"Maglilibot na lang po siguro ako" Iyon na lang.

"Okey. Oh sige na, May pupuntahan pa ako. Bye!"

"Bye" Then end the call. Pati dito business. Wala kaming bonding kung nahahalata niyo. Ganito sila Papa eh. Hindi nga ako pinagalitan about sa pagkalasing ko. The sides of them that I like. They call us lang if they have time and mostly si Mama lang. Si Papa hindi siya tumatawag pero pag nasa bahay na kami doon ang interrogation.

I can't say na wala silang pake. Malaki na kami, and they trust us. Kaya nga kahit pa love life ng kapatid ko sumisingit pa ko. It's because kailangan yun ng kapatid ko, 'Yun naman ang role ko bilang Ate eh. My parents are busy, And alam kong it's for our future, that's why Me as a Big Sister kailangan ko rin bantayan ang kapatid ko.

It's already 10 am ng mapagdesisyonan kong lumabas na sa kwarto. Pinadalhan ako ni Mama ng pampalit na damit. So I'm ready na para maglibot-libot ulit.

Breath in

Breath out

Sana hindi ko muna makita si Earl. Kahit ngayon lang.

Pababa na ako sa hagdan when I saw Breena. Kausap siya ni Tita Jayme.

"Hi Tita! Hi Breena!"

"Here's the drunk girl." Si Tita talaga. Tumawa din ako.

"How was your morning hindi ba sumakit ang ulo mo?"

"Hindi naman po Tita." I said while smiling.

"Haay mana ka talaga sa Mama mo. Malakas din uminom." Tapos tumawa ulit siya. Kaya naman pala okey lang kay Mama eh.

"Hehe."

"May lakad ka ba ngayon?"

"Aah maglilibot-libot lang po ako"

"Oh I see, how about you Sabreena?" Baling niya kay Breena.

Ang Suplado kong Crush [BOOK 1] CompletedWhere stories live. Discover now