Chapter 38

4.9K 166 24
                                    

Pagkatapos naming kumain bumalik na rin kami sa lugar kung saan nag-uumpisa na ang sayawan. Maingay (malamang xD) na parang nasa Bar lang. Ang swerte ng mga graduating, magaling kasi ang President ^_^

May table na nakalaan sa grupo namin, at dahil ulit iyon kay Jick. Swerte namin noh?

Nag ayang sumayaw si Breena, pero tumanggi ako. Wala akong balak sumayaw. Hindi ko nga alam kung bakit pa ako nandito, dapat diba umuwi na lang kasi hindi naman ako sasayaw, anong gagawin ko dito?

Kami na lang ang naiwan ni Earl na nakaupo. Wala din atang balak sumayaw eh. Gusto ko nang makauwi. Pagod na rin ako. Kanina pa. Atsaka nakakaramdam ako ng antok, maaga ba namang gisingin ng isang 'to. Psh. Nandamay pa eh.

"Hoy Earl! Uuwi na ako ah. Pakisabi na lang sa kanila, mauna na ako." Tatayo na sana ako para pumunta na sa room namin kasi nandon ang mga gamit ko. Pero..

Inunahan niya akong makatayo, saka tumayo sa harap ko sabay hawak sa pulsuhan.

"Bakit?" Tanong ko. Aba malay ko ba dito. Hindi nagsalita, kilos agad.

"Hindi ka muna uuwi. Sasabay ka sakin."

"Oh? Eh may gagawin ka pa ba dito?"

"Wala"

"Wala ka naman palang gagawin dito. Oh, eh.. Uwi na lang tayo. Tara.." Pag aya ko.

"Ah hindi. May gagawin pala ako.."

"Psh. Ano naman? Wala ka nga atang planong sumayaw eh"

"Meron noh. Tara samahan mo ko dun" Ngumuso siya sa gitna, dun sa may mga sumasayaw.

"Sigurado ka?" Takang tanong ko. Eh kanina lang ang tahimik niya tapos ngayon inaaya niya ako sumayaw?

"Oo naman. Tara na dali." Sabay hila sakin.

"Teka! Teka! Eh ayuko sumayaw!" Nagpupumiglas ako sa pagkakahawak niya. Ayuko talaga.

"Psh. Kunwari pa eh. Alam ko namang kating-kati ka na diyan sumayaw. So what are you waiting for?"

"Sira! Hindi kaya, wala akong balak sumayaw ngayon noh. Dapat nga, pauwi na ako eh. Ang kulit lang ng pinsan mo."

"Psh. Dami pang sinabi. Ako naman kasama mo. Dapat nga matuwa ka pa. Inaya kaya kita."

"Tss, bakit sinabi ko bang ayain mo ako?"

"Hindi, gusto ko lang. Oh ayan na ha, sinabi ko na kung bakit."

"Yun naman pala eh. Tara." Gusto mo rin naman pala akong ayain, bat hindi sa maayos na paraan? Kulit din noh..

♪You give me chances and I let you down♪

"Oy! Hala.." Hinatak ko ulit siya. Kasi naman biglang nag slow yung song. Sa tagal kasi ng paghihilahan namin ayun tuloy! Pinalitan ni Dj yung tugtog..

♪You waited for words that I couldn't get out♪

"Earl.." Hindi siya umalis sa kinatatayuan namin. Bagkus, nilapit niya ako sa harap niya at hinawakan sa bewang. Shemay!!

♪I have no excuses for the way that I am♪

"Ah.. Eh.. E-Earl, balik na ako sa.."

♪I was clueless then, I couldn't understand♪

"Di ba sabi mo sasayaw tayo? Oh ito na 'yun.." Sweet na pagkakasabi niya. Ano ba 'yan Earl.. Uwaaaah! Kumakabog na naman ang dibdib ko.

"♪That all that you wanted
♪And all that you needed
♪Was a side of me I never let you see"

Ang Suplado kong Crush [BOOK 1] CompletedWhere stories live. Discover now