Chapter 25

5.3K 176 14
                                    

Kanina ko pa nararamdaman ang pag vibrate ng cellphone ko mula sa bulsa ng suot kong pantalon. Isa lang ang ibig sabihin 'nun, may text o may tumatawag na sobra na ang pagkamiss sakin.

Hindi ako nagpakita sa kanila simula kaninang umaga, maliban sa Bestfriend ko. Kinulit niya kasi ako kanina kung ano daw bang drama ko at mag isa akong nakamukmok sa sulok sa loob ng library. Natunton ako ng Bestfriend ko.

Kaninang Lunch niya ako naabutan doon. Buti na lang hindi ako nahuli ng tagabantay na tulog na tulog. Napuyat ako kagabi kakaisip. Kastress alam niyo 'yun?

Tama nga, nagsisimula na akong umiwas pero bakit parang pati mga kaibigan ko nadadamay sa iwas iwas na 'to. Ang alam lang nila busy ako, 'yun ang pinasabi ko kay Kenjay eh. Hindi ko pa rin naikukuwento sa kanya ang mga nangyari nitong nakaraan, readers pakisabi na lang kay Kenjay na basahin niya na lang dito. Haha :D

Uwian na rin, siguro naman nakauwi na 'yung iniiwasan ko o kaya may practice siya. Mabuti na lang pala may Intrams na paparating. Sabay na sabay sa drama ko.

Kinuha ko na ang cellphone ko. Ang daming missed calls, pati text. Nag aalala silang lahat. Asking if okey lang daw ba ako o kaya tutulong sila kung mahirap 'yung ginagawa ko, pati daw kasi Lunch hindi ko pinalampas sa pagiging busy. Mga kaibigan ko talaga. Si Breena nagsorry pa, inisip na baka daw sobrang galit ko sa kanya kaya hindi ako sumabay sa lunch nila.

Isang unknown number may missed call din, at isang text.

'don't starve yourself.

"Err? Sino ba 'to?" Pero kinilig ako dun. Shems naman, simpleng text kilig na kilig? Lumalala na ako. Haha. Hindi ko nga alam kung kanino galing 'yun eh.

Tinext ko na rin sila..

'guys don't worry I'm okey.. pauwi na ako..

Send

Nag umpisa na akong maglakad palabas ng University.

"Hey! Marls." Napadiin ako ng pikit ng mata. Kevin not now please.. Nasa drama mode ako, diretsong bahay lang ako ngayon. Nagtuloy lang akong maglakad at nagkunwaring parang walang narinig.

"Wait! Marla!" Psh. No choice nahawakan niya na ang braso ko. Acting skills: Activate.

"Oh Hi Kevin. Bakit?" Tipid na ngiti, saka medyo ginalaw ko ang braso ko para maalis niya ang pagkakahawak.

"Pasensiya na.." binitawan niya naman. "Tinatawag kita kanina, hindi mo naman ako napansin."

"Ah, pasensiya na rin. Nagmamadali kasi ako eh. Bakit nga pala?"

"Ganun ba?.. I wanna ask something lang sana."

"Okey? Ano 'yun?"

"Is it true na nag de date kayo ni Earl Peras? Nakita ko kasi sa FB." Malungkot na sabi niya. Oh my! Ano bang sasabihin ko, nagdate kami dahil set up lang? Eh date nga ba 'yun? Parang hindi naman eh.. Psh. Bahala na nga! Ito naman talaga ang totoo eh..

"Uhhmm, ang totoo kasi hi--"

"Hi Meh.." Umakbay sakin saka hinalikan ako sa pisngi. Syet! Natameme ako doon, Gulat din pati si Kevin. Ang PDA! Pero hindi ako makagalaw para akong nayelohan dito. Sobrang lakas din ng kabog ng dibdib ko. Meh? Sinong Meh?

"A-anong ginagawa mo dito?" Nauutal kong tanong kay Earl..

"Diba may date tayo?" DATE!? Kelan pa?

"K-ke--"

"Ssssh. Oo pupuntahan natin 'yun.." Anong sinasabi niya. Syet Earl! Tanggalin mo 'yang kamay mo! Hindi ako makahinga! Waaaah!

"S-so, Totoo nga na nagdedate kayo?"

Ang Suplado kong Crush [BOOK 1] CompletedNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ