Chapter 42

4.6K 169 7
                                    

Hawak ko sa braso si Kenjay habang naglalakad papunta sa lugar na sinabi sakin ni Hailey. Nakasunod lang si Earl.

Mula sa kinatatayuan namin kanina may mga ilaw na madadaanan kaya maliwanag. At sa pinakadulo alam kong ito na ang lugar na tinutukoy ni Hailey. Huminto ako saglit. Acting!..

"Bebe wait!"

"Oh bakit?"

"Teka, parang mali.. Wait lang ha tayo ka muna.. wait.." Umatras ako ng unti.

Saka naman biglang namatay ang lahat ng ilaw. Hudyat na umalis na kami ng mabilisan. Naiwan si Kenjay.

Hinablot ko ang kamay ni Earl saka lakad-takbo ang ginawa namin.

"Bebe. Asan ka?" Rinig kong sabi niya. Alam kong may takot 'to sa dilim kaya sinabi ko iyon kay Hailey. Sorry Bebe ah.

Nakatago na kami ni Earl. Nandon na rin sila Breena.

"Hey! Buti dumating na kayo. Nag-aalala na kaya si Hailey.." Bulong ni Breena.

"Eh kasi medyo traffic.." Sabi ko rin sa mahinang boses.

"I see, oh ayan na!" Kyaaah! Excited akong tumutok sa mangyayari..

Kita naming naglalakad si Hailey palapit kay Kenjay habang kumakanta ng theme song nila. 'Best of me'

Nagulat si Kenjay pero unti-unting sumaya ang mukha ng bestfriend ko. Kaloka! Lalaki na ba ngayon ang dapat suyuin!? Ang swerte niya.

"Hon. I know I'm stupid. Maling hindi kita agad inunawa. I was an idiot and stone that time. And I never listen to your explanations. Hindi kita pinaniwalaan, at hinusgahan agad kita." Seryusong sabi ni Hailey. Ako ang kinikilig dito eh.. I don't care kung sino man 'tong nahahampas ko sa kilig..

Patuloy pa rin sa pagsasalita si Hailey. Ako naman kilig na kilig talaga sa mga nakikita ko.

"Oh my God! This is it! This is it!" Habang hinahampas at kinukurot ang nasa tabi ko. Kulang na nga lang yakapin ko na dahil sa kilig at tuwang nararamdaman ko ngayon.

"Guys, come out now.." She said kaya lumabas na rin kami.. lahat. Halatang gulat na gulat si Kenjay sa nakita niya. Sino ba namang hindi? Eh surprise nga diba?

"In front of our friends and our parents.." Tingin sa mata ni Kenjay. Speechless. All I can say, sa itsura ngayon ng kaibigan ko.

"Kenjay Trinidad. My Hon, ang mahal ko, ang minamahal ko at ang mamahalin ko habang buhay kasama ng magiging baby natin. Please listen to this.."

"WILL YOU BE THE HUSBAND OF OUR HAILEY BUENO?" Sabay-sabay na sabi namin.

"Kenjay will you? Or you want me to kneel and ask you the same question?" Luluhod na sana ito pero pinigilan ni Kenjay.

"No." Whaaaaaaaaaaaat!? Yung mukha ni Hailey biglang nag iba. Kahit ako bagsak din ang balikat.

"Hey! It's not what I mean. Hon.. You don't have to kneel just to ask me the same question, maiipit si Baby. You don't have to do this. I should be the one who's asking you.." Yun naman pala eh! Nakahinga ako dun! Kaloka ka Kenjay..

"Tanggap kita kahit ano ka pa Kenjay Trinidad. Tanggap ko ang buong ikaw..

..kasi Ikaw ang mundo ko. Mahal kita and I don't want to lose you. Kaya inunahan na kita sa bagay na ikaw dapat ang gumawa. So what's your answer. Is it yes or a no?"

Tinitigan niya ito saka ngumiti ng malapad.

"Line ko dapat 'yan eh."

"Ang bagal mo kasi. So ano nga?"

Ang Suplado kong Crush [BOOK 1] CompletedWhere stories live. Discover now